Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/96 p. 1
  • Lumakad sa Pamamagitan ng Pananampalataya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Lumakad sa Pamamagitan ng Pananampalataya
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kaparehong Materyal
  • “Bigyan Mo Kami ng Higit Pang Pananampalataya”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Pananampalataya—Isang Katangiang Nakakapagpalakas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Ipakita ang Iyong Pananampalataya sa mga Pangako ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • “Tumayo Kayong Matatag sa Pananampalataya”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 9/96 p. 1

Lumakad sa Pamamagitan ng Pananampalataya

1 Ginagawa ng milyun-milyong tao ang materyal na tinatangkilik bilang sentro ng kanilang buhay, at may kamangmangang nagtitiwala sa kapangyarihan ng mga kayamanan. (Mat. 13:22) Tayo’y hinimok na itaguyod ang isang lalong matalinong landasin, at hanapin ang espirituwal na mga kayamanan. (Mat. 6:19, 20) Ito’y nangangahulugan ng ‘paglakad sa pamamagitan ng pananampalataya.’—2 Cor. 5:7.

2 Ang salitang “pananampalataya” sa Griego ay may kahulugang pananalig, pagtitiwala, matibay na paniniwala. Ang paglakad sa pamamagitan ng pananampalataya ay nangangahulugan ng pagharap sa mahihirap na kalagayan taglay ang pananalig sa Diyos, na nagtitiwala sa kaniyang kakayahan na gabayan ang ating mga hakbang. Si Jesus ay nagbigay ng sakdal na halimbawa; pinagtuunan niya kung ano ang talagang mahalaga. (Heb. 12:2) Katulad nito, kailangan nating ingatan ang ating mga puso na nakatuon sa di nakikita, espirituwal na mga bagay.—2 Cor. 4:18.

3 Kailangan din nating ganap na paniwalaan na inaakay ni Jehova ang kaniyang nakikitang organisasyon sa ilalim ng patnubay ng “tapat at maingat na alipin.” (Mat. 24:45-47) Itinatanghal natin ang ating pananampalataya kapag tayo ay nagiging ‘masunurin doon sa mga nangunguna’ sa kongregasyon. (Heb. 13:17) Ang mapagpakumbabang pakikipagtulungan sa teokratikong kaayusan ay nagpapakita ng ating pagtitiwala kay Jehova. (1 Ped. 5:6) Dapat nating ibigay ang buong pusong pagtangkilik sa gawain na ipinagkatiwala sa organisasyon. Ito’y higit na maglalapit sa atin sa ating mga kapatid sa isang matibay na bigkis ng pag-ibig at pagkakaisa.—1 Cor. 1:10.

4 Kung Paano Patitibayin ang Pananampalataya: Hindi natin dapat hayaang di kumikilos ang ating pananampalataya. Kailangan nating makipagbakang mabuti upang mapatibay ito. Ang pagiging regular sa pag-aaral, panalangin, at pagdalo sa pulong ay tutulong sa atin na mapatibay ang ating pananampalataya upang sa tulong ni Jehova, maaari nitong mapagtagumpayan ang anumang pagsubok. (Efe. 6:16) Naitakda na ba ninyo ang isang mabuting rutin para sa pagbabasa ng Bibliya sa araw-araw at paghahanda sa mga pulong? Madalas ba kayong nagbubulay-bulay sa inyong natututuhan, at lumalapit ba kayo kay Jehova sa panalangin? Ugali ba ninyong dumalo sa lahat ng pulong at makibahagi sa mga ito?—Heb. 10:23-25.

5 Ang matibay na pananampalataya ay pinatutunayan ng mabubuting gawa. (Sant. 2:26) Humahanap ba kayo ng mga pagkakataon upang ibahagi ang mabuting balita? Maaari bang isaayos ang inyong kalagayan upang lalo pang malaki ang inyong magawa sa ministeryo? Ikinakapit ba ninyo ang mga mungkahi na ating natatanggap upang mapasulong ang uri at bisa ng ating ministeryo?

6 Si Jesus ay nagbabala hinggil sa masyadong pagkasangkot sa pang-araw-araw na gawain sa buhay at pagpapahintulot sa materyalistiko o sakim na interes na magpalabo sa ating espirituwal na pangmalas. (Lucas 21:34-36) Dapat nating lubos na bantayan kung paano tayo lumalakad upang maiwasan ang pagkawasak ng ating pananampalataya. (Efe. 5:15; 1 Tim. 1:19) Inaasahan nating lahat na sa dakong huli ay masasabi natin na ating ‘ipinagbakang mainam ang pakikipaglaban, natakbo ang takbuhin hanggang sa katapusan, natupad na ang pananampalataya.’—2 Tim. 4:7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share