Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/94 p. 3-4
  • “Tudlaan ng Pagkapoot ng Lahat ng mga Bansa”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Tudlaan ng Pagkapoot ng Lahat ng mga Bansa”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Kinapopootan Nang Walang Dahilan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Manatiling Malapít sa Organisasyon ni Jehova
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Ang mga Lumalaban sa Diyos ay Hindi Mananaig!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Dahil sa Pag-ibig, Nakakapagtiis Tayo Kahit Kinapopootan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 2/94 p. 3-4

“Tudlaan ng Pagkapoot ng Lahat ng mga Bansa”

1 Sa nakaraang mga taon tayong lahat ay nagalak sa kamangha-manghang mga pagpapalang natamo ng bayan ni Jehova sa palibot ng daigdig. Ang pagiging legal ng gawain sa Malawi pagkatapos ng 26 na mga taon ng malupit na paniniil ay naging sanhi ng luha ng kagalakan. Napabuntong-hininga tayo sa kaginhawahan nang bumagsak ang Komunismo sa Silangang Europa na naging dahilan ng paglaya ng libu-libo nating mga kapatid. Minasdan nating may pagkabahala nang ang ating kalayaan ng pagsamba sa Gresya ay hinamon; tayo’y nagalak nang magwagi sa pinakamataas na hukuman sa Europa. Tayo’y nasiyahang makarinig sa paglawak ng mga sangay ng Samahan upang makapag-imprenta ng napakaraming literatura para sa mga naghahanap ng katotohanan. Tayo’y namangha nang ating marinig na mahigit sa 7,400 ang nabautismuhan sa kombensiyon sa Kiev, Ukraine. Oo, ang kagilagilalas na mga pagsulong na ito ng gawaing pang-Kaharian ay tunay na nagpalaki sa ating kagalakan!

2 Bagaman malaki ang sanhi ng ating kagalakan, dapat tayong magbantay laban sa sobrang pagsasaya. Ang maraming kaayaayang mga ulat ay maaaring magpangyaring tayo’y mag-isip na ang pagsalangsang ay nababawasan at na ang bayan ni Jehova ay nagtatamo ng pagsang-ayon sa palibot ng daigdig. Ang gayong kaisipan ay maaaring maging mapandaya. Bagaman tayo’y nagtamo ng ilang tagumpay at naalis ang mga hadlang sa mabuting balita sa ilang mga lupain, hindi natin dapat limutin na ang ating kaugnayan sa sanlibutan ay hindi nagbabago. Tayo ay “hindi bahagi ng sanlibutan.” Dahilan dito, tayo ay tiyak na magiging “tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga bansa.” (Juan 15:19; Mat. 24:9) Habang nananatili pa ang sistemang ito ng mga bagay, walang makababago sa tuntuning “lahat niyaong mga nagnanasang mabuhay na may maka-Diyos na debosyon may kaugnayan kay Kristo Jesus ay pag-uusigin din.”—2 Tim. 3:12.

3 Ang kasaysayan ay nagpapatunay sa babalang ito. Bagaman si Jesus ay nagbigay ng kamangha-manghang patotoo sa harapan ng mga tagapamahala at ng kanilang mga sakop, siya’y pinagmalabisan sa araw-araw at laging nanganib na ipapatay. Kahit na ang kaniyang mga apostol ay nakagawa ng maraming mga alagad, nakibahagi sa pagsulat ng Kristiyanong Griyegong Kasulatan, at nagpakita ng makahimalang mga kaloob ng espiritu, sila’y kinapootan at pinagmalabisan din. Sa kabila ng kanilang mabuting paggawi at pag-ibig sa kapuwa, ang mga Kristiyano ay minalas na kadusta-dustang “sekta” at ‘pinagsasalitaan nang laban saanman.’ (Gawa 28:22) Bagaman ang Kristiyanong kongregasyon sa ngayon ay ginagamit ni Jehova sa kamangha-manghang paraan upang isagawa ang kaniyang kalooban, ito ay patuloy pa ring sinasalangsang ng bawat elemento ng balakyot na sistemang ito ng mga bagay. Walang dahilan upang asahan ang paghinto ng pagsalangsang.

