Mga Paalaala sa Memoryal
Ang pagdiriwang ng Memoryal ay pumapatak sa Sabado, Abril 11. Ang matatanda ay dapat na magbigay-pansin sa sumusunod na mga bagay:
◼ Sa pagtatakda ng oras ng pulong, tiyaking ang mga emblema ay hindi ipapasa kundi pagkatapos na lumubog ang araw.
◼ Dapat ipabatid sa bawat isa, lakip na sa tagapagsalita, ang eksaktong oras at lugar para sa pagdiriwang.
◼ Ang angkop na uri ng tinapay at alak ay dapat na kunin at ihanda.—Tingnan ang Agosto 15, 1985, Bantayan, pahina 19.
◼ Ang mga plato, mga kopa, at isang angkop na mesa at mantel ay dapat na dalhin sa bulwagan at ilagay na maayos nang patiuna.
◼ Ang Kingdom Hall o iba pang dakong pulungan ay dapat na lubusang linisin nang patiuna.
◼ Ang mga attendant at tagapagsilbi ay dapat piliin at patiunang bigyan ng tagubilin sa wastong pamamaraan at sa kanilang mga tungkulin.
◼ Dapat gumawa ng mga kaayusan upang mapaglingkuran ang sinumang pinahiran na masakitin at hindi makadalo.
◼ Kapag mahigit sa isang kongregasyon ang naka-iskedyul na gagamit sa isang Kingdom Hall, dapat na magkaroon ng mabuting ugnayan ang mga kongregasyon upang maiwasan ang pagsisiksikan sa pasukan at sa kalye.