Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/01 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Subtitulo
  • Linggo ng Enero 8
  • Linggo ng Enero 15
  • Linggo ng Enero 22
  • Linggo ng Enero 29
  • Linggo ng Pebrero 5
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 1/01 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Enero 8

Awit 29

7 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

13 min: Pagpapatibay-Loob sa mga Payunir. Positibo at nakapagpapatibay na pahayag ng isang matanda.

25 min: Maibiging mga Paglalaan Para Mapangalagaan ang Ating Kalusugan. Tatalakayin ng kuwalipikadong matanda ang kahalagahan ng pagsulat sa Advance Medical Directive/Release card. Ipinakikita ng kinasihang tagubilin sa Awit 19:7 na ang Gawa 15:​28, 29 ay isang kapahayagan ng sakdal na kautusan ng Diyos hinggil sa Dugo. Ipinababatid ng dokumentong ito ang inyong determinasyon na itaguyod ang kautusang iyon at upang ito’y magsalita rin para sa inyo kapag hindi na kayo makapagsalita para sa inyong sarili. (Ihambing ang Kawikaan 22:3) Pagkatapos ng pulong na ito, ang bautisadong mga Saksi ay bibigyan ng isang bagong card, at yaong may mga anak na menor-de-edad na di-bautisado ay tatanggap ng isang Identity Card para sa bawat bata. Ang mga card na ito ay hindi susulatan sa gabing ito. Ang mga ito ay maingat na susulatan sa bahay subalit HINDI pipirmahan. Ang pagpirma, pagsaksi, at pagpepetsa ng lahat ng card ay gagawin sa susunod na Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, sa ilalim ng pangangasiwa ng konduktor ng pag-aaral sa aklat. Bago pirmahan, tiyakin na lubusang nasulatan ang mga card. Dapat na aktuwal na makita ng pipirma bilang mga saksi na pinipirmahan ng may-ari ng card ang dokumento. Sa pamamagitan ng pag-aangkop na mga salita mula sa card na ito sa kanilang sariling kalagayan at paniniwala, maaaring isulat ng mga di-bautisadong mamamahayag ang kanilang sariling direktiba para gamitin nila at ng kanilang mga anak.

Awit 155 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 15

Awit 51

10 min: Lokal na mga pangangailangan. Ulat ng kuwenta.

15 min: “Pasikatin Ninyo ang Inyong Liwanag.”a Ilakip ang mga komento sa Hunyo 1, 1997, Bantayan, pahina 15, parapo 12, 13. Pasiglahin ang lahat na samantalahin ang bawat pagkakataon na makapagpatotoo.

20 min: Iyo Bang Sinusuri ang Kasulatan sa Araw-Araw? Pahayag at mga panayam. Isaalang-alang ang Disyembre 15, 1996, Bantayan, pahina 17-18, parapo 12-14, na itinatampok ang karunungan ng pagtalakay sa pang-araw-araw na teksto bilang isang pamilya. Kapanayamin ang mga miyembro ng pamilya, na nakatatanda sa pagtalakay kamakailan ng pang-araw-araw na teksto na talagang naging kapaki-pakinabang at ibigay ang dahilan kung bakit. Idiin na ito’y dapat na maging bahagi ng regular na programa ng pampamilyang pag-aaral na dinisenyo upang patibayin ang ating mga sambahayan at upang mapanatiling aktibo ang pamilya sa ministeryo.

Awit 67 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 22

Awit 90

7 min: Lokal na mga patalastas.

18 min: Kung Paano Maghahanda ng mga Pambungad. Pahayag at mga pagtatanghal. Repasuhin ang mga susing punto sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 9. Ipakita kung paano tayo pipili ng mga pambungad na aangkop sa ating istilo, personalidad, at teritoryo. Repasuhin ang halimbawang mga pambungad na maaaring gamitin kasama ng brosyur na Hinihiling, at ipatanghal ang isa o dalawa sa mga ito. (Tingnan ang Abril 1997 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 8.) Pasiglahin ang bawat isa na gamiting mabuti ang mga mungkahing ibinigay sa aklat na Nangangatuwiran at sa Ating Ministeryo sa Kaharian sa kanilang paglilingkod sa larangan.

20 min: “Maging Isang Mabuting Tagapakinig.” Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Repasuhin ang mga punto mula sa Giya sa Paaralan, pahina 27-8, parapo 15-17. Ang pinakamabuting pagsubok sa ugali natin sa pakikinig ay kung gaano karami ang matatandaan natin. Anyayahan ang tagapakinig na alalahanin ang ilan sa namumukod-tanging punto na sinaklaw ng mga may bahagi sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa gabing ito.

Awit 96 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 29

Awit 139

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Enero. Banggitin ang alok na literatura sa Pebrero, na itinatampok ang mga aklat na nasa istak ng kongregasyon.

15 min: Pahayag ng matanda sa aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Linangin ang pananabik sa pag-aaral ng aklat na ito sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. (Tingnan ang Bantayan, Enero 1, 1999, pahina 3-5.) Pasiglahin ang lahat na higit na makibahagi sa lingguhang pagtalakay sa pag-aaral sa aklat. Nanaisin ng lahat na dumalo nang regular, makibahagi, at may pananabik na matutuhan hangga’t maaari ang tungkol sa lihim ng kaligayahan sa pamilya.

20 min: “Mga Magulang​—Ikintal sa Inyong mga Anak ang Kapaki-pakinabang na mga Pag-uugali.” Pahayag at panayam sa mga magulang na may mga anak na mahusay ang espirituwalidad. Binubulay-bulay ng mga magulang ang positibong mga bagay na kanilang ginawa upang ang kanilang mga anak ay maging okupado sa ministeryo sa larangan. Habang ipinahihintulot ng panahon, isama ang mga mungkahi mula sa aklat na Kaligayahan sa Pamilya, pahina 55-9.

Awit 149 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 5

Awit 168

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: “Maging Isang Maligayang Tagatupad.”b Ipakita kung ano ang nagdaragdag sa ating kagalakan sa paglilingkod sa Diyos, gaya ng nakabalangkas sa aklat na Insight, Tomo 2, pahina 120, parapo 6-8.

20 min: Makasusumpong Ka ng Kapaki-pakinabang na Libangan. Tatalakayin ng isang grupo ng pamilya ang payong ibinigay sa Mayo 22, 1997, Gumising! Ang ama ay nababahala hinggil sa uri ng paglilibang ng kaniyang pamilya. Pagkatapos ng maikling pagrerepaso sa “Ano na ang Nangyari sa Libangan?” (pahina 4-7), kanilang itinuon ang pansin sa iba’t ibang uri ng libangan na mabuti at kapaki-pakinabang. Isaalang-alang ang materyal sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 131-2, sa ilalim ng “Paglilibang,” at sa pahina 135-6, sa ilalim ng “Gawin ang Lahat sa Ikaluluwalhati ng Diyos.” Idiin ang papel ng mga magulang sa pangunguna at ang pangangailangan para sa lahat ng miyembro ng pamilya na makipagtulungan ukol sa kapakinabangan ng buong sambahayan.

Awit 190 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share