Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/96 p. 7
  • Kumpleto Ba ang Inyong Teokratikong Aklatan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kumpleto Ba ang Inyong Teokratikong Aklatan?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 8/96 p. 7

Kumpleto Ba ang Inyong Teokratikong Aklatan?

1 Pasimula noong 1944, ang Samahan ay nagpasigla sa mga kongregasyon na magkaroon ng isang aklatan ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa Kingdom Hall. Ang aklat na Ating Ministeryo sa pahina 74 ay nagsasabi na ang aklatang ito ay maaaring “maglaman ng mahahalagang mga publikasyon ng Samahan, marahil ay ilang mga salin ng Bibliya, isang konkordansiya at iba pang nakatutulong na reperensiya.” Ang tagapangasiwa sa paaralan ang may pananagutan sa aklatan.

2 Gaano kakumpleto ang aklatan sa inyong Kingdom Hall? Napakahalaga na ang inyong aklatan ay may mga Watch Tower Publications Index upang makagawa ng pagsasaliksik ang mga kapatid. Upang maging kapaki-pakinabang ang mga ito, kinakailangan din na magkaroon ng mga tomo ng Watchtower na tinutukoy sa mga Index. Ikinagagalak naming sabihin na mayroon na tayo ngayong limitadong stock sa sangay ng Pilipinas ng lahat ng tomo ng Watchtower sa Ingles mula 1950 hanggang 1995. Ang mga ito ay maaaring pididuhin mula sa Samahan ng mga kongregasyon o ng mga indibiduwal na nangangailangang makumpleto ang kanilang personal na mga aklatan.

3 Gayunpaman, ingatan sa isipan na ang mga tomong ito ay “Special-Request Items,” na nangangahulugang ang mga ito ay dapat na bayaran kaagad pagkatapos na matanggap at hindi ilalagay sa stock bilang pautang ng Samahan. Ito’y nangangahulugan na ang kontribusyong ₱120.00 ay dapat na ipadala para sa bawat pinididong tomo. Marahil ay nanaisin ng mga kapatid na kusang-loob na mag-abuloy upang makumpleto ang aklatan ng Kingdom Hall taglay ang mga tomong ito. Ito’y magiging isang pagpapala sa buong kongregasyon. Kahit hindi kaagad makukuha ng kongregasyon ang lahat ng tomo, maaaring pumidido ngayon ng isa o dalawa at pagkatapos ay kumuha pa nang higit sa dakong huli habang mayroon pa kaming suplay.

4 Aming pinasisigla ang mga indibiduwal na makagagawa nito na magkaroon ng sariling kumpletong aklatan. Subalit para doon sa hindi makagagawa nito, ang aklatan ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay nagsisilbi sa isang kapaki-pakinabang na layunin. Habang ginagamit natin ito upang gumawa ng pagsasaliksik, masusumpungan natin ang ‘natatagong kayamanan’ ng Salita ng Diyos.—Kaw. 2:4-6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share