Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/96 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 1/96 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura para sa Enero: Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱30.00 o Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱20.00. Pebrero: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. Marso: Bagong publikasyong ilalabas sa mga pandistritong kombensiyon. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱120.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Ang Enero ay panahon para baguhin ang ating mga Medical Directive at mga Identity Card para sa 1996. Gayundin, ang lahat ng mga bagong bautisadong miyembro ng kongregasyon ay dapat na paglaanan ng kard, pati na ang mga di bautisadong anak ng mga magulang na Saksi. Mangyaring repasuhin ng kalihim ang sulat sa lahat ng kongregasyon na may petsang Nobyembre 1, 1991 kung papaano susulatan ang mga kard na ito, at paglaanan ang lahat ng nangangailangan ng kard sa Pulong Ukol sa Paglilingkod sa linggo ng Enero 8-14. Kung kailangan, pumidido ng higit pang kard sa Samahan.

◼ Ang pagdiriwang ng Memoryal ay gaganapin sa Martes, Abril 2, 1996, pagkatapos lumubog ang araw. Bagaman ang pahayag ay maaaring magsimula nang maaga, pakisuyong tandaan na ang pagpapasa ng tinapay at alak ng Memoryal ay hindi dapat na magsimula kundi matapos lumubog ang araw. Walang ibang pulong ang gaganapin sa araw na iyon. Ang anumang pulong na karaniwang idinaraos sa araw na iyon ay dapat na i-iskedyul sa ibang araw sa linggong iyon. Ang mga paanyaya sa Memoryal ay ipadadala sa mga kongregasyon kapag naimprenta na at sisingilin ito sa halagang ₱35.00 bawat 1,000 kopya.

◼ Ang pantanging pahayag pangmadla sa 1996 ay ibibigay sa buong daigdig sa Linggo, Abril 21, 1996. Ang paksa ay “Pananatiling Walang Kapintasan sa Gitna ng Isang Balakyot na Lahi.” Isang balangkas ang ilalaan sa takdang panahon. Ang mga kongregasyong may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, pansirkitong asamblea, o pantanging araw ng asamblea sa linggong iyon ay magkakaroon ng pantanging pahayag sa susunod na linggo, Abril 28. Walang kongregasyon ang dapat na magkaroon ng pantanging pahayag bago ang Abril 21.

◼ Kami ay nagpadala kamakailan ng apat na kopya ng bagong Watch Tower Publications List sa bawat kongregasyon. Ang isang kopya ay para sa kalihim, isa para sa lingkod ng kuwenta, at tig-isang kopya para sa mga humahawak ng literatura at mga magasin. Pakisuyong maingat na suriin ito at pansinin ang pagtaas ng mga halaga ng ilang special-request items gaya ng Bibliyang deluxe, Bibliyang may malalaking titik, mga kalendaryo, at mga audiocassette.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share