Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/94 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 2/94 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Pebrero: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Marso: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱80.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).

◼ Ang kalihim at ang tagapangasiwa sa paglilingkod ay dapat na magrepaso sa gawain ng lahat ng mga regular payunir. Kung may sinumang nahihirapan sa pag-abot sa kahilingan sa oras, dapat na isaayos ng mga matatanda na magbigay ng tulong upang kanilang maabot ang kahilingang 1,000 oras sa isang taon.

◼ Sa Linggo, Pebrero 20, magkakaroon ng pulong ng lahat ng mga nagbabalak mag-auxiliary payunir sa Marso, Abril, at Mayo. Ang lahat ay pinasisiglang dumalo. Dapat pangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang pulong at tiyaking may taglay na sapat na aplikasyon para sa auxiliary payunir.

◼ Makukuhang Bagong mga Publikasyon:

Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos (Mamamahayag at publiko: ₱160.00; payunir: ₱120.00)—Cebuano, Iloko, Ingles, Tagalog (Pakisuyong tingnan ang sumusunod na patalastas sa pagpidido nito.)

Ano ang Layunin ng Buhay—Papaano Mo Masusumpungan? (Mamamahayag at publiko: ₱6.00; payunir: ₱4.00)—Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Tagalog

Ang Banal na Kasulatan—NWT (Mamamahayag at publiko: ₱80.00; payunir: ₱60.00)—Cebuano, Iloko, Tagalog

◼ Kapag pumipidido ng bagong aklat na Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos, ingatan sa isipan na ito’y special-request item. Ito’y nangangahulugan na dapat lamang kayong pumidido nito sa Samahan ayon sa pidido ng mga kapatid. Pagkatapos, kapag dumating ang pidido, dapat nilang bayaran ang kaniyang pinidido at ito’y ipadadala ng kongregasyon sa Samahan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share