Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/95 p. 1
  • Pangangaral—Isang Marangal na Pribilehiyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pangangaral—Isang Marangal na Pribilehiyo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Pahalagahan ang Iyong Pribilehiyong Mangaral
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Pangangaral Hinggil sa Kaharian—Isang Napakahalagang Pribilehiyo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Dapat Nating Panatilihin ang Ating Sigasig sa Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Panatilihin ang Iyong Sigasig sa Ministeryo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 2/95 p. 1

Pangangaral—Isang Marangal na Pribilehiyo

1 Ang ministeryo ng mabuting balita ay isang marangal na pribilehiyo na ibinigay sa atin ni Jehova. (Roma 15:16; 1 Tim. 1:12) Ganito ba ang inyong pangmalas? Ang pagtataglay sa pangalan ng Diyos ay isang karangalang ibinigay sa iilan lamang. Papaano natin mapalalaki ang pagpapahalaga sa pribilehiyong ito?

2 Ang pangangaral ng mensahe ng Kaharian ay hindi sinasang-ayunan ng sanlibutan. Minamalas ng marami ang ating gawain taglay ang pagwawalang-bahala o kawalan ng interes. Ito’y kinukutya ng iba at sinasalansang. Sa kanilang pangmalas tayo’y mistulang naliligaw at mangmang. (Juan 15:19; 1 Cor. 1:18, 21; 2 Tim. 3:12) Ang kanilang nakasisirang loob na mga komento ay dinisenyo upang tayo’y patamlayin at upang iwan natin ang ating marangal na pribilehiyo. Ang negatibong mga pangmalas ay itinataguyod ni Satanas, na siyang ‘bumulag sa kaisipan ng mga di-mananampalataya, upang ang kaliwanagan ng maluwalhating mabuting balita . . . ay huwag makatagos.’ (2 Cor. 4:4) Ano ang epekto nito sa inyo?

3 Mahalaga na ingatan sa isipan na ang ating pangangaral tungkol sa Kaharian ang pinakamahalagang gawain na maaari nating gawin sa ngayon. (Roma 10:13-15) Ang pagsang-ayon ng Diyos, hindi ng tao, ang mahalagang bagay. Ang negatibong pangmalas ng sanlibutan ay hindi nakahahadlang sa atin sa may katapangang paghahayag ng mabuting balita.​—Gawa 4:29.

4 Mataas ang pagpapahalaga ni Jesus sa kaniyang pribilehiyo na gawin ang kalooban ng kaniyang Ama. (Juan 4:34) Hindi niya pinahintulutan maging ang mga kaabalahan o mananalansang na magpahinto sa kaniya. Ang pangangaral ng mensahe ng Kaharian ay laging pangunahin sa kaniyang buhay. (Luc. 4:43) Tayo’y inutusang tumulad sa kaniyang halimbawa. (1 Ped. 2:21) Sa paggawa nito tayo ay naglilingkod bilang “mga kamanggagawa ng Diyos.” (1 Cor. 3:9) Atin bang lubusang sinasamantala ang pribilehiyong ito? Bilang mga Saksi ni Jehova, dapat tayong laging handang ‘gumawa ng pangmadlang pagpapahayag sa kaniyang pangalan.’​—Heb. 13:15.

5 Ang ating bahagi sa ministeryo sa kalakhang bahagi ay depende sa ating saloobin. Atin bang lubusang pinahahalagahan ang lahat ng ginawa ni Jehova para sa atin? Namamayani ba sa ating puso ang pag-ibig kay Jehova na siyang nagpapakilos sa atin na gawin ang lahat ng magagawa natin sa paglilingkod sa kaniya? Ang gayong pag-ibig ay nag-uudyok sa atin na magtiyaga at maging regular sa gawaing pangangaral ng Kaharian hanggang sa ipinahihintulot ng ating kalagayan. Ang ating sigasig ay magbibigay ng patotoo sa ating pag-ibig kay Jehova at sa ating kapuwa.​—Mar. 12:​30, 31.

6 Ating ipinakikita kung gaano kalaki ang ating pagpapahalaga sa isang bagay sa pamamagitan ng ating ginagawa at sinasabi hinggil doon. Tunay ba nating pinahahalagahan ang ating pribilehiyong mangaral hinggil sa Kaharian? Atin bang niluluwalhati ang ating ministeryo? Tayo ba’y determinadong magpatuloy sa mahalagang gawaing ito sa kabila ng pagsalansang? Kung mataas ang ating pagpapahalaga sa kamangha-manghang pribilehiyong ito, tiyak na tayo’y magiging masigasig at buong puso.​—2 Cor. 4:1, 7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share