Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/98 p. 2
  • Pulong sa Paglilingkod Para sa Hulyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pulong sa Paglilingkod Para sa Hulyo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Subtitulo
  • Linggo ng Hulyo 6-12
  • Linggo ng Hulyo 13-19
  • Linggo ng Hulyo 20-26
  • Linggo ng Hul. 27–Agos. 2
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 7/98 p. 2

Pulong sa Paglilingkod Para sa Hulyo

Linggo ng Hulyo 6-12

Awit 110

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Magkomento tungkol sa ulat ng paglilingkod sa larangan noong Abril para sa bansa at sa lokal na kongregasyon. Teokratikong mga Balita.

15 min: “Anong Inam Nga na Laging Dumalo!” Tanong-sagot. Ilakip ang mga komento sa Hunyo 8, 1988, Gumising!, pahina 19-21, upang pasiglahin ang mga kabataan na dumalo nang regular sa mga pulong.

20 min: “Kailangang Marinig ng Ating Kapuwa ang Mabuting Balita.” Isaayos na repasuhin ng dalawa o tatlong may-kakayahang mamamahayag ang mga mungkahi sa paghaharap ng mga brosyur na nasa istak ng kongregasyon. Pasiglahin ang paggamit sa bagong brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao. Idiin ang tunguhing magpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa brosyur na Hinihiling o sa aklat na Kaalaman. Itanghal ang panimulang presentasyon na susundan ng isang pagdalaw-muli at ng pag-aalok ng isang pag-aaral.

Awit 73 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 13-19

Awit 116

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Pasiglahin ang lahat na seryosong pag-isipan ang pagpapatala bilang mga auxiliary pioneer sa Agosto, kung kailan lima ang Sabado at Linggo.

15 min: “Pakikinabang Mula sa Ating mga Pahayag Pangmadla.” Tanong-sagot.

20 min: “Nilalason Ka ba ng Espiritu ng Sanlibutan?” Pahayag ng isang matanda salig sa Oktubre 1, 1997, Bantayan, pahina 25-9.

Awit 182 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 20-26

Awit 18

8 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang kahon na pinamagatang “Isang Daang Libo!”

12 min: “Isang Pagdalaw na Maaaring Maging Pagpapala.” Pag-uusap ng dalawang matanda. Ipaliwanag ang mga layunin ng gawaing pagpapastol gaya ng nirepaso sa Setyembre 15, 1993, Bantayan, pahina 20-3. Malugod na pasiglahin ang kongregasyon na abangan ang mga pagdalaw ng matatanda.

25 min: “Paglilingkuran Bilang Payunir​—Ito ba’y Para sa Iyo?” (Parapo 1-14) Ang tagapangasiwa sa paglilingkod ay magbibigay ng maikling pambungad, na pinasisigla ang lahat na seryosong pag-isipan ang tungkol sa pagre-regular pioneer. Pagkatapos ay tatalakayin niya ang tanong 1, kasali na ang mga komento sa “Enthusiastic Pioneer Spirit” sa 1998 Yearbook, pahina 104-5. Dalawa o tatlong miyembro ng kongregasyon na may karanasan sa pagpapayunir ang sasali sa kaniya sa entablado upang pag-usapan ang tanong 2. Ibabahagi nila ang isang praktikal at realistikong pangmalas kung paano posibleng makaraos sa materyal na paraan bilang mga payunir. Pagkatapos ay sasali sa grupo ang dalawang magulang upang pag-usapan ang tanong 3. Magbibigay sila ng positibong mga dahilan kung bakit dapat na seryosong pag-isipan ng mga kabataan ang karera sa buong-panahong paglilingkuran. Pasiglahin ang lahat na dumalo sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo, kapag tatalakayin ang natitirang mga tanong.

Awit 80 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hul. 27–Agos. 2

Awit 155

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na magbigay ng ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Hulyo. Ipatalastas ang mga kaayusan sa paglilingkod para sa unang dulong sanlinggo ng Agosto, at pasiglahin ang lahat na makibahagi sa paglilingkod taglay ang tunguhing magpasimula ng isang bagong pag-aaral sa Bibliya.

35 min: “Paglilingkuran Bilang Payunir​—Ito ba’y Para sa Iyo?” (Parapo 15-25) Pahayag at pagtalakay na pangangasiwaan ng isang matanda. Patiunang papaghandain ang mga payunir at yaong mga dating payunir na ibahagi ang taos-pusong mga kapahayagan bilang sagot sa mga tanong 4-5. Idiriin nila ang pangangailangan para sa isang mabuting iskedyul at sa mahigpit na pagsunod dito, na nagbibigay ng mga halimbawa ng praktikal na lingguhang iskedyul sa paglilingkod na talagang naisasagawa. Magtatapos ang matanda sa pamamagitan ng isang nakaaantig na pahayag na sumasagot sa tanong 6. Ang simula ng taon ng paglilingkod sa Setyembre 1 ay isang mainam na panahon para sa mga bagong payunir na pasimulan ang kanilang buong-panahong paglilingkod. Maaaring makakuha ng mga aplikasyon mula sa kaninumang miyembro ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon.

Awit 51 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share