Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/94 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Agosto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Agosto
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Subtitulo
  • Linggo ng Agosto 1-7
  • Linggo ng Agosto 8-14
  • Linggo ng Agosto 15-21
  • Linggo ng Agosto 22-28
  • Linggo ng Agos. 29–Set. 4
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 8/94 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Agosto

Linggo ng Agosto 1-7

Awit 159

10 min: Lokal na mga patalastas at angkop na Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

18 min: “Panatilihin ang Isang Positibong Saloobin.” Tanong-sagot. Kapanayamin ang isang payunir o matagal nang panahong mamamahayag upang maglahad kung papaano naging posible na panatilihin ang isang positibong saloobin sa kabila ng kawalang interes sa ating teritoryo.

17 min: “Mga Brochure—Mahahalagang Kasangkapan sa Ministeryo.” Talakayin sa tagapakinig. Isaayos ang dalawang mahuhusay na demonstrasyon sa iminungkahing mga presentasyon. Ipakita ang ilang brochure na magagamit natin sa Agosto.

Awit 142 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 8-14

Awit 216

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.

15 min: “Kilalaning Mabuti ang Inyong mga Kapatid.” Tanong-sagot. Anyayahan ang tagapakinig na maglahad ng mga karanasan na nagpapakita kung papaano higit nilang nakilala ang iba sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga mungkahi sa parapo 6.

20 min: Pagsasagawa ng Higit Pang Impormal na Pagpapatotoo. Isang grupo ng tatlo o apat na mamamahayag ang tumatalakay kung papaano nila mapalalawak ang kanilang bahagi sa gawaing ito. Ginagamit ang Oktubre 15, 1987, Bantayan, pahina 22-7, kanilang nirepaso kung ano ang ginawa ng iba at pinag-usapan kung ano ang higit pa nilang magagawa sa uring ito ng gawain.

Awit 182 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 15-21

Awit 166

5 min: Lokal na mga patalastas, lakip na ang ulat ng kuwenta.

15 min: “Paglinang sa Interes sa mga Pagdalaw-Muli.” Talakayin sa tagapakinig. Ilakip ang dalawang 3-minutong demonstrasyon sa ibinigay na presentasyon.

25 min: “Patuloy na Lumakad Nang Pasulong sa Maayos na Rutina.” Tanong-sagot ng materyal sa insert.

Awit 96 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 22-28

Awit 218

10 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: “Papaano Ako Magiging Malapit sa Diyos?” Demonstrasyon. Tinatalakay ng magulang ang kabanata 39 ng aklat na Tanong ng mga Kabataan sa mga anak na tin-edyer. Saklawin ang subtitulong “Pagpapahayag sa Madla ng Iyong Pakikipagkaibigan sa Diyos,” pahina 315-18. Ang mga anak ay nagreklamo na sila’y nahihiyang magbahay-bahay at na ang mga pulong ay paulit-ulit at masyadong malimit. Ang mga magulang ay nangatuwiran sa kanila sa mabait na paraan, na ipinakikita kung papaanong ang mga gawaing ito ay mahalaga upang mapanatili nila ang isang mabuting kaugnayan kay Jehova.

15 min: Lokal na mga pangangailangan. (O magbigay ng pahayag sa artikulong “Lubusang Pag-aabala sa Mabuting Balita” sa Hulyo 1, 1991, Bantayan, pahina 28-30.)

Awit 184 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agos. 29–Set. 4

Awit 199

10 min: Lokal na mga patalastas.

18 min: “Maaari Ka Bang Sumali Muli sa Ranggo ng mga Payunir?” Tanong-sagot. Isama ang anumang karanasan na nagpapakita kung papaanong ang isa ay muling nakapasok sa paglilingkurang payunir o kung papaanong ang sambahayan ay nakipagtulungan sa isang miyembro ng pamilya na samantalahin ang pribilehiyong ito.

17 min: Ialok ang Aklat na Mabuhay Magpakailanman sa Setyembre. Ang aklat na ito ay inilabas noong 1982 at naging pangunahing kasangkapan sa pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya. Ang mga resulta ay nagpapakita ng pagsulong sa bilang ng mga mamamahayag mula sa 2,652,323 noong 1983 tungo sa 4,709,889 noong 1993. Mahigit pa sa 72 milyong mga kopya sa 116 mga wika ang naipamahagi. Anyayahan ang mga indibiduwal na ilahad kung papaano sila natuto ng katotohanan mula sa aklat na ito o kung papaano nila natulungan ang iba sa pamamagitan ng pakikipag-aral nito sa kanila. Ipakita ang mga katangian ng aklat na ito na maaaring itampok sa pag-aalok nito.

Awit 161 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share