Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/97 p. 2
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Paano Ko Tatanggihan ang Pressure na Makipag-sex?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Bakit Napakahirap Kong Ihinto ang Pag-iisip sa Hindi Kasekso?
    Gumising!—1994
  • Ipakipag-usap sa Iyong mga Anak ang Tungkol sa Sex
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Maituturing Bang Sex ang Oral Sex?
    Tanong ng mga Kabataan
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 5/97 p. 2

Tanong

◼ Anong pag-iingat ang kailangan kapag tayo’y nakikisalamuha sa di-kasekso sa ating ministeryo?

Mayroong dahilan upang asahan na ang ating mga kapatid na lalaki at babae ay manghahawakan sa mataas na pamantayang moral sa kanilang personal na paggawi. Gayunpaman, tayo ay nabubuhay sa isang maruming sanlibutan na kakaunti ang mga limitasyon sa moral. Bagaman tayo ay nagtataglay ng pinakamabuting mga hangarin, kailangan tayong laging magbantay upang iwasang maging sanhi ng upasala o masangkot sa bagay na di-wasto. Kasali rito ang pagiging maingat habang nakikibahagi sa ministeryo.

Sa paglilingkod sa larangan kadalasang tayo ay nakasusumpong ng mga tao na di-kasekso na nagpapamalas ng waring taimtim na interes sa katotohanan. Kung tayo ay gagawa ng pagdalaw na nag-iisa at walang sinumang iba sa tahanan, kadalasang makabubuti na magbigay ng patotoo sa pintuan sa halip na pumasok sa loob. Kung may interes, maaaring gumawa ng kaayusan na bumalik kapag may kasamang iba pang mamamahayag o kung ang iba pa sa sambahayan ay naroroon din. Kung hindi ito posible, magiging katalinuhan kung ibibigay ang pagdalaw sa isang mamamahayag na kasekso ng maybahay. Ito’y kapit din sa pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya sa sinumang di-kasekso.—Mat. 10:16.

Kailangan nating maging maingat kapag pumipili ng kasama sa ministeryo. Bagaman ang mga mamamahayag na di-magkasekso ay maaaring gumawang magkasama sa pana-panahon, makabubuting gawin iyon kasama ng grupo. Karaniwan, kahit na sa ministeryo, hindi katalinuhan para sa atin na gumugol ng panahon na ang kasama lamang ay di-kasekso na hindi natin asawa. Kaya, ang kapatid na nangangasiwa sa paglilingkod ng grupo ay dapat na gumamit ng mabuting pagpapasiya kapag nag-aatas ng mga mamamahayag, lakip na ang mga tin-edyer, upang gumawang magkasama.

Sa pamamagitan ng paggamit ng mabuting pagpapasiya, maiiwasan natin ‘na magbigay ng anumang dahilan ng ikatitisod’ natin o ng iba pa.—2 Cor. 6:3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share