Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/93 p. 3
  • Mga Tagapagdala ng Liwanag sa Komunidad

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tagapagdala ng Liwanag sa Komunidad
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Masaganang mga Pagpapala sa “Mga Tagapagdala ng Liwanag” na Pandistritong mga Kombensiyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • 1992 “Mga Tagapagdala ng Liwanag” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Pagsunod sa Ating Huwaran Bilang mga Tagapagdala ng Liwanag
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Ipangaral ang Daan ng Diyos sa Kapayapaan at Katiwasayan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 2/93 p. 3

Mga Tagapagdala ng Liwanag sa Komunidad

1 Pagkatapos na dumalo sa pandistritong kombensiyon sa taóng ito, tayo ay higit na naging gising sa pangangailangan upang maging tagapagdala ng liwanag sa ating komunidad. (Mat. 5:14) Habang ating iniisip ang lahat ng mga impormasyong iniharap sa programa at pinagsisikapang ikapit iyon sa ating pang-araw-araw na buhay, tayo ay natutulungang maging lalong malapit kay Jehova sa tunay na pagsamba at tumulong sa iba na matutuhan ang tungkol sa mga pangako ni Jehova.

2 Ang ating mga pagkakataon upang maging tagapagdala ng liwanag ay lumaki nang, sa pagtatapos ng sesyon ng umaga ng Biyernes, isang bagong tract na may pamagat na Ang Sanlibutan Bang Ito ay Makaliligtas? ay inilabas. Ang mga pagtatanghal sa Sabado ng umaga ay nakatutulong sa kung papaano magagamit ang tract na ito. Kasama nito, ipinatalastas din na may tatlo pang tract na makukuha. Ang mga ito ay may pamagat na Kaaliwan Para sa Nanlulumo, Tamasahin ang Buhay Pampamilya, at Sino Talaga ang Nagpupuno sa Sanlibutan? Nagbigay ng pampatibay-loob na dalhin natin ang mga ito para magamit kapag may bumangong pagkakataon.

3 Sa pagtatapos ng pahayag na “Kaligtasan sa Kapahayagan ni Jesu-Kristo” noong Sabado ng hapon, isang mainam na bagong brochure na may pamagat na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? ang inilabas. Ang maganda ang pagkakalarawang brochure na ito ay sasagot sa maraming katanungan ng mga tao, gaya ng: Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa? Magwawakas pa kaya ang pagdurusa? Papaano natin nalalaman na tayo’y nasa mga huling araw? Papaano tayo magtatamasa ng buhay na walang hanggan sa bagong sanlibutan ng Diyos? Ang brochure na ito ay isang napakainam na kasangkapan para sa pagpapasimula ng mga bagong pag-aaral.

4 Anong laking pasasalamat natin sa saganang espirituwal na pagkain na natanggap sa “Mga Tagapagdala ng Liwanag” na Pandistritong Kombensiyon! Tayo nawa, bilang mga tagapagdala ng espirituwal na liwanag ng Diyos, ay magpasiyang ikapit ang ating natutuhan at maging masipag sa paggamit ng mainam na mga bagong babasahing ito upang tulungan ang mga tao na kilalanin at paglingkuran si Jehova.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share