4 Noong unang siglo, pinag-usig ni Satanas ang mga alagad ni Jesus sa iba’t ibang paraan. Ang mga mananalangsang ay nagsalita ng tahasang kasinungalingan laban sa kanila. (Gawa 14:2) Gumamit ang mga ito ng pagbabanta upang takutin sila. (Gawa 4:17, 18) Ang nagagalit na pulutong ay nagsikap na patahimikin sila. (Gawa 19:29-34) Sila’y ibinilanggo nang walang dahilan. (Gawa 12:4, 5) Ang mga mang-uusig ay kadalasang gumagamit ng pisikal na karahasan. (Gawa 14:19) Sa ilang mga kaso ang mga walang malay ay pinatay. (Gawa 7:54-60) Si apostol Pablo ay personal na nagtiis ng mga pagmamalabis na ito. (2 Cor. 11:23-27) Ang mga mananalangsang ay gumamit ng lahat ng pagkakataon upang hadlangan ang gawaing pangangaral at pagdusahin ang mga tapat na manggagawang ito.

5 Sa ngayon si Satanas ay gumagamit ng gayon ding mga pamamaraan. Ang tahasang mga kasinungalingan ay maling naglalarawan sa atin bilang naliligaw na sekta o kulto. Sa ilang mga lupain, ang mga awtoridad ay nagbawal sa ating mga literatura. Ang ating paggalang sa kabanalan ng dugo ay hayagang kinukutya. Noong mga taon ng 1940, galít-na-galít na mga manggugulo na pinagsisiklab ng isyu sa pagsaludo sa bandila ang sumalakay sa ating mga kapatid at sumira sa kanilang mga ariarian. Libu-libo ang ibinilanggo dahilan sa isyu ng neutralidad. Sa mga totalitaryong lupain ang ating mga kapatid ay maling pinaratangan ng pagiging subersibo, anupat daan-daan ang pinahirapan at pinatay sa mga bilangguan at mga kampong piitan. Ang panggigipit na ito ay maliwanag na nagpapakita na tayo ay tudlaan ng pagkapoot nang walang makatuwirang dahilan.—Tingnan ang Tagapaghayag, kabanata 29.

6 Ano ang Nakalaan sa Hinaharap? Bagaman ang bayan ni Jehova ay nakakaranas ng ilang kaginhawahan sa pana-panahon sa ilang bahagi ng daigdig, ang pangkalahatang kalagayan ay nanatiling gaya ng dati. Ang Diyablo ay patuloy na may malaking galit dahilan sa pagbubulid sa kaniya noong 1914. Alam niya na maikli na ang kaniyang panahon. Ang kaniyang galit ay tiyak na titindi habang nalalapit ang malaking kapighatian. Siya’y gumagawa nang ganap na pakikidigma laban sa iniluklok na hari, si Kristo Jesus, at siya’y determinado na lumaban hanggang sa wakas. Maibubuhos lamang niya at ng kaniyang mga demonyo ang kanilang galit laban sa bayan ni Jehova na naririto sa lupa, na tapat “na tumutupad sa mga kautusan ng Diyos at may gawaing pagpapatotoo tungkol kay Jesus.”—Apoc. 12:12, 17.

7 Kaya habang tayo’y tumitingin sa hinaharap, kailangan nating maging makatotohanan. Walang dahilan upang mag-isip na aatras o susuko ang Diyablo. Ang pagkapoot laban sa atin sa sanlibutang ito ay maaaring sumiklab sa anumang panahon at sa alinmang dako. Sa maraming mga lupain ang ating kalayaang mangaral ay nangyari lamang matapos ang isang mahabang pagpupunyagi. Ang kalayaang iyon ay maaaring napakarupok. Malalaking pagbabago ang maaaring maganap sa loob ng magdamag, na nagdudulot ng kaguluhan at pagmamalabis sa karapatang pantao.

8 Ang kasalukuyang kasaganaan at kalayaan na ating tinatamasa sa ibang mga lupain ay maaaring dagling magwakas, na magdudulot ng pagmamalabis gaya ng naranasan ng ating mga kapatid noong una. Hindi natin maaaring pahintulutan ang ating mga sarili na ipaghele tungo sa espiritu ng pagwawalang-bahala, na nag-aakalang ang ating mga kaaway ay natalo na. Ang pagkapoot ng sanlibutan ay hindi laging nahahayag nang lubusan, subalit ito’y nananatili pa ring maningas. Ang Salita ng Diyos ay nagpapakita na ang pagsalangsang ng sanlibutan ay titindi pa habang nalalapit ang katapusan. Kaya dapat tayong maging mapagbantay, na tayo’y “maingat gaya ng mga serpiyente at gayunma’y inosente gaya ng mga kalapati.” (Mat. 10:16) Dapat nating kilalanin na tayo ay mayroong “pakikipaglaban nang puspusan” hanggang sa katapusan, at ang pagtitiis ay susi ng ating kaligtasan.—Judas 3; Mat. 24:13.

