Teokratikong mga Balita
Albania: Mula Disyembre 1991 hanggang Disyembre 1992, ang bilang ng mga mamamahayag ay sumulong mula 24 tungo sa 107. Ang bilang ng mga pag-aaral sa Bibliya ay tumaas mula 4 tungo sa 221 sa yugto ring yaon ng panahon.
Central African Republic: Noong Enero 20, 1993, ang pamahalaan ay naglathala ng isang batas na nagpapahintulot sa ganap na pagbabalik ng lahat ng gawain ng mga Saksi ni Jehova. Ang mga kapatid doon ay nagagalak na ngayo’y nagagamit na nila ang kanilang Kingdom Hall at nakapagdaos sila ng “Mga Tagapagdala ng Liwanag” na Pandistritong Kombensiyon nang hayagan. Ang dumalo sa idinaos na anim na mga kombensiyon ay may kabuuang 4,739, at 121 ang nabautismuhan.