Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱80.00. Hunyo: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. (Para sa mga hindi nagsasalita ng Ingles, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? ay maaaring ialok bilang kahalili sa ₱20.00.) Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur sa ₱6.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang mga pidido ay maaari na ngayong ipadala para sa mga tomo ng 1994 Watchtower at Awake! Kapag ang mga pidido ay natanggap ito ay makikita sa isang invoice na mamarkahang “back-ordered.” Hindi ito lilitaw sa inyong kuwenta sa panahong iyon. Kapag ang mga tomo ay natanggap mula sa Brooklyn ito ay sisingilin sa inyong kuwenta at ipadadala sa kongregasyon.
◼ Gaya ng naipatalastas na, ang pantanging Kingdom News ay ilalabas sa Linggo, Abril 23, sa mga pulong ng kongregasyon, gayundin sa mga pansirkitong asamblea at sa mga pantanging araw ng asamblea na naka-iskedyul sa petsang iyon. Ang pamamahagi ng Kingdom News ay magpapasimula karaka-raka pagkatapos na ito’y mailabas. Ang mga kongregasyong may pantanging pahayag pangmadla matapos ang Abril 23 ay maaaring maglabas at magpasimulang mamahagi ng Kingdom News sa Abril 24.