Maging Regular sa Paglilingkod sa Larangan
1 Kumukuha ba kayo ng positibong hakbangin upang makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa regular na paraan? Tayo ba ay masikap sa maagap na pag-uulat ng ating paglilingkod sa larangan sa Kingdom Hall tuwing katapusan ng buwan? Ito’y nararapat na pagsikapan nating lahat, na hindi pinahihintulutang lumipas ang isang buwan na sa anumang paraan ay hindi nakapagpapahayag nang madlaan ng ating pananampalataya.—Roma 10:9, 10.
2 Bukod sa pagiging regular natin, nanaisin nating maging alisto sa pagtulong sa iba na regular na makibahagi sa ministeryo sa larangan. (Fil. 2:4) Papaano natin magagawa ito? Maaari nating anyayahan ang mga di bautisadong mamamahayag na nagpapasimula pa lamang sa ministeryo na gumawang kasama natin. Ang isang palagiang eskedyul ng paglilingkod ay makatutulong upang maitanim nang malalim ang katotohanan sa kanilang mga puso.
3 Maging regular sa paglilingkod sa larangan. Laging ibigay ang inyong ulat ng paglilingkod sa larangan bawat buwan. Tulungan ang iba na makibahagi nang palagian sa paglilingkuran. Ipakita ang “pag-ibig sa buong kapatiran.”—1 Ped. 2:17.