Mga Pulong sa Paglilingkod sa Mayo
Linggo ng Mayo 5-11
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
12 min: “Patuluyang Sundan si Jesus.” Tanong-sagot. Ilakip ang mga karanasan mula sa Hunyo 1, 1993, Bantayan, pahina 12.
23 min: “Magpakita ng Tunay na Pagkabahala sa Lahat ng Nasumpungang Interes.” Pagtalakay sa tagapakinig. Idiin ang pangangailangang subaybayan ang lahat ng interes. Magmungkahi ng ilang mataktikang paraan upang makuha ang direksiyon ng bahay ng mga nasumpungan sa mga pampublikong lugar upang tayo’y makapagpatotoo pa nang higit. Ipatanghal sa may kakayahang mga mamamahayag ang dalawa sa mga mungkahing presentasyon sa mga parapo 6-9. Repasuhin ang kahon, “Kung Paano Magiging Matagumpay sa Pagsasagawa ng mga Pagdalaw-muli,” sa pahina 3 ng insert sa Marso 1997 ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na mag-iskedyul ng ilang panahon bawat linggo upang gumawa ng mga pagdalaw-muli.
Awit 151 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 12-18
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: Pahayag ng isang matanda sa mga punto sa “Tanong.”
20 min: Pahayag sa artikulong pinamagatang “Magtiyaga sa Pagpapayunir” sa isyu ng Setyembre 15, 1993 ng Ang Bantayan, pahina 28-31. Talakayin ang mga katangiang kailangan upang magtagumpay sa ministeryong payunir, na makapagpapatibay, hindi lamang sa mga nasa listahan ng payunir, kundi sa mga nagpaplano ring magpatuloy sa pagpapayunir pagkatapos ng kampanya sa tag-araw. Talakayin ang artikulo sa pahina 3 dito sa Ating Ministeryo sa Kaharian na pinamagatang “Makapagpapatuloy Ka Ba?,” at pasiglahin ang mga nag-auxiliary pioneer na isaalang-alang na ipagpatuloy ang kanilang paglilingkod bilang mga auxiliary o regular pioneer.
Awit 162 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 19-25
7 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya.” Isang may kakayahang kapatid ang tatalakay sa artikulo kasama ng isa o dalawang mamamahayag na matagumpay sa pagdaraos ng mga pag-aaral. Ginagamit ang mga bahagi sa aklat na Kaalaman bilang halimbawa, inilahad nila ang mga paraan sa pagtuturo na nakatulong sa kanila upang gawing pasulong ang pag-aaral at upang matalos nila kung ano ang aktuwal na natututuhan ng estudyante.—Tingnan ang insert sa Hunyo 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, mga parapo 5, 8, 12, at 21.
18 min: Pahayag ng isang matanda sa artikulo, “Tinutularan Ba Ninyo ang Ating Di-Nagtatanging Diyos?” sa Nobyembre 15, 1996 na isyu ng Ang Bantayan, mga pahina 25-7.
Awit 165 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 26–Hunyo 1
15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang alok na literatura sa Hunyo. Ginagamit ang aklat na Kaalaman, ipaliwanag kung paanong ang mga punto sa parapo 17-19 sa pahina 10-11 ay maaaring gamitin sa paghahanda ng isang maikling presentasyon. Pasiglahin ang lahat na bigyang-pansin ang pagsisikap na magpasimula ng mga pag-aaral. Idiin ang pangangailangang tulungan ang mga interesado para mabilis na sumulong.—Tingnan ang Enero 15, 1996, Bantayan, mga pahina 13-14.
12 min: “Bakit Tayo Patuloy na Bumabalik?” Tanong-sagot. Ilakip ang mga punto mula sa kahon sa pahina 570 ng aklat na Tagapaghayag.
18 min: Lokal na mga pangangailangan. Pahayag ng isang matanda o pag-uusap ng dalawang matanda, na tinatalakay ang isang espirituwal na pangangailangan ng kongregasyon. Magbigay ng maka-Kasulatang payo at praktikal na mga mungkahi para sa pagsulong.
Awit 174 at pansarang panalangin.