Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/99 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 5/99 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Mayo: Isang taóng suskrisyon ng Ang Bantayan sa ₱120.00. Magpasakamay ng brosyur na Hinihiling sa mga interesado, at sikaping makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur sa ₱7.50. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanyang nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Magpapadala kami ng “Special Order Blank for Forms” kasama ng inyong statement ng kuwenta sa Abril. Pakisuyong tiyakin ang bilang ng mga pormang kailangan ninyo sa susunod na taon ng paglilingkod at saka ipadala agad ang inyong pidido hangga’t maaari. Ang lahat ng pidido para sa mga pormang ito ay dapat na dumating sa tanggapang pansangay bago ang Agosto 31, 1999. Ang halaga ng mga porma ay sisingilin sa inyong kuwenta ng literatura. Tiyakin na magpadala kayo ng remittance para sa halaga ng mga porma kapag ito’y lumitaw sa inyong buwanang statement. Mahalaga: Tiyaking isama ang inyong pidido para sa mga lapel card ng pandistritong kombensiyon sa porma ng pidido upang maipadala namin sa inyo ang mga ito kapag naimprenta na.

◼ Paalaala sa mga Kalihim at sa mga Humahawak ng Kuwenta: Kapag inililista ang bilang ng mga publikasyong kinuha ng mga payunir sa Remittance and Credit Request form (S-AB-20), makatutulong nang malaki sa Samahan kung titiyakin ninyong punan ang kahong pinamagatang “List Pioneer Credit Due,” na nagpapakita ng halaga ng pioneer credit para sa bawat bagay na nakalista roon, at gayon din ang “Total Literature Pioneer Credit” na nasa ibaba.

◼ Hindi pa masyadong huli upang isumite ang inyong aplikasyon para sa pag-o-auxiliary pioneer sa Mayo. Yamang may limang Sabado at limang Linggo sa buwang ito, ito’y isang angkop na panahon para sa marami na mag-auxiliary pioneer.

◼ Makukuhang Bagong Tract:

T-23, Jehovah—Who Is He?—Ingles

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share