Mga Patalastas
◼ Alok na literatura para sa Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Maghanda ng brosyur na Hinihiling para sa mga taong interesado, at pagsikapang magpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Ialok ang brosyur na Hinihiling taglay ang pangmalas na magpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur ay maaaring ialok. Gayunman, yamang marami tayong suplay ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, pinasisigla namin ang mga kongregasyon na pumidido ng mga ito upang magamit sa kampanya sa dalawang buwang ito. Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanyang nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa nito sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-AB-14).
◼ Ang mga tomo ng 1999 Watchtower at Awake! ay malapit nang makuha at maaari nang pididuhin ngayon. Gayunman, ingatan sa isipan na ang mga ito ay mga special-request item at ang mga ito ay dapat lamang pididuhin kapag espesipikong hinihiling ito ng mga mamamahayag. Kapag ang mga tomo ay hindi pa dumarating kapag natanggap ang mga pidido, ang mga ito ay ipakikita bilang “back-ordered” at ang mga tomo ay ipadadala sa inyo kapag ang mga ito ay natanggap mula sa Brooklyn.
◼ Kapag gumagawa sa malalayong lugar ng inyong teritoryo sa mga buwan ng tag-araw, makabubuting mag-alok ng aklat na Kaalaman o brosyur na Hinihiling. Ang lahat ay dapat magdala ng iba’t ibang tract para doon sa mga wala sa tahanan o para sa mga indibiduwal na hindi kumuha ng literatura. Dapat gumawa ng mga pagsisikap na masubaybayan ang nasumpungang interes pagkatapos nito.
◼ Ipinabatid sa amin ng sangay sa Britanya na ang ilang kapatid na dating nagtatrabaho sa Saudi Arabia at sa iba pang mga estadong Arabe ay maliwanag na nagbibigay ng mga pangalan at mga numero ng telepono ng responsableng mga kapatid sa mga bansang ito sa mga kapatid o sa mga taong interesado na naglalakbay patungo roon mula sa Pilipinas. Bagaman ang motibo sa paggawa nito ay hindi mali, gayunman ito’y nagdulot ng ilang mahihirap na kalagayan at maaaring magsapanganib sa mga kapatid doon. Kaya dapat tandaan ng lahat ng mga dating nagtrabaho sa gayong mga bansa na hindi tayo dapat magbigay ng mga pangalan o ng mga numero ng telepono ng sinumang kapatid na nakatira sa mga bansang nasa ilalim ng pagbabawal. Kung ang ilang kapatid ay pumunta sa gayong bansa upang magtrabaho, kakailanganing ipadala nila ang kanilang direksiyon (lalong mabuti kung direksiyon ng kalye) at numero ng telepono sa bansang iyon sa tanggapang pansangay ng Pilipinas o nang tuwiran sa sangay ng Britanya, pagkatapos ay isasagawa ang mga kaayusan upang may makipag-ugnayan sa kanila.