Mga Pulong sa Paglilingkod sa Nobyembre
Linggo ng Nobyembre 2-8
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Komentuhan ang ulat sa paglilingkod sa larangan sa Agosto para sa bansa at sa lokal na kongregasyon.
15 min: “Ang Lahat ay Dapat ‘Yumakap sa Salita Nang Buong Puso’!” Tanong-sagot. Ilakip ang karagdagang mga mungkahi mula sa insert ng Hunyo 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 21.
20 min: “Nais Ko ng Isang Pag-aaral sa Bibliya!” Pagtalakay sa tagapakinig na pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ipaliwanag kung paanong ang sama-samang pagsisikap na ito upang gumawa ng mga pagdalaw-muli ay isasaayos sa lokal na paraan. Hangga’t maaari, ang makaranasang mga mamamahayag ay gagawang kasama ng mga baguhan. Repasuhin ang mga mungkahi sa insert ng Abril 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 12-15. Ipatanghal sa isang may-kakayahang mamamahayag kung paano iaalok ang pag-aaral sa isang pagdalaw-muli. Pasiglahin ang lahat na magsikap na magpasimula ng isang bagong pag-aaral.
Awit 35 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 9-15
13 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Isaalang-alang din ang mga punto sa “Tanong.”
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
17 min: “Magpatibayan sa Isa’t Isa sa Pamamagitan ng Pagkokomento sa mga Pulong.” Tanong-sagot. Ipaliwanag kung paanong ang pagkokomento ay tumutulong sa ating espirituwal na pagsulong. (Tingnan ang Giya sa Paaralan, aralin 38, parapo 4.) Anyayahan ang ilan upang ilahad kung paano nila napagtagumpayan ang pag-aatubiling magkomento at kung paano sila pinagpala sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga pulong.
Awit 51 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 16-22
5 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Mga Nangungunang Tagapangasiwa—Ang Tagapangasiwa ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro.” Pahayag ng tagapangasiwa ng paaralan. Repasuhin ang Giya sa Paaralan, pahina 10-11, parapo 6-12.
20 min: “1998-99 ‘Ang Daan ng Diyos Ukol sa Buhay’ na Pandistritong mga Kombensiyon.” (Parapo 1-17) Tanong-sagot. Basahin ang parapo 11 at 12. Idiin ang maka-Kasulatang dahilan sa maingat na pagpapanatili ng ating mahinhing anyo at paggawi bilang Kristiyano at wastong pangangasiwa sa ating mga anak.
Awit 167 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 23-29
7 min: Lokal na mga patalastas. Ilahad ang mga karanasang inilathala sa likurang pahina ng Agosto 8, 1998, Gumising! kung paano naantig ang mga tao ng aklat na Pinakadakilang Tao. Dapat na maging alisto ang lahat ng mamamahayag na ialok ang aklat na ito sa angkop na mga pagkakataon.
18 min: “1998-99 ‘Ang Daan ng Diyos Ukol sa Buhay’ na Pandistritong mga Kombensiyon.” (Parapo 18-24) Tanong-sagot. Basahin ang parapo 18 at ang binanggit na kasulatan. Idiin ang pangangailangan para sa kaayusan at konsiderasyon sa iba, lalo na kung tungkol sa upuan. Magtapos sa isang maikling pahayag na nirerepaso ang “Mga Paalaala sa Kombensiyon.”
20 min: Mga Mungkahi Upang Mapasulong ang Iyong Pagbabasa ng Bibliya. Pahayag salig sa Mayo 1, 1995, Bantayan, pahina 16-17. Itampok ang espirituwal na mga kapakinabangang natatamo sa pagbabasa ng Bibliya araw-araw. Repasuhin ang mga mungkahing ibinigay, at talakayin kung paano ikakapit ang mga ito. Ipalahad sa dalawa o tatlong mamamahayag kung paano sila nakikinabang sa regular na pagbabasa ng Salita ng Diyos.
Awit 46 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nob. 30–Dis. 6
15 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod sa larangan. Pasiglahin ang hindi nakapagsimula ng isang pag-aaral sa Nobyembre na ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap hanggang sa Disyembre, kapag ang aklat na Kaalaman ay itinatampok kasama ng New World Translation. Ipatanghal sa isang may-kakayahang mamamahayag ang isang pagdalaw-muli na ginagamit ang kahon sa pahina 19 ng aklat na Kaalaman; ipaliliwanag ng mamamahayag kung paano magagamit ang aklat upang magtamo ng kaunawaan sa mga turo ng Bibliya at makapagpasimula ng isang pag-aaral.
15 min: Gamiting Mabuti ang 1999 Kalendaryo ng mga Saksi ni Jehova. Isang pahayag. Repasuhin ang mga bahagi ng kalendaryo: (1) nakatatawag-pansing mga ilustrasyon na nagpapakita ng kilalang mga pangyayari at mga turo sa Bibliya, (2) lingguhang iskedyul ng pagbasa sa Bibliya para sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, (3) taunang iskedyul ng pagbasa sa Bibliya para sa linggo bago ang Memoryal, (4) pahiwatig sa dumarating na mga nasusulat na repaso, at (5) mga paalaala upang makibahagi nang palagian sa paglilingkuran na ginagamit ang magasin. Talakayin ang mga paraan upang magamit ang natitirang espasyo upang balangkasin ang iskedyul sa paglilingkod sa larangan, upang itala ang mga ulat ng paglilingkod sa larangan at mga kaayusan sa paggawang kasama ng iba, upang itala ang mga atas sa pulong, upang isulat ang mga paalaala sa mga pagdalaw ng tagapangasiwa ng sirkito at sa dumarating na mga asamblea. Sa paglalagay ng kalendaryo sa isang hayag na lugar sa tahanan o trabaho, maaaring lumitaw ang mga pagkakataon upang mapasimulan ang pag-uusap hinggil sa Kasulatan. Ilahad ang karanasan mula sa 1988 Yearbook, pahina 8.
15 min: Pahayag ng isang matanda sa artikulong “Tiyaking Unahin ang mga Bagay na Dapat Unahin,” sa Bantayan labas ng Setyembre 1, 1998, pahina 19-21. Gumawa ng lokal na pagkakapit ng mga puntong iniharap, na idiniriin ang mga bagay na kailangang unahin sa ating buhay.
Awit 121 at pansarang panalangin.