Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/96 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Pebrero

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Pebrero
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Subtitulo
  • Linggo ng Pebrero 5-11
  • Linggo ng Pebrero 12-18
  • Linggo ng Pebrero 19-25
  • Linggo ng Peb. 26–Mar. 3
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 2/96 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Pebrero

Linggo ng Pebrero 5-11

Awit 96

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Teokratikong mga Balita.

15 min: “Ang Bagong Aklat ay Nagtatampok sa Kaalaman ng Diyos.” Tanong-sagot na pagtalakay.

20 min: “Apocalipsis—Isang Susi sa Tunay na Kaligayahan.” Talakayin ang iminungkahing mga presentasyon, at magkaroon ng isa o dalawang demonstrasyon.

Awit 14 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 12-18

Awit 191

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipagunita sa lahat ang pulong sa Pebrero 18 kasama ang lahat ng mga nagpaplanong mag-auxiliary pioneer ngayong tag-araw.

15 min: “Maghanda Para sa Gawain sa Magasin sa Abril.” Basahin ang dalawang parapo ng artikulo, at balangkasin kung ano ang isasagawa ng kongregasyon upang gawing pantanging buwan ang Abril para sa pamamahagi ng magasin.

20 min: “Papaano Ko Mahihimok na Makinig ang Maybahay?” Tanong-sagot. Tatalakayin ng dalawang mamamahayag kung papaano nila sisikaping maging higit na palakaibigan kapag nagsasalita sa mga pintuan, na ginagamit ang ilang mungkahing ibinigay sa Giya sa Paaralan, mga pahina 165-7, mga parapo 10-21.

Awit 133 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 19-25

Awit 72

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Pahayag ng isang matanda sa “Mag-ingat Laban sa Pagiging Mapagmatuwid sa Sarili,” salig sa artikulo ng Oktubre 15, 1995 ng Bantayan, mga pahina 29-31.

20 min: “Tulungan Silang Makaunawa.” Repasuhin ang mungkahing mga presentasyon sa paggawa ng mga pagdalaw-muli. Itanghal ang isa o dalawang presentasyon. Magbigay ng mga mungkahi kung papaano mapasusulong ang interes hanggang sa punto na mapasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya sa aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan.

Awit 53 at pansarang panalangin.

Linggo ng Peb. 26–Mar. 3

Awit 28

7 min: Lokal na mga patalastas.

10 min: “Makinabang Mula sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 1996—Bahagi 2.” Pahayag ng tagapangasiwa sa paaralan. Idiin ang pangangailangan na basahin ang Salita ng Diyos araw-araw.

13 min: Paghahanda ng Nakaaakit na mga Presentasyon. Isang grupo ng tatlo o apat na mamamahayag ang tumatalakay sa mga kapakinabangan ng pagtatampok ng mga bagay na nakatatawag-pansin sa inyong teritoryo. Halimbawa, lokal na balita hinggil sa pagsisikap na mapasulong ang pamumuhay; lumalaking mga suliranin sa pag-aasawa, delingkuwenteng mga bata, o kahirapan sa paghanap ng trabaho. Banggitin ang ilang kasalukuyang balita sa inyong komunidad at talakayin kung papaano magagamit ang mga ito para pasimulan ang pakikipag-usap.

15 min: Pag-aalok ng Aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan sa Marso. Ipakita ang ilang kapana-panabik na bahagi ng aklat na maaaring gamitin upang mapasimulan ang mga pakikipag-usap: (1) Akayin ang atensiyon sa kapansin-pansing mga ilustrasyon, gaya ng ipinakikita sa mga pahina 4-5, 86, 124-5, 188-9. (2) Ipaliwanag kung papaanong ang mga katanungan sa repaso sa dulo ng mga kabanata ay maaaring gamitin upang pasimulan ang mga pakikipag-usap. Tanungin ang maybahay kung nais niyang malaman ang mga kasagutan. Pumili ng ilang katanungan mula sa nakatala sa mga pahina 11, 22, 61, 149. (3) Bumaling sa kahon sa pahina 102, at magbigay ng mga mungkahi na nagpapakita kung papaanong ang “Ilang Pagkakakilanlan ng mga Huling Araw” ay maaaring gamitin upang antigin ang interes. (4) Idiin kung papaanong ang aklat ay dinisenyo lalo na sa pagdaraos ng progresibong mga pag-aaral. Ang mga kabanata ay maiikli, ang materyal ay madaling maunawaan, mabisang mga kasulatan ang binanggit, at ang mga katanungan ay nakatuon sa mga susing punto. Himukin ang lahat na ialok ang aklat taglay ang tunguhing magpasimula ng mga pag-aaral.

Awit 151 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share