Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
Nakasara-aklat na repaso sa materyal na saklaw ng mga aralin sa mga linggo ng Enero 3 hanggang Abril 17, 2000. Gumamit ng isang bukod na pilyego ng papel na susulatan ng mga sagot sa pinakamaraming mga tanong na masasagot mo sa panahong takda.
[Pansinin: Sa panahon ng nasusulat na repaso, tanging ang Bibliya lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot sa anumang tanong. Ang mga reperensiya na kasunod ng mga tanong ay para sa iyong personal na pagsasaliksik. Ang numero ng pahina at ang parapo ay maaaring hindi lumilitaw sa lahat ng reperensiya sa Ang Bantayan.]
Sagutin ang bawat pangungusap ng Tama o Mali:
1. Kung minsan ay kailangan tayong maghintay upang matanggap ang mga pagpapala ni Jehova, yamang alam ni Jehova ang ating situwasyon at inilalaan ang pangangailangan ng bawat isa kapag makapagdudulot iyon sa atin ng pinakamabuti. (Awit 145:16; Sant. 1:17) [w98 1/1 p. 23 par. 6]
2. Ang presensiya ng kaban ng tipan sa ganang sarili ay hindi gumagarantiya ng tagumpay para sa mga Israelita. Ang pagpapala ni Jehova ay nakasalalay sa espirituwal na katayuan at tapat na pagsunod niyaong mga may hawak ng kaban. (Jos., kab. 7) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang it-1 p. 167 par. 2.]
3. Tayo ngayon ay pinakakain sa espirituwal na paraan sa pamamagitan lamang ng pagbabasa sa mga sinalita ni Jehova. (Deut. 8:3) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w85-E 6/15 p. 17 par. 15, 17.]
4. Ang simulain na itinampok sa Kautusang Mosaiko sa Deuteronomio 23:20 ay nagpapakita na di-maibigin para sa isang Kristiyano na magpataw ng interes kapag nagpapahiram ng pera. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang it-1 p. 1212 par. 5-6; it-2 p. 259 par. 11; w86 10/15 p. 12 par. 9.]
5. Ang optimistikong ulat nina Josue at Caleb ay salig sa kanilang matatag na paniniwala sa lakas at determinasyon ng mga Israelita na pagtagumpayan ang anumang balakid na hahadlang sa kanilang pagsakop sa Lupang Pangako. (Bil. 13:30) [w98 2/1 p. 5 par. 4]
6. Sa pagtukoy sa “kaloob” sa 1 Timoteo, ipinaaalaala ni Pablo kay Timoteo ang pagpapahid ng banal na espiritu sa kaniya at ang makalangit na gantimpala na naghihintay sa kaniya. (1 Tim. 4:14) [w98 2/15 p. 25 par. 1]
7. Ang aklat ng Josue ay hindi naglalaan ng anumang mahalagang kaugnayan sa ulat na humahantong sa pagluluwal ng Binhi ng Kaharian. [si p. 46 par. 24]
8. Ang aklat ng Mga Hukom ay isang ulat tungkol sa mga lalaking pinili at hinirang ng Israel upang mamahala sa bansa bago ang yugto ng panahon ng mga hari. [si p. 46 par. 2]
9. Ang kahilingan ni Gideon, gaya ng inilarawan sa Hukom 6:37-39, ay nagpapakita na siya ay masyadong maingat at mapaghinala. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 4/1 p. 30 par. 6.]
10. Sa pagtatagubilin sa kaniyang mga alagad na “huwag yakapin sa pagbati sa daan ang sinuman,” idiniriin ni Jesus ang pagkaapurahan ng gawaing pangangaral at ang pangangailangang mag-ukol ng lubos na pansin sa napakahalagang atas na ito. (Luc. 10:4) [w98 3/1 p. 30 par. 5]
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
11. Bakit mahalaga na isapuso ng mga magulang ang mga salita ni Jehova? (Deut. 6:5, 6) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w98 6/1 p. 20 par. 4.]
12. Paano maikakapit ng isang ulo ng pamilya ang simulain na nakatala sa Deuteronomio 11:18, 19? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang fy p. 70 par. 14.]
13. Anong pahiwatig mula sa Kasulatan ang nagpapakita na ang tumakas na aliping si Onesimo ay lumilitaw na nakasama na ni apostol Pablo nang ilang panahon bago sumulat si Pablo kay Filemon? [w98 1/15 p. 30 par. 2]
14. Kapag nakikita natin ang kawalang-katarungan o nararanasan natin mismo ang mga ito, ano ang maaari nating gawin upang maiwasang masiraan ng loob o magkaroon ng negatibong saloobin? [w98 2/1 p. 6 par. 2-3]
15. Paano nagpakita ng malaking paggalang sa kautusan ng Diyos sina Josue at Gideon? (Deut. 20:8, 15-18) [si p. 41 par. 32]
16. Paanong ang mga pangyayaring inilarawan sa Josue 10:10-14 ay nakakatulad ng maaaring asahan sa Armagedon? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 12/15 p. 23 par. 12–p. 24 par. 14.]
17. Bumanggit ng tatlong kapakinabangan ng taimtim na papuri para sa karapat-dapat na paggawi. (Ihambing ang Kawikaan 15:23.) [w98 2/1 p. 31 par. 5-6]
18. Kasuwato ng Josue 20:4, paano tatakas ang isa tungo sa antitipikong lunsod ng kanlungan? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 12/15 p. 24 par. 16.]
