Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
Nakasara-aklat na repaso sa materyal na saklaw ng mga aralin sa mga linggo ng Enero 5 hanggang Abril 20, 1998. Gumamit ng isang bukod na pilyego ng papel na susulatan ng mga sagot sa pinakamaraming mga tanong na masasagot mo sa panahong takda.
[Pansinin: Sa panahon ng nasusulat na repaso, tanging ang Bibliya lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot sa anumang tanong. Ang mga reperensiya na kasunod ng mga tanong ay para sa iyong personal na pagsasaliksik. Ang numero ng pahina at ang parapo ay maaaring hindi lumilitaw salahat ng reperensiya sa Ang Bantayan.]
Sagutin ang bawat pangungusap ng Tama o Mali:
1. Sa Gawa 15:29, ang komentong “Mabuting kalusugan sa inyo” ay isang pangako na ang ibig sabihin ay ‘Kung iiwas ka sa dugo at pangangalunya, magkakaroon ka ng mas mabuting kalusugan.’ [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w91-TG 6/15 p. 9 par. 7 tal.]
2. Ang taimtim na pagkabahala sa espirituwal na kapakanan ng mga Kristiyano sa Corinto ay nag-udyok kay Pablo na isulat ang una niyang liham sa kanila habang nasa kaniyang ikalawang pang-misyonerong paglalakbay. [si-TG p. 210 par. 3]
3. Bagaman pinatunayan ni Jehoshafat na siya’y isang hari na umaasa kay Jehova, may kamangmangan niyang isinagawa kay Ahab ang isang alyansa sa pag-aasawa. [it-1 p. 1271 par. 11; p. 1272 par. 1]
4. Ang salitang “simonya,” na kinuha sa pangyayaring nakaulat sa Gawa 8:9-24, ay tumutukoy sa nakagawiang sining sa mahiko. [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w90-TG 6/1 p. 17 par. 8.]
5. Sa Roma 8:6, 7, ang “laman” ay tumutukoy sa ating makasalanang kalagayan bilang di-sakdal na mga tao na nagmana ng makasalanang mga hilig. [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w91-TG 3/1 p. 21 par. 4.]
6. Kasuwato ng Efeso 5:33, ang pagkakaroon ng asawang babae ng taimtim na paggalang sa kaniyang asawang lalaki ay hindi nangangahulugang hindi na siya maaaring magpahayag ng kaniyang mga opinyon, lalo na kapag may bumabagabag sa kaniya. [kl-TG p. 144 par. 12-13]
7. Si Jethro, isang saserdote sa Midian, ang nagmungkahi kay Moises ng isang sistema ng pagkakaloob sa iba ng awtoridad. [it-2 p. 73 par. 2]
8. Kung paanong ang layunin ng Diyos na dalhin ang mga Gentil sa kongregasyon ay hindi naunawaang mabuti hanggang sa makita ng mga apostol ang aktuwal na nangyayari bilang katuparan ng hula, kinikilala ng mga Saksi ni Jehova na ang kanilang pagkaunawa sa ilang bagay ay dumaraan sa mga pagbabago habang inilalaan ng Diyos ang progresibong kaliwanagan. [jv-TG p. 629 par. 4-5]
9. Sa Gawa 20:20, ang pananalitang “bahay-bahay” ay tumutukoy lamang sa pagdalaw sa tahanan ng mga kapuwa mananampalataya bilang pagpapastol dahilan sa ang konteksto ay nagpapakita na si Pablo ay nagsasalita sa matatandang lalaki ng kongregasyon. [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w91-TG 1/15 p. 11 par. 5.]
10. Kung sasanayin natin ang ating puso na magpahalaga sa espirituwal na mga bagay, mananalangin na tulungan tayo sa bagay na ito ng espiritu ng Diyos, kung gayo’y maiiwasan natin “ang pagsasaisip ng laman.” (Roma 8:6, 7) [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w91-TG 3/1 p. 21 par. 5.]
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
11. Anong ulat sa aklat ng Mga Gawa ang nagpapakita na ang basta pagtataglay ng Salita ng Diyos at personal na pagbabasa nito ay hindi sapat upang magtamo ng tumpak na kaalaman na maglalagay sa isa sa daan patungo sa buhay? [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w91-TG 9/1 p. 19 par. 16.]
12. Ano ang ipinakikita ng bagay na sumulat si Pablo ng: “Ang umiiral na mga awtoridad ay inilagay ng Diyos sa kanilang relatibong mga posisyon”? (Roma 13:1) [kl-TG p. 131 par. 7]
13. Sa Gawa 11:26, bakit ginamit ng New World Translation ang pananalitang ‘tinawag na mga Kristiyano sa pamamagitan ng mula-sa-Diyos na patnubay,’ samantalang sa ibang mga salin ng Bibliya ay hindi isinama ang ideya ng “mula-sa-Diyos na patnubay”? [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w90-TG 6/1 p. 19 par. 19.]
14. Anong matibay na paniniwala ng mga Saksi ni Jehova ang nag-uudyok sa kanila na maging masigasig na mga mamamahayag at mga tagapamahagi ng Bibliya? [jv-TG p. 603 par. 3]
15. Anong uri ng personal na pag-aaral ang pinasigla sa Gawa 17:11? [si-TG p. 205 par. 38]
16. Sa kaniyang liham sa mga Kristiyano sa Roma, ano ang may katatagang idiniin ni Pablo hinggil sa mga Judio at di-Judio? [si-TG p. 206 par. 2]
17. Ayon sa Roma 12:2, gaano kalaking pagbabago ang nagagawa ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos sa personalidad ng mga Kristiyano? [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w90-TG 4/1 p. 16 par. 3.]
