Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
Nakasara-aklat na repaso sa materyal na saklaw ng mga aralin sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa mga linggo ng Enero 1 hanggang Abril 23, 2001. Gumamit ng isang bukod na pilyego ng papel na susulatan ng mga sagot sa pinakamaraming mga tanong na masasagot mo sa panahong takda.
[Pansinin: Sa panahon ng nasusulat na repaso, tanging ang Bibliya lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot sa anumang tanong. Ang mga reperensiya na kasunod ng mga tanong ay para sa iyong personal na pagsasaliksik. Ang mga numero ng pahina at ng parapo ay maaaring hindi lumilitaw sa lahat ng reperensiya sa Ang Bantayan.]
Sagutin ang bawat pangungusap ng Tama o Mali:
1. Bagaman hindi natin kailanman dapat pahintulutan ang damdamin na bumulag sa atin sa malubhang kasalanan, maaari nating tularan ang halimbawa ni Jose sa pamamagitan ng maawaing pagpapatawad sa isang nagsisising indibiduwal na nagkasala laban sa atin. (Gen. 42:21; 45:4, 5) [w99 1/1 p. 31 par. 2-3]
2. Bukod pa sa talaan nito ng talaangkanan, ang nilalaman lamang ng 1 Cronica ay pag-uulit ng materyal na masusumpungan sa mga aklat ng Samuel at Mga Hari. [si p. 75 par. 1]
3. Ang Bibliya ay tumutukoy sa isa lamang “antikristo,” na lilitaw sa hinaharap na panahon. [rs p. 29]
4. Ipinakita ni Jesus ang kaniyang kapakumbabaan sa pamamagitan ng pagtanggap sa natatanging atas ng pagparito sa lupa mula sa makalangit na dako at maging isang hamak na tao, na mababa pa sa mga anghel. (Fil. 2:5-8; Heb. 2:7) [w99 2/1 p. 6 par. 3]
5. Ang pagsalakay ni Sisak sa Juda at ang pandarambong sa ‘mga kayamanan ng bahay ni Jehova at sa mga kayamanan ng bahay ng hari’ ay pinatotohanan ng arkeolohiya. (2 Cron. 12:9) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 2/1 p. 26 par. 4.]
6. Ang bautismo ng sanggol ay hindi isinagawa ng unang-siglong mga Kristiyano. [rs p. 56]
7. Ang isa ay dapat maglingkod sa Diyos na walang iniisip na makakamtang gantimpala. [w99 4/15 p. 16 par. 1]
8. Sa pagtukoy sa mga “ginagawa” ni Jehova gaya ng nakaulat sa Awit 103:2, nasa isipan ni David ang pisikal na paglalang ni Jehova. [w99 5/15 p. 21 par. 5-6]
9. Ang mga templong itinayo nina Solomon, Zerubabel, at Herodes, gayundin ang tabernakulo na itinayo ni Moises, ay pawang lumalarawan sa iisang bagay. [si p. 87 par. 16]
10. Ang talaangkanan na masusumpungan sa 1 Cronica ay walang gaanong malaking kapakinabangan para sa sinaunang kongregasyong Kristiyano. [si p. 78 par. 23]
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
11. Bakit naging matindi ang kahatulan ni Jehova sa sambahayan ni Ahab? (1 Hari 16:31; 2 Hari 9:7, 26) [si p. 74 par. 34]
12. Gaya ng ipinahihiwatig sa Mateo 24:45-51, ano ang likas sa mga nagiging apostata? [rs p. 33]
13. Anong napakahalagang aral tungkol sa kalakasan ang matututuhan natin mula sa kaso ng haring si Uzias ng Judea? (2 Cron. 26:15-21) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w99 12/1 p. 26 par. 1-2.]
14. Sa halip na maging pasimula ng isang ritwal, anong matinding aral ang inilaan ni Jesus para sa atin sa pamamagitan ng paghuhugas sa mga paa ng kaniyang mga apostol? (Juan 13:4, 5) [w99 3/1 p. 31 par. 1]
15. Bakit ang tala sa 1 Cronica 14:8-17 ay kapansin-pansin noong kaarawan ni Isaias, at bakit iyon ay dapat na bigyang-pansin ng Sangkakristiyanuhan sa ngayon? (Isa. 28:21) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w91 6/1 p. 21 par. 2-3.]
16. Anong mga aspekto ng pagsamba kay Baal ang nakaakit sa maraming Israelita? [w99 4/1 p. 29 par. 3-6]
17. Anong praktikal na aral ang maaaring matutuhan mula sa ginawa ni Hezekias upang pangalagaan at paramihin ang suplay ng tubig ng Jerusalem? (2 Cron. 32:3, 4) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w96 8/15 p. 6 par. 1-2.]
18. Paanong ang halimbawa ni Josias ay magiging isang pampatibay-loob sa mga kabataan sa ngayon na maglingkod sa Diyos at tumayong matatag laban sa huwad na pagsamba? (2 Cron. 34:3, 8, 33) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w90 8/1 p. 5 par. 2.]
19. Ang lahat ba ng Judio na nanatili sa Babilonya ay hindi tapat, at anong praktikal na aral ang maaaring matutuhan mula rito? (Ezra 1:3-6) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 1/15 p. 8 par. 4, 7.]
