Mga Pulong sa Paglilingkod sa Hunyo
Linggo ng Hunyo 3-9
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Teokratikong mga Balita.
15 min: “Tularan ang Kanilang Pananampalataya.” Tanong-sagot. Repasuhin ang mga katibayan ng pananampalataya, na sinaklaw sa kahon sa pahina 13 sa Setyembre 15, 1991 ng Bantayan. Kapanayamin ang isa o dalawang mamamahayag upang malaman kung ano ang nakatulong sa kanila na mapanatili ang kanilang regular na gawain sa Kaharian sa maraming taon.
20 min: “Pagpapalaganap sa Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan.” (Parapo 1-3) Saklawin ang parapo 1. (Ilakip ang mga komento mula sa Enero 15, 1996 ng Bantayan, pahina 12-13, parapo 11-12.) Ipaliwanag na ang bagong kaayusan sa likurang pahina ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay dinisenyo upang tulungan tayong maging higit na handa sa pagsasagawa ng mga pagdalaw-muli sa mga nasusumpungan natin. Yamang kadalasa’y katalinuhan na gumawa ng pagdalaw-muli sa loob ng isa o dalawang araw, sa halip na maghintay nang matagal, ating isasaalang-alang ang mungkahing mga presentasyon kapuwa para sa pagdalaw sa bahay-bahay at sa pagdalaw-muli sa gayunding Pulong Ukol sa Paglilingkod. Repasuhin sa maikli ang mga parapo 2 at 3, na sinusundan ng isang pagtatanghal sa bawat isa. Ang natitirang mga presentasyon sa artikulo ay sasaklawin sa susunod na dalawang Pulong Ukol sa Paglilingkod.
Awit 143 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 10-16
5 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
10 min: “Pasukan na Naman.” Tanong-sagot na pagsaklaw.
10 min: “Pagpapalaganap sa Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan.” (Parapo 4-5) Pagkatapos ng maikling pambungad, itanghal ang mga presentasyon para sa unang pagdalaw at pagdalaw-muli sa parapo 4 at 5.
20 min: “Kung Paano Gagawa ng mga Alagad Taglay ang Aklat na Kaalaman.” Gumawa ng pambungad na komento salig sa parapo 1-2. Saklawin ang parapo 3-11 sa pamamagitan ng tanong-sagot. Ipaliwanag na ang natitirang bahagi ng insert ay sasaklawin sa mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Hulyo at Agosto. Himukin ang lahat na ingatan ito.
Awit 92 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 17-23
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Ang Palakaibigang Pakikipag-usap ay Makaaabot sa Puso.” Tanong-sagot. Anyayahan ang isa o dalawang mamamahayag na maglahad ng mga karanasan na nagpapakita kung paano nila natamo ang mabuting pagtugon sa pamamagitan ng isang palakaibigang paglapit.
20 min: “Pagpapalaganap sa Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan.” (Parapo 6-7) Idiin ang mga tunguhin sa paggawa ng isang pagdalaw-muli: Linangin ang interes, pasimulan ang isang pag-aaral, gumawa ng espesipikong kaayusan upang bumalik. Pagkatapos na maikling repasuhin ang mga presentasyon sa parapo 6 at 7, itanghal ang bawat isa, na ipinakikita kung paano mapasisimulan ang isang pag-aaral. Basahin ang parapo 17 sa pahina 14 sa Enero 15, 1996 ng Bantayan.
Awit 211 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 24-30
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Lokal na mga pangangailangan. (O magbigay ng pahayag sa “Ginagamit Nang Wasto ang Salita ng Katotohanan,” salig sa Enero 1, 1996 ng Bantayan, pahina 29-31.)
20 min: “Tulungan Silang Maglingkod Muli.” Pahayag at pagtalakay ng isang matanda. Imungkahing gamitin ang artikulo ng Agosto 1, 1992 ng Bantayan na “Manumbalik Kayo sa Akin, at Ako ay Manunumbalik sa Inyo” upang patibayin ang mga di-aktibo.
Awit 71 at pansarang panalangin.