Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/94 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Oktubre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Oktubre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Subtitulo
  • Linggo ng Oktubre 3-9
  • Linggo ng Oktubre 10-16
  • Linggo ng Oktubre 17-23
  • Linggo ng Oktubre 24-30
  • Linggo ng Okt. 31–Nob. 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 10/94 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Oktubre

Linggo ng Oktubre 3-9

Awit 203

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

17 min: “Ngayon Na ang Panahon.” Tanong-sagot. Ilakip ang mga komento sa sub-titulong “Itaguyod ang Espirituwal na mga Tunguhin” sa pahina 5 ng Enero 1994 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.

18 min: “Maging Palaisip sa Magasin sa Oktubre.” Talakayin sa tagapakinig. Magkaroon ng dalawang inihandang mabuting demonstrasyon na nagpapakita kung papaano gagamitin ang mga magasin upang pasimulan ang mga pag-uusap. Idiin ang kahalagahan ng pag-aalok ng mga magasin sa lahat ng pintuan taglay ang tunguhing makakuha ng suskrisyon.

Awit 212 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 10-16

Awit 104

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta at tugon sa anumang donasyon.

20 min: “Mga Magulang—Tangkilikin ang Inyong Anak!” Pahayag ng isang matanda salig sa unang tatlong artikulo sa Gumising! ng Agosto 8, 1994. Gumawa ng lokal na aplikasyon ng materyal. Kapanayamin sa maikli ang isang magulang na nagkaroon ng karanasan sa pakikipag-usap sa mga guro at mga opisyal sa paaralan.

15 min: “Kayo ba ay Mag-aauxiliary Payunir sa Nobyembre o Disyembre?” Tanong-sagot. Kapanayamin ang ilan na nag-auxiliary payunir kamakailan o yaong tiyak na makikibahagi sa Nobyembre o Disyembre.

Awit 108 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 17-23

Awit 194

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.

15 min: Huwag Tayong Manghimagod sa Paggawa ng Mabuti. Pahayag ng isang matanda. Ang espirituwal na pagkapagod ay maaaring makabawas sa ating kagalakan at sigasig sa paglilingkod kay Jehova. Repasuhin ang ilang paraan upang panumbalikin ang ating espirituwal na lakas na ginagamit ang ibinigay na mungkahi sa Bantayan ng Enero 15, 1986, pahina 19 (kahon).

20 min: “Maibiging Tulungan Yaong mga Nagpapakita ng Interes.” Talakayin sa tagapakinig. Isaayos ang dalawang demonstrasyon na ginagamit ang mga mungkahing presentasyon.

Awit 156 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 24-30

Awit 141

12 min: Lokal na mga patalastas. Isaalang-alang ang artikulong “Muli Nating Pag-aaralan ang Aklat na Apocalipsis.”

15 min: Mayroon ba Kayong Regular na Pidido? Ang mga magasing Bantayan at Gumising! ay napakalaking tulong sa pagpapalaganap ng pabalita ng Kaharian. Dapat nating ialok ang mga ito sa lahat ng pagkakataon. Inirekomenda ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Mayo 1984 na ang bawat mamamahayag ay magkaroon ng “tiyak na pidido ng magasin . . . para sa takdang bilang ng mga kopya bawat isyu.” Kung hindi ay mawawalan tayo ng maiaalok na kasalukuyang mga isyu. Makabubuti para sa bawat miyembro ng pamilya na magkaroon ng regular na pidido. Ibigay ang mga pidido sa despatso (counter) ng magasin. Tiyaking kunin ang mga ito bawat linggo.

18 min: “Hanapin Muna ang Kaharian ng Diyos—Sa Pamamagitan ng Laging Paghahandog ng mga Hain ng Papuri.” Tanong-sagot. Banggitin ang ilang kapakipakinabang na tunguhin na maaari nating pagsikapang abutin nang personal.

Awit 171 at pansarang panalangin.

Linggo ng Okt. 31–Nob. 6

Awit 169

12 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat ang pagpapasigla para mag-auxiliary payunir sa Nobyembre at Disyembre. Magbigay ng ilang mungkahi kung papaano tayo maaaring makasumpong ng panahon para magawa ito.

15 min: Lokal na mga pangangailangan. O ang isang matanda ay magbibigay ng pahayag sa artikulong “Maaari Ka Bang Magpakita ng Pagtitiis?” sa Mayo 15, 1994 ng Bantayan, pahina 21-3.

18 min: Ialok ang New World Translation sa Nobyembre. Yamang maraming tao ang may Bibliya, kailangan nating ipakita kung bakit nakahihigit ang New World Translation. Bumaling sa aklat na “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang” (pahina 327-8, par. 1-6). Ipaliwanag kung bakit ginamit ang pangalan ni Jehova, at magbigay ng ilang halimbawa na nagpapakita ng bentaha ng paggamit ng makabagong wika. Ipakita ang “Bible Words Indexed” sa likod ng Bibliya na maaaring gamitin upang madaling hanapin ang pamilyar na texto. Ang “Table of the Books of the Bible” ay nagpapakita kung sino ang sumulat ng bawat aklat at kung kailan at saan ito isinulat. Bumaling sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 61 (p. 59 sa Ingles), sub-titulong “Ipinaliliwanag ng hula ng Bibliya ang kahulugan ng mga kalagayan sa daigdig,” at talakayin kung papaano ninyo maaaring pasimulan ang pag-uusap salig sa Juan 17:3 at Awit 37:10, 11, 29. Isaayos na itanghal ng may kakayahang mamamahayag kung papaano maihaharap ang New World Translation at Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa lokal na teritoryo.

Awit 136 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share