Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/93 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Agosto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Agosto
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Subtitulo
  • Linggo ng Agosto 9-15
  • Linggo ng Agosto 16-22
  • Linggo ng Agosto 23-29
  • Linggo ng Agos. 30–Set. 5
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 8/93 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Agosto

Linggo ng Agosto 9-15

Awit 133

10 min: Lokal na mga patalastas at angkop na Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Pagtatampok sa mga Brochure Upang Hanapin ang mga Interesado.” Tanong-sagot na pagkubre. Ang mga brochure na tinutukoy sa parapo 5 ay: Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad?, Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, at Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso. Sabihin sa kongregasyon kung anong brochure ang makukuha sa stock. May kasiglahang himukin ang mga kapatid na lubos na makibahagi sa pag-aalok ng mga brochure sa Agosto.

20 min: “Mabisang Ginagamit ang mga Brochure sa Agosto.” Talakayin ang mga punto sa kongregasyon, at itanghal ang mga presentasyon sa mga parapo 3, 5, at 7. Magpasigla ukol sa mabuting paghahanda.

Awit 30 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 16-22

Awit 25

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at anumang tugon sa donasyon. Ipaalaala sa kongregasyon ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan, at talakayin ang iba’t ibang litaw na mga punto mula sa mga magasin.

20 min: “Nagbabalik Upang Magpasigla ng Interes sa Bibliya.” Pagkatapos ng maikling pambungad, itanghal ang pagdalaw muli sa isa na nagpakita ng interes subalit hindi kumuha ng literatura. Gayundin, itanghal kung papaano dadalaw muli sa tao na masyadong abala para makipag-usap subalit tumanggap ng tract na Sino Talaga ang Nagpupuno sa Sanlibutan? Sa bawat kaso, ipakita kung papaano sinisimulan ng mamamahayag ang pag-uusap at inaantig ang interes.

15 min: “Tayo’y Magtungo sa Bahay ni Jehova.” Tanong-sagot na pagtalakay sa mga parapo 1-8 ng insert. Repasuhin sa maikli ang mga tampok na bahagi ng mga publikasyong binanggit sa parapo 7. Itatanghal ng may kakayahang mamamahayag kung papaano tutulungan ang isang baguhan para maunawaan kung bakit tayo inorganisa bilang mga kongregasyon. (w84 11/1 p. 15 par. 6, 7; b85 5/1 p. 16 sa Tagalog) Itampok ang bahagi ng ating mga pulong na siyang kabaligtaran ng mga relihiyosong gawain ng Sangkakristiyanuhan. Pasiglahin ang nagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya na ilakip bawat linggo ang maikling pag-uusap na dinisenyo upang tulungan ang estudyante na magkaroon nang mas malaking pagpapahalaga sa organisasyon at sa pangangailangang maging bahagi nito.

Awit 191 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 23-29

Awit 136

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.

15 min: “Kaya ba Ninyong Gawin Ito?” Talakayin sa tagapakinig. Kapanayamin ang isa o dalawang regular payunir o isa o dalawang mamamahayag na naglilingkod bilang auxiliary payunir sa pana-panahon. Ilalahad nila kung papaano sila nakapagpasiyang gumawa ng higit pa at kung papaano nila inorganisa ang kanilang mga gawain.

20 min: “Tayo’y Magtungo sa Bahay ni Jehova.” Tanong-sagot na pagkubre sa mga parapo 9-14 ng insert. Ginagamit ang mga mungkahi sa mga parapo 12 at 13, itatanghal ng mamamahayag kung papaano makikipag-usap sa isa na nag-aatubili.

Awit 165 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agos. 30–Set. 5

Awit 170

10 min: Lokal na mga patalastas. Tatalakayin ng matanda ang ulat ng kongregasyon sa paglilingkod sa larangan noong Hulyo, na nagbibigay ng komendasyon at pampatibay-loob. Gayundin, talakayin ang dalawa o tatlong angkop na mga litaw na punto mula sa mga magasin para gamitin sa paglilingkod sa larangan sa dulong sanlinggong ito.

15 min: “Gamiting Mabuti Ang Bantayan at Gumising!” Tanong-sagot na pagtalakay. Tulungan ang lahat na mapahalagahan ang maraming pagkakataon na maaaring taglay natin upang makapaglagay ng mga magasin, bago at mga matatandang isyu.

20 min: Pahayag ng matanda hinggil sa personal na kalinisan, salig sa Ang Bantayan ng Hunyo 1, 1989, mga pahina 15-20. Ang pahayag ay dapat na iharap sa isang mabait na paraan at may timbang na pangmalas sa mga bagay-bagay.

Awit 192 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share