Mga Pulong sa Paglilingkod sa Agosto
Linggo ng Agosto 5-11
10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Walang Humpay sa Pagpapahayag ng Mabuting Balita.” Tanong-sagot.
20 min: “Ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian Taglay ang mga Brosyur.” (Parapo 1-5) Ibigay ang unang parapo bilang isang pahayag. Isaayos ang apat na pagtatanghal na mabuti ang pagkakainsayo hinggil sa unang mga pagdalaw at mga pagdalaw-muli taglay ang mga brosyur na Buhay sa Lupa at “Narito!” Itatanghal ng isang batang mamamahayag, sa tulong ng kaniyang magulang, ang brosyur na Buhay sa Lupa.
Awit 136 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 12-18
15 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ilakip ang mga komento sa “Mga Paraan Upang Makabahagi,” sa Disyembre 1, 1993, Bantayan, pahina 29-31.
15 min: “Ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian Taglay ang mga Brosyur.” (Parapo 6-8) Ibigay ang isang maikling sumaryo ng mga nilalaman ng brosyur na Pamahalaan. Itanghal ang mungkahing mga presentasyon para sa unang pagdalaw at pagdalaw-muli. Pasiglahin ang lahat na balikan ang kanilang mga naisakamay.
15 min: “Ang mga Kontribusyon sa Pambuong Daigdig na Gawain ng Samahan ay Nagtataguyod sa Paglawak.” Masiglang pahayag ng matanda. Ilakip ang mga estadistika sa Yearbook sa pagsulong ng gawaing pang-Kaharian sa ilan sa nabanggit na mga bansa.
Awit 9 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang “Tanong.”
15 min: “Sino ang Kuwalipikadong Mangaral?” Isang matanda ang tumatalakay sa artikulo kasama ang dalawa o tatlong mamamahayag. Idiin ang mainam na pagsasanay na ating tinatanggap.
20 min: “Kung Paano Gagawa ng mga Alagad Taglay ang Aklat na Kaalaman.” Tanong-sagot na pagtalakay sa mga parapo 17-26 sa insert ng Hunyo 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Anyayahan yaong mga nagdaraos ng mga pag-aaral sa aklat na Kaalaman na magkomento kung paano nila ikinapit ang mga mungkahi sa insert at kung paano sila natulungang magdaos ng higit na progresibong pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Himukin ang lahat na ingatan ang insert at repasuhin ito nang personal kailanma’t sila’y nagpapasimula ng isang bagong pag-aaral.
Awit 189 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agos. 26–Set. 1
10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang “Kumpleto ba ang Inyong Teokratikong Aklatan?”
20 min: Pagpapakita ng Interes sa Pag-aaral ng Inyong Anak. Pahayag ng isang matanda. Repasuhin ang impormasyon sa brosyur na Ang mga Saksi ni Jehova at ang Edukasyon, pahina 2-5, na ipinakikita kung bakit natin pinahahalagahan ang mapapakinabangang pagsasanay na inilalaan sa paaralan. Pag-usapan kung paano mataktikang ipaliliwanag sa mga guro ang dahilan kung bakit higit nating pinahahalagahan ang espirituwal kaysa sekular na mga tunguhin. Ilakip ang mga punto mula sa “Konklusyon,” sa pahina 31.
15 min: Repasuhin ang Alok na Literatura sa Setyembre. Ating gagamitin ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Maikling repasuhin ang mga nilalaman. Ang mga kabanata 1-15 ay lubos na nagsusuri hinggil sa pinagtatalunan kung paano nagkaroon dito ng buhay; ang kabanata 16 ay tumatalakay sa katanungang, “Why Would God Permit Suffering?”; ang mga kabanata 17-18 ay nagpapatibay ng pananampalataya sa Bibliya bilang kinasihang Salita ng Diyos; ang kabanata 19-20 ay nagtatampok sa mabuting balita ng Kaharian hinggil sa buhay sa Paraiso sa lupa at nagpapaliwanag kung paano matatamo ito. Itanghal ng isang may kakayahang mamamahayag ang isang maikling presentasyon sa aklat na Creation. Kung ang inyong kongregasyon ay may aklat pang Mabuhay Magpakailanman sa stock, ito ay maaaring ialok doon sa mga hindi nakababasa ng Ingles.
Awit 113 at pansarang panalangin.