Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/01 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 4/01 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Abril at Mayo: Indibiduwal na mga sipi ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag nakasumpong ng interes sa mga pagbabalik muli, maaaring ialok ang mga suskrisyon. Magdala ng aklat na Kaalaman o brosyur na Hinihiling para sa mga taong interesado, at pagsikapang makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling taglay ang pagsisikap na makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur ay maaaring ialok. Gayunpaman, yamang ang bagong brosyur, na Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!, ay kalalabas lamang, makabubuting ilakip ito sa inyong alok.

◼ Ang mga tomo ng 2000 Watchtower at Awake! ay malapit nang makuha at maaari nang pididuhin. Gayunman, tandaan na ito ay mga special-request item at maaaring pididuhin lamang kapag may espesipikong kahilingan mula sa mga mamamahayag ukol dito. Kung hindi pa dumarating ang mga tomo sa sandaling matanggap ang mga pidido, itatala ang mga ito bilang “back-ordered” at ipadadala sa inyo ang mga tomo sa sandaling matanggap ang mga ito mula sa Brooklyn.

◼ Kapag gumagawa sa nabubukod na mga lugar sa inyong teritoryo sa mga buwan ng tag-araw, pinakamainam na ialok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling. Ang lahat ay dapat na magdala ng iba’t ibang tract para sa mga wala sa tahanan o para sa mga indibiduwal na hindi kukuha ng literatura. Dapat gumawa ng mga pagsisikap upang subaybayan ang nasumpungang interes pagkaraan.

◼ Dapat panatilihin ng mga kalihim ng kongregasyon ang sapat na suplay ng mga pormang Application for Regular Pioneer Service (S-205) at Application for Auxiliary Pioneer Service (S-205b). Ang mga ito ay maaaring pididuhin sa Literature Request Form (S-14). Mag-ingat ng di-kukulangin sa isang-taóng suplay. Repasuhin ang lahat ng mga porma ng aplikasyon para sa regular pioneer upang matiyak na iyon ay kumpletong nasulatan. Kung hindi matandaan ng mga aplikante ang eksaktong petsa ng kanilang bautismo, dapat nilang tantiyahin ang petsa at mag-ingat ng rekord nito.

◼ Pasimula sa linggo ng Hulyo 30, 2001, pag-aaralan natin ang Hula ni Isaias​—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.

◼ Bagong mga Bibliyang Cebuano at Iloko: Kasuwato ng ibinigay na patalastas sa kamakailang “Mga Tagatupad ng Salita ng Diyos” na Pandistritong mga Kombensiyon, ikinagagalak ng Samahan na ipabatid sa lahat ng mga Kongregasyong Cebuano at Iloko na ang New World Translation of the Holy Scriptures sa mga wikang ito ay maaari nang pididuhin mula sa Samahan. Ang edisyong Iloko ay maaaring pididuhin kaagad, samantalang ang edisyong Cebuano ay maaaring pididuhin pagkatapos ng Abril 1, 2001. Maaaring pididuhin ng mga kongregasyon ang mga ito sa Literature Request Form (S-14) sa karaniwang paraan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share