Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Abril 10
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Huwag kalilimutan ang pantanging pahayag pangmadla sa Abril 16, na pinamagatang “Kung Bakit Kailangan ng Sangkatauhan ang Isang Pantubos.” Pasiglahin ang lahat na sumubaybay sa pagbabasa ng Bibliya sa Memoryal na nakaiskedyul para sa Abril 14-19, gaya ng binalangkas sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—2000. Repasuhin ang “Mga Paalaala sa Memoryal,” sa pahina 4 ng insert.
15 min: “Tinutugon Mo ba ang Pag-ibig ni Kristo?” Gumugol lamang nang wala pang isang minuto sa pambungad na mga komento, at sundan ito ng tanong-sagot na pagtalakay. Ilakip ang sinasabi sa Mayo 1, 1998, Bantayan, pahina 16-17, parapo 12-13. Pasiglahin ang lahat na gumawa ng pantanging pagsisikap na anyayahan ang mga tao sa Memoryal.
20 min: “Abril—Isang Panahon Upang Maging Masigasig sa Maiinam na Gawa!” Tanong-sagot. Isang masiglang pagtalakay sa nais nating maisakatuparan sa Abril. Gamitin ang huling tatlo o apat na minuto upang repasuhin “Ang Sigasig na Nakapupukaw sa Karamihan.”
Awit 199 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 17
13 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Dalawang dulong sanlinggo na lamang ang natitira sa Abril, kaya pasiglahin ang lahat na makibahagi sa ministeryo bago matapos ang buwan.
16 min: “Taglay Mo ba ang Espiritu ng Pagsasakripisyo sa Sarili?” Tanong-sagot. Kailangan nating magtakda ng priyoridad, na inuuna ang mga bagay na dapat mauna. Kailangan ang pagkukusa at pagpipigil-sa-sarili upang makapagpatuloy sa paggawa ng kung ano ang pakikinabangan natin sa espirituwal. Ipaliwanag kung ano ang matututuhan natin mula sa halimbawa ni Jesus.—Tingnan ang Insight, Tomo 2, pahina 68, parapo 3-5.
16 min: Ipasakamay ang mga Magasin Kung Saan Magiging Higit na Mabisa ang mga Ito. Pahayag, na may pakikibahagi ang tagapakinig. Repasuhin ang mga mungkahi sa Enero 8, 1995, Gumising!, pahina 22-4. Ipaliwanag kung bakit makabubuting hanapin ang mga tao na malamang na tutugon sa pantanging mga artikulong lumalabas sa mga magasin. Gamitin ang mga halimbawa ng nakaraang mga labas at ang uri ng mga indibiduwal, negosyo, o mga organisasyon na maaaring maakit ng mga artikulo sa lokal na teritoryo. Anyayahan ang tagapakinig na ilahad ang mga karanasan na nagpapakita kung paano sila nagtamo ng mabubuting resulta sa paggamit ng pamamaraang ito.
Awit 71 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 24
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipatalastas ang bilang ng dumalo sa Memoryal sa kongregasyon. Anyayahan ang tagapakinig na ilahad ang mga kapahayagan ng mga dumalo sa kauna-unahang pagkakataon.
17 min: Tulungan ang mga Baguhan na Dumalo sa mga Pulong. Isang pahayag salig sa aklat na Kaalaman, pahina 161-3, parapo 5-8. Pagkatapos ng pag-aaral sa isang yugto ng panahon, mahalaga na magpasimula nang dumalo sa mga pulong ang mga baguhan. Ang pagpapadalo sa kanila ay maaaring maging isang hamon. Ano ang magagawa ninyo upang ganyakin sila? Yaong mga nagdaraos ng pag-aaral ay dapat gumugol ng panahon upang repasuhin sa mga estudyante ang materyal na ito sa aklat na Kaalaman at pagkatapos ay gumawa ng tiyak na mga kaayusan upang tulungan silang sumama sa atin sa tunay na pagsamba.
18 min: “Ikaw ba ay Isang Regular na Tagapaghayag ng Kaharian?” Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig na gagampanan ng kalihim. Ipaliwanag kung bakit natin iniuulat ang ating gawain sa paglilingkod sa larangan. (Tingnan ang Ating Ministeryo, pahina 106-8.) Ilahad ang ilang suliranin na lumilitaw kapag hindi natin ibinigay kaagad ang ating mga ulat. Anyayahan ang tagapakinig na sabihin kung ano ang kanilang ginagawa upang matiyak na naibibigay nila ang kanilang mga ulat nang nasa panahon. Ipakita kung paano makatutulong ang mga konduktor sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Iisang dulong sanlinggo na lamang ang natitira sa Abril, kaya idiin ang kahalagahan na makibahagi ang lahat sa paglilingkod at iulat ang gawain sa katapusan ng buwan.
Awit 200 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 1
12 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod sa larangan sa Abril. Dapat na makipag-ugnayan ang mga konduktor sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa bawat isa sa kanilang grupo upang ang lahat ng ulat ay makuwenta sa Mayo 6. Repasuhin ang “Tanong” sa pahina 7, na gumagawa ng lokal na aplikasyon.
18 min: Lokal na mga pangangailangan.
15 min: “Tiyakin na Kayo’y Magbabalik!” Pagtalakay sa tagapakinig. Talakayin ang mga dahilan kung bakit maaaring hindi tayo makagawa ng mga pagdalaw-muli. Ipaliwanag kung bakit ang tumpak na pagtatala at pagnanais na bumalik ay mahalaga. Imungkahi na magtalaga ng ilang panahon bawat linggo upang gumawa ng mga pagdalaw-muli. Repasuhin ang sinasabi sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 88-9. Ilahad ang karanasang nakaulat sa 1995 Yearbook, pahina 45.—1 Cor. 3:6, 7.
Awit 68 at pansarang panalangin.