Mga Pulong sa Paglilingkod sa Agosto
Linggo ng Agosto 3-9
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Komentuhan ang ulat sa paglilingkod sa larangan noong Mayo para sa bansa at para sa lokal na kongregasyon.
15 min: “Maaabot ba Natin ang Ating Tunguhin sa Buwang Ito?” Tanong-sagot. Pasiglahin ang bawat isa na subuking magbukas ng isang pag-aaral sa pasimula pa lamang ng Agosto upang ito’y maiulat sa katapusan ng buwan. Ilakip sa maikli ang mga komento sa “Tanong” sa pahina 7.
20 min: “Gamitin ang mga Brosyur Upang Makaakit sa Isip at Puso.” Pagtalakay sa tagapakinig. Repasuhin sa maikli ang mga brosyur na nailathala na sa nakaraang mga taon. (Tingnan ang Watch Tower Publications Index 1986-1995, pahina 652-3.) Itampok ang bagong brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, at talakayin kung sino ang maaaring maging interesadong kumuha ng kopya. Itanghal ang isa o dalawang presentasyon.
Awit 191 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 10-16
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Mga Kabataan—Samantalahin ang Inyong Pag-aaral.” Tanong-sagot. Ilakip ang angkop na mga komento mula sa Abril 8, 1992, Gumising!, pahina 17-19, at Hulyo 15, 1991, Bantayan, pahina 23-6.
Awit 37 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 17-23
10 min: Lokal na mga patalastas. Humiling ng maiikling komento kung paano kukunin ang pangalan at direksiyon ng isang tao na nabigyan ng patotoo sa lansangan, sa parke, o saanman, upang masubaybayan ang kaniyang interes.
35 min: “Isang Progresibong Pangmalas sa Apurahang Gawain ng Paggawa ng mga Alagad.” Tanong-sagot. Basahin ang mga parapo 5, 10, at 11. Repasuhin kung paano sumusulong ang gawaing pag-aaral sa Bibliya sa lokal na paraan. Pasiglahin ang lahat na nagdaraos ng mga pag-aaral na basahing muli ang insert ng Hunyo 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian upang mapasulong ang kanilang kakayahan sa pagtuturo. Isaalang-alang ang mga parapo 5 at 25 ng insert na iyon.
Awit 108 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 24-30
12 min: Lokal na mga patalastas. Yamang iisa na lamang ang dulong sanlinggo na natitira sa Agosto, pasiglahin ang bawat isa na makibahagi sa ministeryo bago matapos ang buwan, at mag-ulat kaagad upang maipon ang ulat para sa taon at maipadala sa Samahan sa Setyembre 6.
18 min: Kung Paano Magtitiyaga sa Paglilingkuran Bilang Payunir. Pahayag salig sa Setyembre 15, 1993, Bantayan, pahina 28-31. Kapanayamin ang isang payunir na natutong harapin ang mabibigat na suliranin at patuloy na nagpapayunir.
15 min: Gamiting Mabuti ang Ating Ministeryo sa Kaharian. Pagtalakay sa tagapakinig. Sa paggamit ng hindi pa natatagalang mga halimbawa, ipakita ang napapanahong impormasyong masusumpungan sa mga pahina ng Ating Ministeryo sa Kaharian at ang mga kapakinabangang ating natatamo mula rito: (1) mga artikulong gumaganyak sa atin upang makibahagi nang palagian sa ministeryo; (2) mga karanasang nagpapasigla sa atin sa ating banal na paglilingkod; (3) mga mungkahing nakatutulong sa atin na maiharap nang mabisa ang mabuting balita; (4) mga patalastas hinggil sa makukuhang mga bagong publikasyon na kapaki-pakinabang sa lokal na teritoryo; (5) mga ulat sa paglilingkod, na nagpapakita sa takbo ng gawaing pang-Kaharian; (6) Teokratikong mga Balita, na nag-uulat sa pagsulong ng gawain sa buong daigdig; (7) mga patalastas at mga iskedyul para mabatid nating mabuti sa tuwina kung ano ang inaasahang mangyayari sa hinaharap; (8) mga sagot sa mga tanong na dapat ikabahala; at (9) mga insert na nagsasabi sa atin ng hinggil sa mga kombensiyon, pantanging mga kampanya, at iba pang mga bagay upang tayo’y maging alisto sa ating espirituwal na mga pangangailangan. Pasiglahin ang lahat na basahin ang bawat isyu, ikapit ang mga mungkahi nito, dalhin ito sa mga Pulong sa Paglilingkod at sa mga pagtitipon bago maglingkod sa larangan, at ingatan ito sa personal na salansan para magamit sa hinaharap.
Awit 210 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agos. 31–Set. 6
12 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat na ibigay ang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Agosto. Dapat na paalalahanan ng mga konduktor sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ang kanilang mga grupo na tiyaking iulat ang anumang pag-aaral sa Bibliya na napasimulan sa Agosto at nagpapatuloy pa hanggang ngayon. Talakayin ang alok na literatura sa Setyembre. Itanghal sa maikli ang isang presentasyon na nagbabangon ng katanungang “Bakit dapat nating gamitin ang pangalan ng Diyos?” Sagutin ito sa pamamagitan ng paggamit sa aklat na Kaalaman, kabanata 3, parapo 6.
15 min: “Mga Nangungunang Tagapangasiwa—Ang Punong Tagapangasiwa.” Isang pahayag ng punong tagapangasiwa. Pagkatapos na repasuhin ang kaniyang mga tungkulin, ipahahayag niya ang pagpapahalaga sa pakikipagtulungan ng kongregasyon sa matatanda habang pinapastol nila ang kawan.
18 min: Tulungan ang Inyong Anak na Harapin ang mga Suliranin sa Paaralan. Makikipag-usap ang isang matanda sa dalawa o tatlong magulang na may mga anak sa paaralan. Komentuhan sa maikli ang ilang karaniwang mga suliraning napapaharap sa mga anak, gaya ng binalangkas sa Agosto 8, 1994, Gumising!, pahina 5-7. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbaling sa mga pahina 8-10, talakayin kung paano maipagsasanggalang ng mga magulang ang kanilang mga anak at mapananatili ang mabuting ugnayan ng magulang at guro.
Awit 24 at pansarang panalangin.