Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/94 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 12/94 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. Enero: Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱30.00 o Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱20.00. Pebrero: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Marso: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Ang punong tagapangasiwa o sinumang inatasan niya ay dapat na mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Disyembre 1 o karakaraka pagkatapos nito hanggat maaari. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag naisagawa na ito.

◼ Mahalaga para sa lahat ng mga mamamahayag na gumawa ng tiyak na kaayusan upang makabahagi sa paglilingkod sa larangan sa pasimula pa lamang ng Disyembre. Kung dahilan sa pagdalo sa isang kombensiyon o pagbabakasyon, kayo’y mawawala sa inyong kongregasyon sa katapusan ng Disyembre, tiyaking ibigay sa kalihim ang inyong ulat bago kayo umalis. Sa pagiging gising sa pagkuha ng ulat nang nasa panahon, ang lahat ng mga mamamahayag ay mapapabilang sa ulat ng Disyembre.

◼ Yaong mga walang kombensiyon sa Disyembre 30 ay maaaring magsaayos ng pantanging gawain sa magasin, palibhasa’y kadalasang ito’y pista opisyal.

◼ Yamang ang pandistritong kombensiyon sa taóng ito ay magiging tatlong araw, hindi na kailangang kanselahin ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa linggo ng kombensiyon.

◼ Ang taunang teksto sa 1995 ay kinuha sa Colosas 2:2: ‘Magsama-samang magkakasuwato sa pag-ibig.’ Dapat na ilagay ng lahat ng mga kongregasyon ang bagong tekstong ito sa kanilang Kingdom Hall sa Enero 1, 1995.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share