Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Abril at Mayo: Isang taong suskrisyon ng Bantayan sa ₱120.00. Hunyo: Alinman sa aklat na Pinakadakilang Tao sa ₱75.00 o Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱40.00. Hulyo at Agosto: Maaaring gamitin ang alinman sa sumusunod na 32-pahinang brosyur: Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman!; Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso; Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad?; Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?; Ano ang Layunin ng Buhay? PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang mga pidido ay maaari na ngayong ipadala sa tanggapan para sa mga pinabalatang tomo ng Bantayan at Gumising! Kapag natanggap ang mga pididong ito ay itatala ang mga ito sa invoice na minarkahan ng “back ordered.” Walang gagawing paniningil sa kuwenta sa panahong iyon. Kapag natanggap ang mga tomo mula sa Brooklyn saka pa lamang ipadadala ang mga ito sa inyo at saka sisingilin sa kuwenta. Ang halaga ng mga tomo ay magiging ₱150.00 na ngayon bawat tomo. Walang ibang halaga para sa mga payunir.
◼ Palibhasa’y may limang kumpletong dulong sanlinggo, ang buwan ng Mayo ay isang kaayaayang panahon para makapag-auxiliary pioneer ang marami.
◼ Bagong Iskedyul sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat: Pasimula sa buwan ng Mayo, lahat ng pag-aaral ng kongregasyon sa aklat ay gagamit ng materyal buhat sa publikasyon na Ang Bibliya- Salita ng Diyos o ng Tao? Para sa mga pag-aaral na gumagamit ng Tagalog, Cebuano at Iloko, gagamitin nila ang aklat na may ganitong pamagat. Para sa mga gumagamit ng Bicol, Hiligaynon, Pangasinan at Samar-Leyte, masusumpungan nila ang materyal na nakaserye sa magasing Bantayan pasimula sa labas ng Abril 1, 1998.