Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Marso 12
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Abril—Panahon Upang ‘Magpagal at Magpunyagi.’” (Parapo 1-13) Gagampanan ng punong tagapangasiwa. Isang masiglang pagtalakay kung ano ang nais nating maisagawa sa Abril. Pasiglahin ang lahat sa kongregasyon na gawin ang kaniyang bahagi upang maabot ang tunguhing 100-porsiyentong pakikibahagi sa ministeryo sa buwang iyon.
Awit 147 at pansarang panalangin.
Linggo ng Marso 19
8 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
17 min: Gamiting Mabuti ang 2001 Yearbook. Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Repasuhin ang “2000 Grand Totals,” sa pahina 31. Talakayin ang “A Letter From the Governing Body,” sa pahina 3-5. Anyayahan ang ilan sa tagapakinig na isalaysay ang isang ulat o karanasan mula sa bagong Yearbook na pantanging nakapagpasigla at nakapagpatibay sa kanilang pananampalataya. Pasiglahin ang mga pamilya na basahing magkakasama ang buong Yearbook, gaya ng ginagawa ng pamilyang Bethel sa buong daigdig sa buong taon. Itampok ang mga tanong sa pahina 255, na maaaring gamitin upang repasuhin ang natutuhan.
20 min: “Abril—Panahon Upang ‘Magpagal at Magpunyagi.’” (Parapo 14-30) Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Isang pahayag na may piniling bahagi na tanong-at-sagot. Lahat ay dapat gumawa ng isang praktikal na iskedyul upang makibahagi hangga’t maaari sa ministeryo sa Abril. Pasiglahin ang lahat na maaaring mag-auxiliary pioneer at kumuha ng aplikasyon pagkatapos ng pulong.
Awit 188 at pansarang panalangin.
Linggo ng Marso 26
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaliwanag na hindi pa huli upang magsumite ng aplikasyon ng pag-o-auxiliary pioneer sa Abril. Pasiglahin ang lahat na sundin ang pagbabasa ng Bibliya sa Memoryal na nakaiskedyul para sa Abril 3-8, na nakabalangkas sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2001. Ipatalastas kung kailan idaraos ang Pag-aaral ng Bantayan para sa linggo ng Memoryal. Huwag kaliligtaan ang pantanging pahayag sa Linggong ito, Abril 1, na pinamagatang “Sino ang Makaliligtas?” Himukin ang lahat na makibahagi sa ministeryo sa araw ding iyon, upang magkaroon ng magandang pasimula ang Abril.
20 min: “Parangalan Nating Lahat si Jehova at ang Kaniyang Anak.” Isang nakagaganyak na pahayag ng isang matanda salig sa Kasulatan. Pasiglahin ang lahat na makibahagi nang lubusan hangga’t maaari sa pantanging gawaing isinaplano para sa Abril at mag-ukol ng karagdagang pagsisikap upang anyayahan ang mga tao sa Memoryal.
15 min: Paghahanda ng Ating mga Presentasyon sa Magasin. Iaalok natin Ang Bantayan at Gumising! sa Abril. Repasuhin ang pahina 8, parapo 3 at 10, sa Oktubre 1996 na Ating Ministeryo sa Kaharian. Itampok (1) ang isang artikulo, (2) isang angkop na puntong mapag-uusapan, (3) isang tanong na pupukaw ng interes, at (4) isang napapanahong kasulatan na mabisang magagamit sa paghaharap ng bawat isa sa kasalukuyang mga magasin. Sikaping gamitin ang brosyur na Hinihiling o ang aklat na Kaalaman upang pasimulan ang mga pag-aaral sa Bibliya sa mga taong interesado. Magtapos sa pamamagitan ng isang inihandang mabuting pagtatanghal tungkol sa kung paano ito maisasagawa sa unang pagdalaw.
Awit 207 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 2
9 min: Lokal na mga patalastas. Paalalahanan ang mga mamamahayag na ibigay ang mga ulat sa paglilingkod para sa Marso. Repasuhin ang “Mga Paalaala sa Memoryal.”
18 min: “Pag-ibig ang Gumaganyak sa Atin Upang Mangaral.”a Itampok ang mga kasulatan sa artikulo. Ilakip ang mga puntong iniharap sa Insight, Tomo 2, pahina 673, parapo 1. Anyayahan ang isang mamamahayag na maraming taon nang aktibo na magsalaysay kung paanong ang pag-ibig sa Diyos ay gumaganyak sa kaniya na magpatuloy sa gawaing pangangaral.
18 min: “Tulungan ang Iba na Dumalo sa mga Pulong.”b Ang insert sa Hunyo 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 14-16, ay nagbibigay ng karagdagang mga mungkahi sa pag-akay sa mga estudyante ng Bibliya sa organisasyon. Ipakita kung paano kapuwa ang brosyur na Hinihiling (aralin 5, parapo 7) at ang aklat na Kaalaman (kabanata 5, parapo 22) ay magagamit nang antimano upang pasiglahin ang pagdalo sa pulong. Upang maipakita ito, magkaroon ng isang inihandang mabuting pagtatanghal ng isang may-kakayahang mamamahayag na magiliw na pinasisigla ang isang estudyante upang seryosong pag-isipan ang tungkol sa pagdalo sa mga pulong.
Awit 47 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang hindi lalampas sa isang minuto, at sundan ng isang tanong-at-sagot na pagtalakay.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang hindi lalampas sa isang minuto, at sundan ng isang tanong-at-sagot na pagtalakay.