Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Pebrero: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Marso: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱80.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Dapat na repasuhin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng lahat ng regular pioneer sa kongregasyon. Sa katapusan ng Pebrero, dapat na nakapag-ulat na sila ng humigit-kumulang sa 500 oras para sa taóng ito ng paglilingkod. Kung mayroong nahihirapang abutin ang kahilingan sa oras, dapat na isaayos ng mga matatanda na sila’y mabigyan ng tulong. Ukol sa mga mungkahi, repasuhin ang sulat ng Samahan (S-201) na may petsang Disyembre 1, 1994.
◼ Sa Linggo, Pebrero 19, magkakaroon ng pulong ang lahat ng mga nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa Marso, Abril, at Mayo. Ang lahat ay pinasisiglang dumalo. Dapat na pangunahan ang pulong na ito ng tagapangasiwa sa paglilingkod at tiyaking may nakahandang sapat na aplikasyon para sa auxiliary pioneer.
◼ Sa katapusan ng mga pulong sa kongregasyon at gayundin ng mga programa sa pansirkitong asamblea at sa pantanging araw na asamblea sa Abril 23, 1995, isang patalastas ang isasagawa may kinalaman sa isang pantanging gawain ng malawakang pamamahagi ng apat-na-pahinang tract na naglalaman ng isang napapanahong mensahe. Ang mga mamamahayag ay pasisiglahing magbigay ng pantanging pansin sa tapat pusong mga tao na taimtim na nag-iisip hinggil sa nakalilitong mga suliraning napapaharap sa kanila at naghahanap ng mapananaligang patnubay. Bawat mamamahayag, lakip na ang mga baguhang magpapasimula sa paglilingkod sa larangan sa Marso, Abril, at Mayo, ay magnanais na lubusang makibahagi at tumangkilik sa pantanging kampanyang ito.
◼ Makukuhang mga Bagong Publikasyon:
Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos—Bicol, Pangasinan, Samar-Leyte
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal (Mga mamamahayag at publiko: ₱6.00; mga payunir: ₱4.00)—Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Intsik, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog