Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Setyembre: Ang aklat na Mabuhay Magpakailanman ay gagamitin, at kailangang magsikap na makapagpasimula ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Ang malaking edisyon ay ₱60.00 at ang maliit na edisyon ay ₱30.00. Oktubre: Isang taóng suskrisyon sa Gumising! sa halagang ₱80.00. Nobyembre: New World Translation sa Ingles o Ang Banal na Kasulatan kasama ng Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa halagang ₱100.00. Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa halagang ₱60.00. PAALAALA: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng nabanggit-sa-itaas na mga babasahin para sa kampanya ay dapat na pumidido na sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Mula Oktubre, karamihan sa mga tagapangasiwa ng sirkito ay magpapalabas ng slide na pinamagatang “Ang Banal na Pagtuturo ay Nagtatagumpay sa Buong Daigdig” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon. Sa mga sirkitong hindi maipalalabas ang slide dahil sa walang slide projector, ang tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Lumalawak na Gawain ng Banal na Bayan ni Jehova.”
◼ Kailangang i-audit ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Setyembre 1 o sa madaling panahon pagkatapos noon. Ipatalastas sa kongregasyon kung kailan ito ginawa.
◼ Kasuwato ng binanggit sa Bantayan ng Abril 15, 1991, pahina 23, parapo 13, gagawa ang matatanda ng mga kaayusan sa pagsisimula ng panibagong taon ng paglilingkod upang maisaalang-alang ang pagdalaw sa sinumang natiwalag o di na nakikisama na baka sakaling nagnanais makabalik.