Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
Nakasara-aklat na repaso sa materyal na saklaw ng mga aralin sa mga linggo ng Setyembre 4 hanggang Disyembre 18, 2000. Gumamit ng isang bukod na pilyego ng papel na susulatan ng mga sagot sa pinakamaraming mga tanong na masasagot mo sa panahong takda.
[Pansinin: Sa panahon ng nasusulat na repaso, tanging ang Bibliya lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot sa anumang tanong. Ang mga reperensiya na kasunod ng mga tanong ay para sa iyong personal na pagsasaliksik. Ang numero ng pahina at ang parapo ay maaaring hindi lumilitaw sa lahat ng reperensiya sa Ang Bantayan.]
Sagutin ang bawat pangungusap ng Tama o Mali:
1. Pinigilan ni David si Abisai sa pagpatay kay Simei sapagkat si David ay nagkasala sa mga ibinibintang ni Simei laban sa kaniya. (2 Sam. 16:5-13) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w99-TG 5/1 p. 32 par. 3.]
2. Ang isang malinis, wastong sinanay na budhi ay hindi lamang umaakay tungo sa isang marubdob, personal na kaugnayan sa Diyos kundi mahalaga rin sa ating kaligtasan. (Heb. 10:22; 1 Ped 1:15, 16) [w98-TG 9/1 p. 4 par. 4]
3. Kakaunti lamang ang makasaysayang kahalagahan ng 1 Hari para sa isang Kristiyano sapagkat 2 lamang sa 14 na mga haring namahala sa Israel at Juda pagkamatay ni Solomon ang nagtagumpay sa paggawa ng tama sa mga mata ni Jehova. [si-TG p. 64 par. 1]
4. Ang Isang Libong Taóng Paghahari ni Jesus ay maaaring ihambing sa mapayapa at masaganang 40-taóng pamamahala ni Solomon. (1 Hari 4:24, 25, 29) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w90-TG 6/1 p. 6 par. 5.]
5. Ang disenteng libing ni Abias ay isang maliwanag na patotoo na siya ay isang tapat na mananamba ni Jehova, ang tanging isa sa sambahayan ni Jeroboam. (1 Hari 14:10, 13) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95-TG 4/1 p. 12 par. 11.]
6. Ang pagpapasailalim sa Kristiyanong bautismo ay nagpapakita na ang isa ay nagiging isang maygulang na lingkod ng Diyos. [w98-TG 10/1 p. 28 par. 2]
7. Pinalakas ni Jehova si Elias taglay ang nakahihigit-sa-taong katapangan at pinangalagaan siya laban sa pagkatakot. (1 Hari 18:17, 18, 21, 40, 46) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w98-TG 1/1 p. 31 par. 2.]
8. Kapuri-puri ang pagkakayari ng templo ni Solomon hindi lamang dahil sa kaluwalhatian at materyal na karilagan nito kundi dahil sa paglalarawan nito sa mas nakahihigit na maluwalhating espirituwal na templo ni Jehova. [si-TG p. 69 par. 26]
9. Ang pagkabulag na pinangyari ng salita ni Eliseo sa puwersang militar ng mga taga-Sirya ay maliwanag na pagkabulag sa isip yamang kanilang nakikita si Eliseo datapuwat hindi nakikilala kung sino siya. (2 Hari 6:18, 19) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang si-TG p. 70-1 par. 10.]
10. Ang pagpapatong ng “Patotoo,” na binanggit sa 2 Hari 11:12, ay isang makasagisag na paglalarawan na nagpapakita na ang interpretasyon ng hari sa Kautusan ng Diyos ay pangwakas at dapat na sundin. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w91-TG 2/1 p. 31 par. 6.]
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
11. Kasuwato ng 1 Juan 2:15-17, sa ano dapat na himukin ng makadiyos na mga magulang na umiwas ang kanilang mga anak kapag pinapatnubayan sila sa pagpili ng angkop na sekular na trabaho? [w98-TG 7/15 p. 5 par. 2]
12. Ano ang kahulugan ng 2 Samuel 18:8, na nagsasabi: “Ang kagubatan ay lumamon ng mas marami sa bayan kaysa sa nilamon ng tabak”? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w87-TG 3/15 p. 31 par. 2.]
13. Sino sa ngayon ang maaaring ihambing sa mga kalahi ni Goliat, ang Repaim, at ano ang pinagsisikapan nilang gawin? (2 Sam. 21:15-22) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w89-TG 1/1 p. 20 par. 8.]
14. Ano ang isang kapaki-pakinabang na simulain ng Bibliya na ating natutuhan sa 2 Samuel 6:6, 7? [si-TG p. 63 par. 30]
15. Anong mahalagang simulain ang matututuhan mula sa pangyayari hinggil sa isang lalaki na pinatay dahil sa paglabag sa Sabbath? (Bil. 15:35) [w98-TG 9/1 p. 20 par. 2]
16. Sa pagsasagawa ng ano tinutularan natin ang reyna ng Sheba, na naglakbay nang malayo upang marinig ang “karunungan ni Solomon”? (1 Hari 10:1-9) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w99-TG 7/1 p. 31 par. 1-2.]
17. Ayon sa 1 Hari 17:3, 4, 7-9, 17-24, sa anong tatlong paraan ipinakita ni Elias ang kaniyang pananampalataya kay Jehova? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w92-TG 4/1 p. 19 par. 5.]