20. Sa ulat ng 2 Cronica 5:13, 14, anong pahiwatig ang naroroon na si Jehova ay nakikinig sa nakabibighaning papuri ng kaniyang bayan at ikinagagalak niya iyon? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w94 5/1 p. 10 par. 7.]
Ibigay ang kinakailangang (mga) salita o parirala upang mabuo ang sumusunod na mga pangungusap:
21. Dapat tiyakin ng isang nagbibigay ng payo sa isang kapuwa Kristiyano na isalig ang sinasabi sa makadiyos na ․․․․․․․․, hindi sa ․․․․․․․․ at ․․․․․․․․ ng tao. (Col. 2:8) [w99 1/15 p. 22 par. 1]
22. Hindi magiging posible na kumuha ng ․․․․․․․․ na katayuan sa digmaan ng ․․․․․․․․. (Mat. 12:30; 2 Tes. 1:8) [rs p. 45]
23. Gaya ng mga tinik na maaaring humadlang sa mga punla sa pag-abot sa pagkamaygulang, ang di-makontrol na ․․․․․․․․ at ang mapandayang kapangyarihan ng ․․․․․․․․ ay makahahadlang sa isa sa pagsulong tungo sa espirituwal na pagkamaygulang. (Mat. 13:19, 22) [w99 3/15 p. 22 par. 5]
24. Ang “binabautismuhan sa layuning maging mga patay” gaya ng binanggit ni Pablo sa 1 Corinto 15:29, ay nangangahulugan ng paglulubog sa isang landasin ng buhay na aakay sa isang ․․․․․․․․ kagaya ng kay Kristo at pagkatapos ay tungo sa isang ․․․․․․․․ sa buhay sa espiritu kagaya niya. [rs p. 59]
25. Upang ang isang tunay na Kristiyano ay magtagumpay kung saan nabigo si Solomon, kailangan niyang talikdan ang lahat ng ․․․․․․․․ o ․․․․․․․․ sa kaniyang pagsamba at sumunod sa mga salita ni ․․․․․․․․ na ‘ibigin si Jehova na kaniyang Diyos nang buong puso niya.’ (Mat. 22:37; 1 Cron. 28:9) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 6/1 p. 19 par. 17-18.]
Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na mga pangungusap:
26. Ang ulat sa 2 Hari 17:5, 6 ay naglalahad kung paano sinalakay ni (Tiglat-pileser; Shalmaneser V; Esar-hadon) ang sampung tribong kaharian ng Israel sa hilaga at pinasimulan ang tatlong-taóng pangungubkob laban sa Samaria, na sa wakas ay bumagsak sa Asirya noong (740; 607; 537) B.C.E. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 2/15 p. 27 par. 1.]
27. Sa paglalahad ng mga pangyayaring naganap sa Jerusalem pagkatapos magsimula ang pagkatapon sa Babilonya, ang 2 Hari kabanata 25 ay di-tuwirang tumutukoy kay (Daniel; Ezekiel; Jeremias) bilang manunulat ng aklat at nagpapahiwatig din na ang pagsulat ay natapos noong bandang (580; 537; 455) B.C.E. (2 Hari 25:27) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang si p. 64 par. 3.]
28. Gaya ng ipinahihiwatig sa Exodo 4:11, ang Diyos na Jehova ‘ang gumagawa ng pipi, isang bingi, ng may malinaw na paningin, at ng bulag’ upang (siya ay sisihin sa kapansanang taglay ng mga tao; atasan ang iba’t iba sa mga pribilehiyo ng paglilingkod; hayaang ang pisikal na mga kapansanan ay mahayag sa mga tao). [w99 5/1 p. 28 par. 2]
29. Ang 70-taóng yugto na binanggit sa 2 Cronica 36:17-23 ay natapos noong (537; 607; 677) B.C.E. [si p. 84 par. 35]
30. Ang dalawa lamang tuwirang pagtukoy sa Bibliya ng pagdiriwang ng kapanganakan (ay nangangahulugang sinasang-ayunan ang mga ito; ay hindi sinasang-ayunan ang mga ito; ay hindi nagbibigay ng anumang liwanag sa mga pagdiriwang ng kapanganakan). (Gen. 40:20-22; Mat. 14:6-10) [rs p. 81]
Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:
Ex. 21:22, 23; Kaw. 25:11; Rom. 12:2; 2 Ped. 3:15, 16; Apo. 16:13, 14
31. Ang kusang pagsisikap ay kinakailangan upang baguhin ang ating pag-iisip at punuin ang ating kaisipan ng katotohanan ng Diyos. [w99 4/1 p. 22 par. 2]
32. Kapag nagbibigay ng payo, mahalaga na piliin ang tamang mga salita. [w99 1/15 p. 23 par. 1]
33. Ipinahiwatig ni Jehova na ang isang tao ay papagsusulitin dahil sa pananakit sa isang di pa naisisilang na sanggol. [rs p. 25]
34. Ang impluwensiya ni Satanas na Diyablo ay nagtutulak sa mga bansa sa kalagayan ng daigdig na hahantong sa pakikidigma laban sa Diyos. [rs p. 46]
35. Ang pagpilipit sa Kasulatan upang iayon sa ating sariling paniniwala ay magbubunga ng walang-hanggang kapahamakan. [rs p. 67]