Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Marso: Ang aklat na Kaalaman ay iaalok sa kontribusyong ₱25.00. Kung ang maybahay ay mayroon na ng aklat na ito, maaari ninyong ialok ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya sa gayon ding kontribusyon. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Bantayan sa ₱120.00. Hunyo: Alinman sa aklat na Pinakadakilang Tao sa ₱75.00 o Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱40.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang punong tagapangasiwa o sinumang inatasan niya ay dapat na mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karaka-raka pagkatapos nito. Ipatalastas sa kongregasyon kapag naisagawa na ito.
◼ Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Magtiwala sa Nagliligtas na Kapangyarihan ni Jehova” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
◼ Marami kaming suplay ng audiocassette na naglalaman ng materyal mula sa brosyur na Hinihiling sa Ingles. Ito’y kapaki-pakinabang sa pagtuturo sa mga anak o doon sa mga maaaring nahihirapang magbasa. Kasiya-siya ring pakingggan ito sa tahanan. Ang kontribusyon para dito ay ₱60.00 at ang halaga sa payunir ay ₱55.00.
◼ Dahilan sa pagbababa ng halaga ng piso kamakailan, ang lahat ng literatura ay tataas pasimula sa Marso 1, 1998. Maapektuhan lamang nito ang mga literatura; ang halaga ng magasin at suskrisyon ay hindi tataas. Apat na kopya ng bagong Watch Tower Publications List na nagpapakita ng mga bagong halaga ang ipinadadala sa bawat kongregasyon na kahiwalay nito. Tig-iisang kopya ang dapat na ibigay sa lingkod sa literatura, lingkod sa magasin, lingkod sa kuwenta at isang kopya ang maiiwan sa salansan ng kongregasyon. Pakisuyong sirain ang dating mga edisyon ng Watch Tower Publications List upang maiwasan ang kalituhan.
◼ Noong Enero 1, 1998 isang Special Literature Inventory form ang ipinadala sa bawat kongregasyon na may kasamang sulat sa Lupon ng Matatanda. Pakisuyong punan nang kumpleto ang pormang ito sa Pebrero 28 pagkatapos gumawa ng aktuwal na pagbilang sa lahat ng literatura sa istak, at ibalik ang isang kopya sa Samahan nang hindi lalampas sa Marso 6. Kapag natanggap na ang mga pormang ito sa tanggapang pansangay, ang kongregasyon ay sisingilin ng Samahan batay sa pagkakaiba ng mga halaga ng literaturang nasa inyong istak noong Pebrero 28, 1998.
◼ Ang mga mamamahayag na nagnanais maglingkod bilang mga auxiliary pioneer sa Abril at Mayo ay dapat na gumawa na ng kanilang mga plano ngayon at maagang ibigay ang kanilang aplikasyon. Ito’y makatutulong sa matatanda na gumawa ng kinakailangang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at upang magkaroon ng sapat na mga magasin at iba pang literatura. Ang mga pangalan ng lahat ng naaprobahang mag-auxiliary pioneer ay ipatatalastas sa kongregasyon.