Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/98 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Abril

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Abril
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Subtitulo
  • Linggo ng Abril 6-12
  • Linggo ng Abril 13-19
  • Linggo ng Abril 20-26
  • Linggo ng Abr. 27–Mayo 3
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 4/98 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Abril

Linggo ng Abril 6-12

Awit 27

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipaalaala sa lahat ang lugar at oras ng pagdiriwang ng Memoryal sa Sabado, Abril 11. Teokratikong mga Balita.

15 min: “Ang Ating Ministeryo​—Isang Kapahayagan ng Tunay na Pag-ibig.” Tanong-sagot. Ilakip ang maikling komento sa Pebrero 1, 1987, Bantayan, pahina 16-17, parapo 3-7.

20 min: “Ipinahahayag ng mga Magasin ang Kaharian.” Isasaalang-alang ng isang matanda ang artikulo kasama ang tatlo o apat na mamamahayag na mabisa sa pagpapasakamay ng mga magasin. Talakayin ang nakaaakit na nilalaman ng mga kasalukuyang magasin, na nagmumungkahi ng mga paraan kung paano mailalakip ang mga puntong ito sa ating mga presentasyon. Isaalang-alang kung paano mapasusulong ang pamamahagi ng magasin sa lokal na teritoryo. Ginagamit ang kasalukuyang mga isyu, ipakita ang mga artikulo na pumupukaw ng interes, gaya niyaong tumatalakay sa mga problema ng lipunan, pamilya, at ng komunidad. Magkaroon ng dalawa o tatlong pagtatanghal na iniaalok ang suskrisyon sa karaniwang kontribusyon.

Awit 205 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 13-19

Awit 90

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “‘Lalo Nang’ Dumalo sa mga Pulong.” Tanong-sagot. Kung ipinahihintulot ng panahon, repasuhin ang payo na masusumpungan sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 64-5. Taimtim na papurihan ang lahat ng regular na dumadalo sa mga pulong.

Awit 119 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 20-26

Awit 5

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaliwanag na hindi pa huli para magsumite ng aplikasyon upang makapag-auxiliary pioneer sa Mayo.

10 min: “Tanong”. Pahayag ng isang matanda na may kabaitang itinatawag-pansin ang mga espesipikong paraan kung paano makagagawa ng lokal na pagsulong.

25 min: “Kailangan​—Mas Maraming Pag-aaral sa Bibliya.” Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig na pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin ang lokal na gawain sa pag-aaral ng Bibliya. Papurihan ang kongregasyon kung saan nakagawa ng mabuti. Itawag-pansin kung ano pa ang magagawa sa pagpapasimula at pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya, lakip na ang mga pampamilyang pag-aaral. Ilarawan ang parapo 5 sa pamamagitan ng pakikipanayam sa isang magulang na nakapangangasiwang mabuti sa isang pampamilyang pag-aaral. Basahin ang parapo 8, at idiin ang walong nakatalang punto. Ipaliwanag ang parapo 13 sa pamamagitan ng pag-aanyaya ng isang mamamahayag na mabisa sa pagdaraos ng mga pag-aaral na ilahad kung paano maaaring kubrehan ang materyal nang walang pagkabalam. Ilakip ang piling-pilíng karanasan na nagpapakita kung paano nakamit ang mabubuting resulta sa lokal na paraan.

Awit 109 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abr. 27–Mayo 3

Awit 100

12 min: Lokal na mga patalastas. Ipatalastas ang mga pangalan niyaong mag-o-auxiliary pioneer sa Mayo. Balangkasin ang karagdagang lokal na kaayusan na isinasagawa para sa mga pulong bago maglingkod. Ilahad ang ilang nakatutulong na mungkahi sa paghahanda ng mga presentasyon na nagtatampok sa kasalukuyang mga magasin.​—Tingnan ang Oktubre 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 8.

15 min: Kung Papaano Ka Pinaglilingkuran ng mga Kristiyanong Pastol. Pahayag ng isang matanda, salig sa Marso 15, 1996, Bantayan, pahina 24-7.

18 min: Panatilihin ang Positibong Saloobin Kapag Nangangaral sa mga Teritoryong Madalas Gawin. Tatalakayin ng isang matanda ang pangangailangang ito kasama ang dalawa o tatlong mamamahayag na nanghina ang loob dahil sa kaunting pagtugon sa teritoryong paulit-ulit na ginagawa. Nirepaso niya sa kanila ang Hulyo 15, 1988, Bantayan, pahina 16-19, parapo 4-14. Pinag-usapan nila ang mga paraan upang maikapit sa lokal ang mga mungkahing ito taglay ang isang positibong saloobin.

Awit 191 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share