Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Hulyo: Ang Pinakadakilang Tao Na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. Agosto: Alinman sa mga brochure sa ₱6.00. Setyembre: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Oktubre: Suskrisyon sa Gumising! sa ₱80.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakahihiling ng mga nabanggit sa itaas na babasahin para sa kampanya ay dapat gumawa niyaon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).
◼ Kung kailangan ninyo ng karagdagang mga magasin para sa kampanya sa suskrisyon sa Oktubre, pakisuyong ipadala ang inyong mga pantanging pidido nang hindi lalampas sa Hulyo 31, 1993.
◼ Sa Sabado, Agosto 28, 1993, magkakaroon ng pangkalahatang paglilinis sa Tahanang Bethel sa Quezon City, kaya ang opisina ay magiging sarado sa umaga at walang tour na gagawin sa araw na iyon. Ang literature reception ay magiging sarado rin sa umagang iyon.
◼ Ang mga patuloy na nag-aauxiliary payunir mula pa noong Abril ay maaaring nasa kalagayan na upang pumasok sa paglilingkurang regular payunir. Ito’y isang mabuting panahon para maingat na isaalang-alang ang bagay na ito, upang kung kayo ay maaaring maging isang regular payunir, maaaring ibigay ninyo ang inyong aplikasyon sa komite sa paglilingkod ng inyong kongregasyon nang hindi lalampas sa Agosto 1 anupat kayo’y makapag-uumpisa sa inyong paglilingkod bilang regular payunir sa pagsisimula ng bagong taon ng paglilingkod sa Setyembre 1, 1993.
◼ Songbook na Malalaki ang Titik: Mayroon kami ngayong limitadong suplay ng songbook na inimprenta sa malalaking titik sa Cebuano, Iloko, at Tagalog. Ang songbook na ito ay naglalaman lamang ng mga salita, walang mga nota, at ito’y makapal kaysa regular na edisyon. Ang halaga para sa madla at mga mamamahayag ay ₱80.00 at para sa mga payunir ay ₱60.00.