Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Marso
Linggo ng Marso 7-13
15 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin sa maikli ang “Ialok ang Aklat na Tanong ng mga Kabataan.”
15 min: “Manghawakang Mahigpit sa Pangmadlang Pagpapahayag ng Inyong Pag-asa Nang Walang Pag-uurong-Sulong.” Tanong-sagot na pagkubre ng konduktor sa Pag-aaral ng Bantayan. Kumuha ng komento mula doon sa nakapanagumpay sa takot sa pagkokomento sa mga pulong. Idiin ang pangangailangan para sa patiunang paghahanda.
15 min: “Ipahayag ang Kagilagilalas na Mensahe sa Apocalipsis.” Pagtalakay sa tagapakinig. Itanghal ng mamamahayag ang mga presentasyon sa mga parapo 2-4. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa pag-aalok ng aklat na Apocalipsis sa buwang ito.
Awit 225 at pansarang panalangin.
Linggo ng Marso 14-20
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Akayin ang pansin sa espisipikong mga punto sa kasalukuyang mga magasin na maaaring gamitin sa ministeryo sa larangan sa linggong ito.
15 min: “Maaari ba Ninyong Pasulungin ang Inyong Papuri kay Jehova sa Abril?” Tanong-sagot na pagkubre. Kumuha ng mga komento sa mga nag-auxiliary payunir noong nakaraan. Hayaang ipaliwanag nila kung papaano nila isinaayos ang kanilang mga gawain upang samantalahin ang pribilehiyong ito.
20 min: “Ipadama sa Kanilang Sila’y Tinatanggap sa Memoryal.” Tanong-sagot na pagkubre. Pagkatapos ng parapo 3 magkaroon ng maikling pagtatanghal ng ministeryal na lingkod na tumatanggap sa baguhan sa Memoryal.
Awit 150 at pansarang panalangin.
Linggo ng Marso 21-27
10 min: Lokal na mga patalastas, lakip ang ulat ng kuwenta at tugon sa mga donasyon.
20 min: “Tulungan Silang Kumilos Salig sa Mensahe.” Pagtalakay. Magkaroon ng inihandang mabuting pagtatanghal sa mga presentasyon sa mga parapo 2 at 3.
15 min: Lokal na mga pangangailangan, marahil may kaugnayan sa mga kaayusan sa Memoryal, o pahayag ng isang matanda sa artikulong “Ang Suliranin ng Pagkatutong Maghintay” sa Oktubre 15, 1993 ng Bantayan. Gamitin ang lokal na halimbawa na nagpakita ng karunungan ng paghihintay kay Jehova upang lutasin ang ating mga suliranin sa takdang panahon. Tukuyin ang 1994 na taunang teksto at magpasigla ukol sa lubusang pagtitiwala kay Jehova.
Awit 121 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mar. 28–Abr. 3
10 min: lokal na mga patalastas. Talakayin at itanghal ang mga angkop na paraan upang magpatotoo sa lokal na teritoryo taglay ang alok na suskrisyon sa Abril. Ilahad ang mga karanasan na nagpapakita kung papaanong ang ilang mga mamamahayag ay nakakuha ng mga suskrisyon kapag nagpakita ng tunay na interes sa pagdalaw muli.
10 min: Ginagamit ang piniling mga tampok na bahagi sa mga pahina 19-32 ng 1994 Yearbook, tatalakayin ng matanda ang pambuong daigdig na paglawak ng gawaing pang-Kaharian at idiriin ang mga positibong aspeto ng pagtangkilik ng lokal na kongregasyon. Ipakita kung papaanong mayamang pinagpapala ni Jehova ang kaniyang bayan, lakip na yaong limitado lamang ang nagagawa.
25 min: Pahayag sa artikulong “Isang Bibliya sa Wika ng Pang-araw-araw na Buhay” sa Gumising! ng Marso 8, 1994. Himukin ang lahat na gamitin ang Bagong Sanlibutang Salin yamang ngayon ang Griyegong Kasulatan ay nasa lokal na mga wika na.
Awit 15 at pansarang panalangin.