Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/00 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 12/00 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Disyembre: Ang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao ay iaalok kasama ng New World Translation of the Holy Scriptures. Enero: Ang alinman sa 192-pahinang matatandang aklat ay maaaring ialok. Kung ang mga kongregasyon ay wala ng alinman sa mga istak na ito, ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya ay maaaring ialok. Pebrero: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Sa mga lugar na di-karaniwang ginagamit ang Ingles, ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya ay maaaring ialok bilang kahalili. Marso: Ang aklat na Kaalaman ay itatampok taglay ang pagsisikap na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.

◼ Kung ikaw ay magbabakasyon o dadalo ng pandistritong kombensiyon sa dulong linggo ng Disyembre, tiyakin mong ibigay sa kalihim ang iyong ulat bago ka umalis. Kung ang lahat ay palaisip sa pag-uulat nang nasa panahon sa katapusan ng buwan, magkakaroon tayo ng kumpletong ulat para sa Disyembre.

◼ Mga Kontribusyon Para sa Pandistritong Kombensiyon: Ang lahat ng gastusin sa mga kombensiyon, lakip na ang upa sa angkop na mga pasilidad, paghahanda sa plataporma at sa public address system, at gayundin ang paglalaan ng anumang bagong publikasyon na maaaring ilabas, ay sinusuportahan ng boluntaryong mga kontribusyon sa pambuong daigdig na gawain. Nakatitiyak kami na isasaisip ninyo ito kapag dumadalo. Maaaring magbigay ng mga kontribusyon sa pamamagitan ng paghuhulog sa mga kahon ng kontribusyon na inilaan sa bawat kombensiyon.—Tingnan ang parapo 19 ng insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian para sa Nobyembre, 1999.

◼ 2001 Taunang Teksto: Ang taunang teksto para sa 2001 ay hinango sa Colosas 4:12: ‘Tumayong ganap at may matibay na pananalig sa buong kalooban ng Diyos.’ Dapat na isaayos ng lahat ng kongregasyon na mailagay ang bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall sa Enero 1, 2001.

◼ Iskedyul ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat: Mula sa linggo ng Pebrero 5, 2001, hanggang Hulyo 23, 2001, ang aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya ay pag-aaralan sa mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share