Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/95 p. 3
  • Bahagi 2—Magpakita ng Konsiderasyon sa Iba

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bahagi 2—Magpakita ng Konsiderasyon sa Iba
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Maging Makonsiderasyon at Mabait Gaya ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Mga Kaayusan Para sa mga Lugar ng Pagsamba
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Ito ang Ating Lugar ng Pagsamba
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 2/95 p. 3

Bahagi 2—Magpakita ng Konsiderasyon sa Iba

1 Hangga’t maaari, nais nating mapanatili ang mabuting relasyon sa mga tao sa ating komunidad. Ito’y humihiling na tayo’y magpakita ng konsiderasyon at paggalang sa kanilang karapatan at damdamin.

2 Ang mga Saksi ni Jehova ay kilala sa mabuting pag-uugali. Ang ating pamantayan ng kagandahang-asal sa komunidad, sa paaralan, sa lugar ng trabaho, at sa ating asamblea, ay naging paksa ng maraming kaayaayang komento.—Tingnan ang Hunyo 15, 1989, Bantayan, pahina 20.

3 Sa mainam na paggawi ay lakip ang katapatan, kasipagan, at mabuting moral. Nagsasangkot din ito sa pagiging magalang sa mga nakatira sa palibot ng ating Kingdom Hall. Ang ating maka-Diyos na pag-uugali sa ibang mga bagay ay maaaring waling-bahala kung wala tayong konsiderasyon sa ating mga kapitbahay. Hinimok tayo ni Pablo na “gumawi . . . sa paraang karapat-dapat sa mabuting balita.”—Fil. 1:27.

4 Paminsan-minsan, nagrereklamo ang ilang nakatira sa malapit sa Kingdom Hall dahilan sa palagay nila’y kakulangan ng konsiderasyon ng mga dumadalo sa pulong. Dapat na iwasan ng mga kapatid na magtipun-tipon sa harapan ng Kingdom Hall at mag-usap-usap nang malakas na maaaring marinig sa mga kalapit na bahay. Hindi dapat pahintulutan ang mga anak na magtakbuhan nang labas-masok sa Kingdom Hall. Ang kawalang ingat na pagbabagsak ng pintuan ng mga sasakyan o pagbusina ay maaaring makagambala sa kapaligiran. Ang ganitong pag-uugali ay nagdudulot ng kapulaan sa kongregasyon.

5 Ang nakakatulad na mga suliranin ay iniulat may kinalaman sa pagparada ng mga sasakyan. Ang mga sasakyan ay hindi dapat iparada sa lugar na pag-aari ng iba o sa mga lugar na makasasagabal sa trapiko o makahahadlang sa mga pasukan ng sasakyan. Ang mga paradahan ng kalapit na mga negosyo ay hindi dapat gamitin malibang sila’y magbigay ng pahintulot. Gayundin, mahalaga na sundin ang lahat ng regulasyon sa trapiko kapag nagmamaneho sa lugar na iyon.—Roma 13:1, 2, 5.

6 Ang Bibliya ay humihimok sa atin na “gawin ang lahat ng bagay para sa kaluwalhatian ng Diyos,” at kalakip dito ay ang pagpapakita ng konsiderasyon sa mga taga-labas. (1 Cor. 10:31-33) Kung ating ‘itinutuon ang mata sa personal na interes ng iba,’ hindi tayo manghihimasok sa kanilang ari-arian dulot ng kawalang ingat. (Fil. 2:4) Iiwasan din nating makahadlang sa negosyo ng lokal na mga mangangalakal.

7 Ang pagpapakita ng konsiderasyon sa iba—kapuwa sa loob at labas ng kongregasyon—ay panlabas na kapahayagan ng nadarama ng ating puso. Kung ano ang ating ginagawa at sinasabi ay dapat na magpakita na ating ‘iniibig ang ating kapuwa gaya ng ating sarili.’—Mat. 7:12; 22:39.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share