19. Paano ipinahihiwatig ng Hukom 5:31 na ang tagumpay ni Hukom Barak laban sa mas malakas na puwersa ni Sisera sa hugusang libis ng Kishon ay may mahalagang kahulugan sa ating panahon? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 2/15 p. 21 par. 4.]
20. Paano tayo makapagpapakita ng pagpapahalaga sa simulaing nasa likod ng pananalitang “nanatili silang nakatayo bawat isa sa kani-kaniyang dako,” gaya ng nakaulat sa Mga Hukom 7:21? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w82-E 6/1 p. 25 par. 17.]
Ibigay ang kinakailangang (mga) salita o parirala upang buuin ang sumusunod na mga pangungusap:
21. Upang lalong maranasan nang lubusan ang pagpapala ni Jehova, kailangang patuloy nating ․․․․․․․․ at isamo kay Jehova na tulungan tayong ․․․․․․․․ ang mga turo sa kaniyang kinasihang Salita. (1 Tim. 4:8, 9) [w98 1/1 p. 24 par. 6]
22. Ang pambobola ay totoong di-nakalulugod kay Jehova dahil udyok ito ng ․․․․․․․․, hindi ito ․․․․․․․․, at higit sa lahat, ito ay ․․․․․․․․. [w98 2/1 p. 30 par. 2-3]
23. Ang pangalang Josue ay nangangahulugang ․․․․․․․․, at siya ay isang makahulang larawan ni ․․․․․․․․. [si p. 42 par. 5]
24. Kasuwato ng ilustrasyon ni Jesus sa Mateo 7:24-27, ang maiingat na magulang ay makatutulong sa kanilang mga anak na mapaglabanan ang tulad-bagyong mga panggigipit sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng ․․․․․․․․ na siyang tutulong sa kanila upang manatiling ․․․․․․․․. [w98 2/15 p. 9 par. 1]
25. Ang makasaysayang ulat sa aklat ng Mga Hukom ay sumasakop sa kabuuang yugto ng panahon mula sa kamatayan ni ․․․․․․․․, anupat sumasaklaw ng mga ․․․․․․․․ taon. [si p. 47 par. 5]
Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na mga pangungusap:
26. Ang paggawa ng mga hakbang hinggil sa paglilipat ng mga ari-arian ng isa sakaling siya ay mamatay ay isang (pangkongregasyong bagay; ․․․․․․․․; kahilingan sa tunay na mga Kristiyano). (Gal. 6:5) [w98 1/15 p. 19 par. 6]
27. Pinasigla ni Pablo si Filemon na tanggapin nang may-kabaitan si (Onam; Onesiforo; Onesimo) subalit hindi siya gumamit ng awtoridad bilang apostol upang utusan ito na gawin ang gayon o upang palayain ang kaniyang alipin. (Flm. 21) [w98 1/15 p. 31 par. 1]
28. Ang malubhang pagkukulang na ipinahiwatig sa salaysay tungkol sa mga ketongin na pinagaling ni Jesus ay ang kanilang (kawalan ng pananampalataya; pagiging di-masunurin; kawalang-utang-na-loob). (Luc. 17:11-19) [w98 2/15 p. 5 par. 1]
29. Yamang sinang-ayunan ng Diyos ang ginawa ni Rahab, ang kaniyang sinabi sa mga lalaki ng Jerico na tumutugis sa mga tiktik na Israelita ay nagpapahiwatig na (nasa sa iyo na kung ikaw ay magsisinungaling; ang isang tao ay hindi obligado na magsiwalat ng totoong impormasyon sa mga hindi karapat-dapat na makaalam niyaon; hindi pa rin niya binago ang lahat ng kaniyang makasanlibutang mga landasin). (Jos. 2:3-5; ihambing ang Roma 14:4.) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w93 12/15 p. 25 par. 1.]
30. Gaya ng nakaulat sa Juan 13:5, ang praktikal na aral na ibinigay ni Jesus ay nagtatampok sa katangian ng (kabaitan; empatiya; kapakumbabaan), na nagpapangyari sa isa na maudyukang gampanan ang pinakamababang mga gawain alang-alang sa iba. [w98 3/15 p. 7 par. 6]
Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:
Deut. 7:3, 4; 17:7; 25:11, 12; 28:3; Jer. 15:20
31. Ang mataas na pagpapahalaga ng Maylalang sa mga sangkap sa pag-aanak ay dapat na makaimpluwensiya sa pasiya ng isang Kristiyano hinggil sa angkop na pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w99 6/15 p. 28 par. 1-4.]
32. Makapagtitiwala tayo sa suporta ni Jehova habang tinutupad natin ang ating atas na mangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. [w98 3/1 p. 28 par. 1]
33. Ang pakikinig sa babala ng Bibliya ay nagliligtas sa atin sa masaklap na kahihinatnan na kadalasa’y resulta ng pakikipamatok ng isang Kristiyano sa isang di-mananampalataya. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w89 11/1 p. 20 par. 11.]
34. Ang pagtatamasa ng mga pagpapala ng Diyos ay hindi nakasalalay sa lugar na tinitirhan o pinaglilingkuran natin o sa atas na maaaring taglay natin sa paglilingkod sa Diyos. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w96 6/15 p. 15 par. 15.]
35. Bilang awtoridad sa kaniyang mga tagubilin sa 1 Corinto kabanata 5 hinggil sa pagtitiwalag, sinipi ni Pablo ang Kautusan ni Jehova. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang si p. 213 par. 24.]