9 Sa ating bansa, ang gawaing pangangaral ay maaaring lumalago nang walang paghadlang. Dahilan dito tayo ay maaaring mag-isip na walang dapat ikabahala. Gayunpaman, kailangang maging mapagbantay. Ang mga kalagayan ay madaling nagbabago. Kahit walang babala, maaaring magbangon ang mga sumasalangsang ng ilang isyu at gamitin ito laban sa atin. Ang mga apostata ay laging naghahanap ng mairereklamo. Ang galít na mga klero ay maaaring hayagang tuligsain tayo. Ang ating mga plano sa pagtatayo ng Kingdom Hall ay maaaring maging mitsa ng isang tunggalian sa buong komunidad. Ang mga negatibong pangungusap laban sa atin ay maaaring ilathala sa mga pahayagan. Maaaring sadyain ng mga kilalang tao na gumawa ng di wastong paglalarawan sa atin, anupat ang ating kapuwa ay magalit kapag tayo ay dumadalaw. Maging ang ating sariling mga kasambahay ay maaaring umusig sa atin. Kaya may pangangailangan na maging mapagbantay, na kinikilala na ang galit ng sanlibutan ay buháy-na-buháy, at maaari itong mahayag sa anumang panahon.

10 Papaano Ito Dapat na Makaapekto sa Atin? Ang lahat ng mga ito ay nakakaapekto sa ating pangmalas sa kinabukasan. Sa papaanong paraan? Dapat ba tayong matakot sa kung ano ang ating titiisin? Dapat ba tayong manghina sa ating gawaing pangangaral dahilan sa hindi ito gusto ng ilan sa ating komunidad? May dahilan ba upang matigatig kapag tayo ay sinisiraang puri? Ang marahas na pakikitungo sa atin ay dapat bang mag-alis ng ating kagalakan sa paglilingkod kay Jehova? Mayroon bang anumang alinlangan hinggil sa kalalabasan nito? Hindi kailanman! Bakit hindi?

11 Hindi natin dapat kalimutan na ang mensahe na ating ipinahahayag ay hindi galing sa atin, kundi kay Jehova. (Jer. 1:9) Tayo’y nasa ilalim ng obligasyon na sundin ang payo: “Magsitawag kayo sa kaniyang pangalan. Itanyag ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa . . . sa buong lupa.” (Isa. 12:4, 5) Kaniyang pinahintulutan ang pagmamalabis sa kaniyang bayan sa isang espisipikong layunin, alalaon baga’y, ‘upang maihayag ang kaniyang pangalan sa buong lupa.’ (Ex. 9:16) Tayo’y nagsasagawa ng isang gawaing ipinag-utos ni Jehova, at siya lamang ang isa na makapagbibigay sa atin ng tibay-loob upang magsalita nang may katapangan. (Gawa 4:29-31) Ito ang siyang pinakamahalagang gawain na maaaring gawin sa pangwakas na mga araw na ito ng matandang sistema.

12 Ang kaalamang ito ay dapat magbigay sa atin ng tibay-loob na manindigang matatag laban kay Satanas at sa sanlibutang ito. (1 Ped. 5:8, 9) Ang pagkaalam na si Jehova’y kasama natin ay “nagpapatibay-loob at nagpapalakas” sa atin at nag-aalis ng anumang sanhi ng pagkatakot. (Deut. 31:6; Heb. 13:6) Habang lagi nating sinisikap na maging mataktika at makatuwiran kapag tinatakot ng mga mananalangsang, gagawin nating maliwanag na tayo’y determinadong “sumunod muna sa Diyos bilang tagapamahala sa halip na sa mga tao” kapag hinahamon ang ating pagsamba. (Gawa 5:29) Kapag may pagkakataong magsalita bilang pagtatanggol sa ating panig, atin itong gagawin. (1 Ped. 3:15) Gayunpaman, hindi natin aaksayahin ang ating panahon sa pakikipagtalo sa mga pusakal na kalaban na interesado lamang sa paninira sa atin. Sa halip na gumanti kapag tayo’y maling pinararatangan nila, basta’t ating ‘pababayaan na lamang sila.’—Mat. 15:14.

13 Ang ating pagtitiis sa mga pagsubok ay nakalulugod kay Jehova. (1 Ped. 2:19) Anong halaga ang dapat nating bayaran para sa pagsang-ayong ito? Kailangan ba tayong maglingkod nang walang kagalakan dahilan sa tayo’y kinapopootan at sinasalangsang? Tunay na hindi! Si Jehova ay nangangako na gagantimpalaan ang ating pagsunod taglay ang “kagalakan at kapayapaan.” (Roma 15:13) Sa kabila ng matinding pagdurusa, si Jesus ay nanatiling maligaya dahilan sa “kagalakang inilagay sa harapan niya.” (Heb. 12:2) Ito’y totoo rin sa atin. Dahilan sa ang gantimpala para sa pagtitiis ay napakalaki, tayo ay napakikilos na “magsaya at lumukso sa kagalakan” bagaman tayo ay nagdaranas ng malulubhang pagsubok. (Mat. 5:11, 12) Maging sa mga panahon ng kahirapan, ang kagalakang ito, sa ganang sarili, ay sanhi ng pagbibigay ng papuri kay Jehova.

14 Mayroon bang anumang pag-aalinlangan sa kahihinatnan nito sa wakas, na magdudulot sa atin ng pangamba? Wala, ang kahihinatnan ng labanan sa pagitan ng organisasyon ni Jehova at ng sanlibutan ni Satanas ay matagal nang napagpasiyahan. (1 Juan 2:15-17) Anumang tindi ng pagsalangsang, si Jehova ay magbibigay sa atin ng tagumpay. (Isa. 54:17; Roma 8:31, 37) Kahit na tayo ay ilagay sa pagsubok nang lubusan, walang makahahadlang sa atin sa pagtanggap ng gantimpala. Tayo’y walang anumang dahilan upang “mabalisa sa anumang bagay,” sapagka’t si Jehova ay magbibigay sa atin ng kapayapaan bilang tugon sa ating pagsusumamo.—Fil. 4:6, 7.

15 Kaya tayo’y nagpapasalamat kay Jehova kapag naririnig natin na ang ating mga kapatid ay iniligtas sa pag-uusig o nabigyan ng kalayaang mangaral sa mga lugar na dati’y may paghihigpit. Tayo’y nagagalak kapag may nabuksang bagong mga pagkakataon upang libu-libong taimtim na mga tao ang makarinig ng pabalita ng Kaharian. Tayo ay nagpapasalamat kapag nagbibigay si Jehova ng tagumpay sa pagharap sa mga salangsang. Ating nalalaman na kaniyang pagpapalain ang ating gawain sa anumang paraang kailangan upang maitanyag ang kaniyang tunay na pagsamba at dalhin ang mga “kanais-nais” mula sa lahat ng mga bansa.—Hag. 2:7; Isa. 2:2-4.

16 Magkagayon man, nababatid natin na ang ating kaaway, si Satanas, ay makapangyarihan, at tayo’y kaniyang sasalangsangin nang lubusan hanggang sa katapusan. Ang kaniyang pagsalakay ay maaaring hayagan at tahasan, o ang mga ito ay maaaring tuso at mapandaya. Ang pag-uusig ay maaaring biglaang magaganap sa dating matatahimik na lugar. Ang mga mananalangsang ay maaaring maging malupit sa pagsisikap na salansangin tayo. Sa takdang panahon magiging maliwanag sa kanilang lahat na sila’y “mga nakikipag-away laban sa Diyos,” at kaniyang pupuksain sila. (Gawa 5:38, 39; 2 Tes. 1:6-9) Samantala, anuman ang ating tiisin, tayo ay determinado na manatiling matatag sa paglilingkod kay Jehova at sa pangangaral ng pabalita ng Kaharian. Tayo ang pinakamaligayang tao sa balat ng lupa, na nalalamang sa ‘pagiging sinang-ayunan ay tatanggap tayo ng korona ng buhay.’—Sant. 1:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share