Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/95 p. 1
  • Maligayang Purihin si Jehova Araw-Araw!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maligayang Purihin si Jehova Araw-Araw!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Ibinukod Upang Maging Maliligayang Tagapuri Sa Buong Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Purihin si Jehova na Ating Diyos!
    Umawit kay Jehova
  • Purihin si Jehova na Ating Diyos!
    Umawit Nang Masaya kay Jehova
  • Papuri
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 9/95 p. 1

Maligayang Purihin si Jehova Araw-Araw!

1 Ang nakasisindak na kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ni Jehova “isang araw pagkatapos ng isa pang araw.” (Awit 19:1-3) Kung ang walang-tinig at walang-buhay na mga nilalang na ito ay patuloy na pumupuri kay Jehova, hindi ba nararapat lamang na tayong matatalinong tao ay maudyukang mag-angat ng ating tinig upang purihin siya sa lahat ng pagkakataon dahil sa kaniyang walang katulad na mga katangian at mga nagawa? Sino pa nga ba ang higit na karapat-dapat sa ating maligayang pagpuri kundi ang ating maringal na Maylalang?—Awit 145:3, 7.

2 Sa Araw-Araw: Ang kinasihang salmista ay sumulat: “Sa araw-araw ay ihayag ninyo ang mabuting balita ng kaniyang pagliligtas. Sapagkat dakila si Jehova at tunay na nararapat purihin.” (Awit 96:2, 4) Ito ba’y kapit lamang sa mga payunir? Hindi! Ito ba’y nangangahulugan na tayong lahat ay dapat makipag-usap sa iba tungkol kay Jehova kailanman at saanman maaari, maging sa mga araw na hindi tayo nakikibahagi sa ministeryo sa bahay-bahay? Oo! Ang pangangailangang purihin si Jehova sa araw-araw at sabihin sa iba ang kaniyang paraan ng pagliligtas ay apurahan. Dapat malaman ng mga tao na si Jehova ang Haring Walang-Hanggan at na naibigay na Niya ang pamamahala sa sanlibutan sa Kaniyang niluwalhating Anak, si Jesu-Kristo. Ang pag-ibig kay Jehova at sa mga tao ay magpapanatili sa atin na magsalita tungkol sa mensaheng ito at tungkol sa kaniyang mga paglalaan para sa kaligtasan saanman maaaring makatagpo ng mga tao.—Awit 71:15.

3 Sa araw-araw na kaniyang ministeryo sa lupa, naglagay si Jesu-Kristo ng pinakamainam na halimbawa bilang isang tuwirang tagapuri kay Jehova. Sabi niya: “Hayagang pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa.” (Mat. 11:25) Tapat sa kaniyang salita, saanman naroroon si Jesus, hayagan niyang pinupuri si Jehova. At saanman may nagkakatipong mga tao—sa mga sinagoga, sa templo sa Jerusalem, sa itaas ng bundok, o sa tabing-dagat man—pinuri niya si Jehova. Kung susundan nating mabuti ang mga yapak ni Jesus sa pamamagitan ng araw-araw at patuluyang paggawa ng hayagang pagtataas kay Jehova, magtatamasa tayo ng nakagagalak at maliligayang resulta.

4 Pagsagot sa Panawagan: Sasagutin mo ba ang panawagan na hayagang purihin si Jehova araw-araw? Tandaan, ang edad ay hindi hadlang. Inaanyayahan ng Awit 148:12 ang mga kabataan, mga dalaga, may-edad nang mga lalaki, at mga batang lalaki na purihin si Jehova. Kayong mga kabataan, pupurihin ba ninyo si Jehova sa harap ng inyong mga kaeskuwela at mga guro sa panibagong taóng ito ng pagpasok sa paaralan? Kayong mga nasa hustong gulang na, nakaririnig ba ang inyong mga kasamahan sa trabaho ng tungkol kay Jehova at ng kaniyang mga layunin, kapag may angkop na panahon na mag-usap? Gawin nating lahat na bahagi ng ating buhay ang pagsasalita ng tungkol kay Jehova na gaya ng ating paghinga at pagkain. Bagaman ang mga taong walang-interes ay hindi nagbibigay-pansin sa ating sinasabi, may Isa na interesado, at gagantimpalaan niya tayo.—Mal. 3:16.

5 Habang papalapit ang wakas ng sistemang ito, ang panawagan ay umaabot hanggang sa kadulu-duluhan ng lupa: “Purihin ninyo si Jehova!” (Awit 106:1) Sana’y patuloy na lumakas ang ating sigaw ng papuri sa pagdaan ng bawat araw upang ang lahat ay makaalam na ang Isa na ang pangalan ay Jehova ay Kataas-taasan sa buong lupa.—Awit 83:18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share