Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Pebrero: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. Marso: Ang bagong aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan sa ₱20.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱120.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Pasimula sa linggo ng Abril 29 hanggang Mayo 5, 1996, ang aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan ay pag-aaralan sa mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa pitong wika sa Pilipinas. Ang iba pang mga publikasyong pinag-aaralan sa panahong iyon ay ititigil upang bigyang daan ang sabay-sabay na pag-aaral sa bagong aklat na ito. Ang maagang patalastas na ito ay ibinigay upang tiyakin na ang lahat ay magkaroon ng sariling aklat nang nasa panahon para sa mga pag-aaral na ito.
◼ Dapat repasuhin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng lahat ng regular pioneer sa kongregasyon. Sa katapusan ng Pebrero, dapat na nakapag-ulat na sila ng humigit-kumulang sa 500 oras sa taóng ito ng paglilingkod. Kung may nahihirapan sa pag-abot sa kahilingan sa oras, dapat isaayos ng mga matatanda na mabigyan ito ng tulong. Para sa mga mungkahi, repasuhin ang sulat ng Samahan (S-201) na may petsang Disyembre 1, 1995.
◼ Sa Linggo, Pebrero 18, magkakaroon ng pulong ang lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa Marso, Abril, at Mayo. Ang lahat ay pinasisiglang dumalo. Dapat na pangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang pulong at tiyaking may sapat na aplikasyon para sa auxiliary pioneer sa panahong iyon.
◼ Makukuhang mga Bagong Publikasyon:
Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan—Bicol, Cebuano, Intsik, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog, Vietnamese
Ang mga Saksi ni Jehova at ang Edukasyon—Cebuano, Iloko, Ingles, Tagalog