18. Ano ang “banal na lihim” na binanggit ni Pablo sa Roma 11:25? [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w84-TG 2/15 p. 13 par. 16.]
19. Bakit makatuwiran para sa kongregasyong Kristiyano na itiwalag ang mga nagkasalang di-nagsisisi? (1 Cor. 5:11, 13) [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang g96-TG 9/8 p. 27 par. 2-3.]
20. Paanong ang pagbubunton ng maapoy na mga uling sa ulo ng isang kaaway ay makatutulong sa paglupig sa kasamaan? (Roma 12:20, 21) [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang g86-TG 6/22 p. 6 par. 5.)
Ibigay ang kinakailangang (mga) salita o parirala upang buuin ang sumusunod na mga pangungusap:
21. Ipinaliwanag ni Felipe sa bating na Etiope kung paano natupad ang hula sa ․․․․․․․․, at pagkatapos maliwanagan, mapagpakumbabang humiling ng ․․․․․․․․ ang isang ito. (Gawa 8:28-35) [si-TG p. 204 par. 33]
22. Nang pinagtatalunan ang tungkol sa ․․․․․․․․, sinuportahan ni ․․․․․․․․ ang kaniyang desisyon sa pagsasabing: “Dito ay sumasang-ayon ang mga salita ng mga Propeta, gaya ng nasusulat.” (Gawa 15:15-18) [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang si-TG p. 204 par. 33.]
23. Ang ipinangako ni Isaias na “ang ugat ni Jesse” ay tatayo bilang “isang tanda sa mga bayan” at ang mga bansa ay “babaling na nagtatanong” sa kaniya ay natupad kay ․․․․․․․․. (Isa. 11:10) [it-2 p. 51 par. 13]
24. Ayon sa ilustrasyon ni Pablo ng simbolikong puno ng olibo sa Roma kabanata 11, kung paanong ang 12 tribo ng Israel ay umusbong mula kay Abraham sa pamamagitan ni Isaac, gayundin ang 12 simbolikong tribo ng ․․․․․․․․ ay umusbong mula kay ․․․․․․․․ sa pamamagitan ni ․․․․․․․․. [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w84-TG 2/15 p. 13 par. 15.]
25. Noo’y Hulyo 1917, pagkamatay ni Russell, nang ilabas ng Samahang Watch Tower ang aklat na ․․․․․․․․ isang komentaryo sa ․․․․․․․․ at sa ․․․․․․․․ gayundin ang ․․․․․․․․. [jv-TG p. 647 par. 2]
Piliin ang tamang sagot sa bawat sumusunod na pangungusap:
26. Sa pamamagitan ng kaniyang pahayag sa Mga Gawa kabanata 17, mataktikang pinatunayan ni Pablo ang (soberanya; katuwiran; pag-ibig) ng nabubuhay na Diyos. [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang si-TG p. 204 par. 37.]
27. Masiglang pinapurihan ni (Pablo; Pedro; Lucas) ang mga taga-(Beroea; Macedonia; Jerusalem), na tinatawag silang “higit na mararangal ang pag-iisip.” (Gawa 17:11) [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w95-TG 5/1 p. 14 par. 3.]
28. Ang kasinungalingan, o kabulaanan, na binanggit sa Roma 1:25 ay tumutukoy sa (idolatriya; maruruming gawaing seksuwal; ang nakagawiang pagsisinungaling). [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang it-2 p. 245 par. 2.]
29. Noong 1878, si C. T. Russell at ang kaniyang mga kasamahan ay napaharap sa isang malaking pagsubok sa kanilang pananampalataya at pagkamatapat sa Salita ng Diyos. Ang isyu ay tungkol sa (pagkakakilanlan ng “tapat at maingat na alipin”; di-nakikitang pagkanaririto ni Jesus; halaga ng haing laman at dugo ni Jesus). [jv-TG p. 619 par. 3]
30. Isinulat ni Pablo ang kaniyang unang liham sa mga taga-Corinto habang nasa (Roma; Efeso; Corinto) humigit-kumulang noong taóng (52; 55; 56) C.E. [si-TG p. 210 par. 3]
Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:
Awit 73:28; Kaw. 24:3; Isa. 65:13; Gawa 10:34, 35; 2 Cor. 12:7-9
31. Bilang mga lingkod ni Jehova, dapat nating malasin ang mga tao ng lahat ng etnikong grupo kagaya ng ginagawa niya. [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w88-TG 5/15 p. 16 par. 6.]
32. Ang Bibliya ay naglalaan ng mga simulaing katulad ng mga kasangkapan na nagpapangyaring makapagtayo ang isa ng maligayang buhay pampamilya. [kl-TG p. 140 par. 3]
33. Yaong mga lumalapit kay Jehova ay nagtatamasa ng tunay na kaligayahan at kapayapaan ng isip. [kl-TG p. 150 par. 3]
34. Sa buong kasaysayan, si Jehova ay nagbibigay ng espirituwal na pagkain sa kaniyang bayan bilang isang grupo. [kl-TG p. 162 par. 6]
35. Maaaring pahintulutan ni Jehova ang isang kalagayang mahirap batahin na magpatuloy nang ilang panahon, subalit kaniyang sinasagot ang mga panalangin at nalalaman ang pinakamabuting panahon upang gawin iyon. [kl-TG p. 156 par. 15]