Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Marso
Linggo ng Marso 6-12
13 min: Lokal na mga patalastas at piling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin ang Tanong.
15 min: “Marami ang Ibinigay—Marami ang Hihingin.” Tanong-sagot. Pasiglahin ang bawat isa na mag-isip hinggil sa pagpapatala bilang isang auxiliary pioneer sa Abril.
17 min: “Ipinahahayag ‘ang mga Salita ng Hula.’ ” Repasuhin ang mga tampok na bahagi. Anyayahan ang tagapakinig na maglahad ng mga karanasang tinamasa sa paggamit o pagsasakamay ng aklat na Apocalipsis. Himukin ang lahat na maging positibo sa pag-aalok ng aklat, yamang ito’y tumatalakay sa kasalukuyang mga pangyayari na ikinababahala ng bawat isa. Itanghal ang isa o dalawang presentasyon.
Awit 31 at pansarang panalangin.
Linggo ng Marso 13-19
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
20 min: “Napapanahong Kingdom News na Ipamamahagi sa Buong Daigdig.” Pahayag ng isang matanda. Idiin ang kahalagahan ng dumarating na pantanging gawaing ito sa Abril at Mayo. Himukin ang lahat, lakip na ang mga baguhan, upang magplano para sa lubusang pakikibahagi. Ang lahat ng bautisado ay pinasisiglang mag-auxiliary pioneer kung kaya nila.
15 min: “Ikaw ba’y Natututo Buhat sa Ating Dakilang Tagapagturo?” Pahayag salig sa artikulo ng Bantayan ng Setyembre 15, 1994, mga pahina 27-30. Ikapit ang materyal sa lokal na pangangailangan.
Awit 36 at pansarang panalangin.
Linggo ng Marso 20-26
15 min: Lokal na mga patalastas. Itanghal ang paggamit ng pamilya sa 1995 Yearbook. Isang grupo ng pamilya ang nagpapahayag ng pagpapahalaga sa aklat; nirerepaso ng ama ang mga tampok na bahagi ng pambungad na materyal sa mga pahina 3-11. Kanilang pinag-uusapan kung papaano nila pagsisikapang basahing magkakasama ang ilang pahina ng Yearbook bawat linggo at titiyaking sa bawat araw ay maisasaalang-alang nila ang itinakdang teksto sa Bibliya sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw.
15 min: Lokal na mga pangangailangan o magbigay ng pahayag sa artikulong: “Bakit Dapat Ipakipag-usap ang Tungkol sa Diyos?” sa Setyembre 22, 1994, Gumising!, mga pahina 13-15.
15 min: “Tulungan ang Iba na ‘Tumupad sa mga Bagay na Nasusulat.’ ” Repasuhin ang mga pangunahing punto, at pagkatapos ay itanghal ang isa o dalawang presentasyon.
Awit 52 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mar. 27–Abr. 2
5 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Ang Pinakamahalagang Pangyayari sa Kasaysayan ng Tao.” Talakayin sa tagapakinig. Repasuhin ang lokal na mga kaayusan para sa Memoryal. Ipaliwanag kung bakit kailangan nating anyayahan ang mga taong interesado at tulungan silang makadalo.
15 min: “Sinasapatan ang Pangunahing Pangangailangan ng Tao sa Pamamagitan ng Pagpapahalaga.” Pahayag salig sa artikulo ng Bantayan ng Disyembre 1, 1994, mga pahina 28-30.
10 min: Pag-aalok ng suskrisyon ng Ang Bantayan at Gumising! sa Abril. Maraming suskrisyon ang maaaring makuha sa mga pagdalaw muli at sa mga pag-aaral sa Bibliya. Repasuhin ang mga sumusunod na mungkahi sa pag-aalok ng mga suskrisyon sa bahay-bahay: Magtaglay ng palakaibigang ngiti. Maging masigla. Magsalita nang marahan. Talakayin ang isa lamang artikulo sa isang magasin. Iabot ang mga magasin sa maybahay. Ipaliwanag na maaari nilang tanggapin ang bawat isyu sa kanilang tahanan sa pamamagitan ng koreo sa maliit na kontribusyon. Kung hindi nila nais sumuskribe, ialok ang pinakabagong mga magasin at sabihin sa kanila na kayo ay babalik taglay ang susunod na mga isyu. Magtaglay ng positibong konklusyon kung tinanggihan ang mga magasin. Mag-ingat ng rekord ng lahat ng interes at ng naipasakamay na babasahin. Sa pagtatapos, itanghal ang isa o dalawang maikling presentasyon na ginagamit ang kasalukuyang isyu ng mga magasin.
Awit 176 at pansarang panalangin.