Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Abril
Linggo ng Abril 4-10
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipagunita sa lahat ang tungkol sa pantanging pahayag na ibibigay sa Abril 10, na may pamagat na “Natutugunan ng Tunay na Relihiyon ang Pangangailangan ng Lipunan ng Tao.”
15 min: “Ang Bantayan at Gumising!—Mga Babasahin ng Katotohanan.” Tanong-sagot. Anyayahan ang tagapakinig na maglahad ng mga pamamaraan na kanilang ginamit upang mapasulong ang nailalagay na mga magasin. Hayaang maglahad ang ilan ng mga karanasan habang ipinahihintulot ng panahon.
20 min: “Ialok ang Pinakamabuting Magasin sa Daigdig.” Talakayin ang materyal sa tagapakinig. Sa pagkubre sa parapo 2, hilinging ipaliwanag ng isang mamamahayag kung papaano magiging pamilyar sa mga nilalaman at kung papaano maghahanda ng presentasyon. Isaayos ang dalawang demonstrasyon kung papaano iaalok ang mga isyu ng Abril 1 at 15.
Awit 69 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 11-17
10 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang mga pangunahing punto sa “Tanong.”
15 min: “Ang Pulong Ukol sa Paglilingkod ay Nagsasangkap sa Atin Para sa Bawat Gawang Mabuti.” Tanong-sagot. Ilakip ang mga pagtatanghal na nagpapakita kung papaano naghahanda ang isang pamilya para sa pulong; idiin ang kahalagahan ng (1) patiunang paghahanda, (2) matamang pakikinig, at (3) pakikibahagi.
20 min: “Maglingkod kay Jehova Nang Walang Kaabalahan.” Insert. Tanong-sagot. Kubrehan ang mga parapo 1 hanggang 6.
Awit 90 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 18-24
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at alinmang tugon ng Samahan sa donasyon.
15 min: “Pagsubaybay sa mga Nailagay na Magasin at Brochure.” Pagtalakay sa tagapakinig. Humiling ng mga komento kung bakit kailangang mabatid ang nilalaman ng mga magasin at pag-aralan ang nakaraang tugon ng maybahay upang matiyak kung anong paglapit ang magiging pinakamabuti. Habang ipinahihintulot ng panahon, itanghal ng may kakayahang mga mamamahayag ang iminungkahing mga presentasyon.
20 min: “Maglingkod kay Jehova Nang Walang Kaabalahan.” Insert. Tanong-sagot. Kubrehan ang mga parapo 7 hanggang 12.
Awit 51 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 25–Mayo 1
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.
15 min: “Pagdalo sa Pulong—Isang Maselang na Pananagutan.” Tanong-sagot na pagkubre. Sa parapo 2, kapanayamin ang mga mamamahayag na nakapagtagumpay sa mga hadlang upang palagiang makadalo sa mga pulong.
20 min: “Ang Kalinisan ay Nagpaparangal sa Diyos.” Tatalakayin ng matanda ang artikulo sa tagapakinig. Magtapos sa pamamagitan ng maikling pahayag bilang pagrerepaso sa payong ibinigay sa Hunyo 1, 1989, Bantayan, mga pahina 15-20.
Awit 75 at pansarang panalangin.