18. Bakit ang pagtanggi ni Nabot na ipagkaloob ang kaniyang ubasan kay Ahab ay hindi basta isang kapahayagan ng katigasan ng kaniyang ulo? (1 Hari 21:2, 3) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w97-TG 8/1 p. 13 par. 18.]
19. Paanong ang mga salita sa 2 Hari 6:16 ay nagsilbing pampatibay-loob sa mga lingkod ni Jehova sa ngayon? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w98-TG 6/15 p. 18 par. 5.]
20. Sa anong mga paraan dapat na magbantay ang mga tunay na Kristiyano laban sa simonya? [w98-TG 11/15 p. 28 par. 5]
Ibigay ang kinakailangang (mga) salita o parirala upang mabuo ang sumusunod na mga pangungusap:
21. Ang isang tunay na Kristiyano ay hindi dapat magbigay-daan sa ․․․․․․․․ at makibahagi sa mga kaugalian na di-nakalulugod sa ․․․․․․․․. (Kaw. 29:25; Mat. 10:28) [w98-TG 7/15 p. 20 par. 5]
22. Sa pagpapatotoo sa harapan ni Haring Agripa, gumamit si Pablo ng ․․․․․․․․, na idiniriin ang mga punto na ․․․․․․․․ nila ni Agripa. (Gawa 26:2, 3, 26, 27) [w98-TG 9/1 p. 31 par. 3]
23. Dahilan sa ang Diyos ay ․․․․․․․․, nadarama ng ilan na siya ay di-personal, subalit ang madalas at puspusang ․․․․․․․․ ay magpapangyari sa isang tao na ‘makita ang Isa na di-nakikita.’ (Heb. 11:27) [w98-TG 9/15 p. 21 par. 3-4]
24. Gaya ng nakita sa kaso ng Siryanong heneral na si ․․․․․․․․, kung minsan ay malalaking kapakinabangan ang natatamo mula sa bahagya lamang ․․․․․․․․. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w99-TG 2/1 p. 3 par. 6–p. 4 par. 1.]
25. Kung paanong ang puso ni Jehonadab ay napasa kay Haring Jehu, ang ․․․․․․․․ sa ngayon ay buong pusong kumikilala at nakikipagtulungan sa Lalong Dakilang Jehu, si ․․․․․․․․, na kinakatawan sa lupa ng mga ․․․․․․․․. (2 Hari 10:15, 16) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w98-TG 1/1 p. 13 par. 5-6.]
Piliin ang tamang sagot sa bawat sumusunod na pangungusap:
26. Si (Satanas; Jehova; Joab) ang nag-udyok kay David na magkasala sa pamamagitan ng ‘pagbilang sa Israel.’ (2 Sam. 24:1) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w92-TG 7/15 p. 5 par. 2.]
27. Kasuwato ng 1 Hari 8:1 at Eclesiastes 1:1, tinipon ni Solomon ang bayan upang (magtayo ng templo; habulin ang mga kaaway ng lsrael; sambahin si Jehova). [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang si-TG p. 112 par. 3.]
28. Ang 20-taóng pagtatayo ni Solomon ng templo at ng kaniyang bahay sa Jerusalem ay katumbas ng isang yugto ng panahon ng pagbabago sa doktrina at organisasyon na nagpasimula noong (1919; 1923; 1931) at iyon ay natapos noong (1938; 1942; 1950). (1 Hari 9:10) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w92-TG 3/1 p. 20 kahon.]
29. Ang terminong “mga langit” gaya ng pagkagamit sa 2 Hari 2:11 ay tumutukoy sa (espirituwal na tahanang dako ng Diyos; pisikal na sansinukob; atmospera ng lupa, kung saan lumilipad ang mga ibon at humihihip ang mga hangin). [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w97-TG 9/15 p. 15 kahon.]
30. Si (Herodes na Dakila; Cesar Augusto; Tiberio Cesar) ang isa na nag-utos na magkaroon ng sensus na naging dahilan kung bakit isinilang si Jesus sa Betlehem sa halip na sa Nazaret. [w98-TG 12/15 p. 7 kahon]
Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:
Awit 15:4; 2 Sam. 12:28; 2 Sam. 15:18-22; 2 Hari 3:11; Col. 3:13
31. Ang pagkaulo sa teokratikong kaayusan ni Jehova ay dapat na igalang. [si-TG p. 63 par. 30]
32. Ang pagkamatapat sa organisasyon ni Jehova at sa mga kinatawan nito ay dapat na mapanatili. [si-TG p. 63 par. 30]
33. Ang pagpapahalaga sa awa ni Jehova ay makagaganyak sa isa na gumawa ng pagpipigil at pagtakpan ang mga pagkukulang. [w98-TG 11/1 p. 6 par. 3]
34. Isang pribilehiyo na magpakita ng pagkamapagpatuloy at mapagpakumbabang magsilbi sa tapat na mga lingkod ni Jehova na nasa pantanging paglilingkod. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w97-TG 11/1 p. 31 par. 1.]
35. Ginagawa ng isang taong may takot sa Diyos ang kaniyang makakaya upang tuparin ang kaniyang salitang babayaran ang kaniyang pagkakautang, bagaman ang di-inaasahang mga pangyayari ay magpangyaring maging mahirap ito kaysa sa kaniyang inaasahan. [w98-TG 11/15 p. 27 par. 1]