Teokratikong mga Balita
Albania: Ang 600 mamamahayag na nag-ulat para sa Agosto ang siyang ika-28 sunud-sunod na peak.
Angola: Ang peak na 26,129 na mamamahayag ay naabot sa katapusan ng taon ng paglilingkod. Ang mga mamamahayag ay nagka-aberids ng mahigit sa 15 oras at dalawang pag-aaral sa Bibliya noong Agosto.
Britanya: Ikinaliligaya naming iulat ang isang bagong peak na 132,440 mamamahayag noong Agosto. Ito ay 2-porsiyentong pagsulong kaysa nakaraang taon ng paglilingkod.
Chile: Noong Agosto, isang bagong peak ng mamamahayag ang naabot, na may kabuuang 50,283. Ito ang unang pagkakataon na nalampasan ang bilang na 50,000. Ang mga mamamahayag ay nagka-aberids ng 12 oras sa paglilingkod sa larangan. Isang kabuuang bilang na 63,732 pag-aaral sa Bibliya ang idinaos.