Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Mayo 14
10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Paano Mo Sinusukat ang Tagumpay?” Pahayag ng isang matanda salig sa artikulo ng Nobyembre 1, 2000 isyu ng Bantayan, pahina 18-21.
Awit 31 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 21
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
17 min: “Ikaw ba ay Isang Kristiyanong ‘Lubos-ang-Laki’?” Pahayag ng isang matanda salig sa Agosto 15, 2000, na Bantayan, pahina 26-9. Idiin ang punto na ang mga Kristiyanong lubos-ang-laki ay nakadaragdag sa katatagan ng isang kongregasyon. Mayroon silang positibong impluwensiya sa disposisyon nito.
18 min: “Nagawa na Namin ang Aming Teritoryo Nang Maraming Beses!”a Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. (Maaaring repasuhin ng mga kongregasyon na may teritoryong bihirang magawa ang artikulong “Ipinahahayag ng mga Magasin ang Kaharian,” sa Abril 1998 na Ating Ministeryo sa Kaharian.) Talakayin kung ano ang maaaring gawin sa lokal na paraan upang makubrehan nang lubusan ang teritoryo kapag ginagawa. Ilahad ang mga karanasan sa 1997 Yearbook, pahina 204, at sa Pebrero 15, 1996, Bantayan, pahina 26. Idiin ang kahalagahan ng pag-iingat ng mabuting house-to-house record, na binabalikan yaong mga wala sa bahay, at gumagawa ng maagap na mga pagdalaw-muli.
Awit 105 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 28
13 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Mayo. Repasuhin ang “Pinasimpleng Paraan sa Muling Pagpapanibago ng Suskrisyon.” Himukin ang lahat ng suskritor na huwag hayaang matapos ang kanilang mga suskrisyon sa Bantayan at Gumising!
15 min: “Bakit Dapat Maging Mapagsakripisyo-sa-Sarili?” Pahayag ng isang matanda salig sa Setyembre 15, 2000, na Bantayan, pahina 21-24. Maging nakapagpapasigla, na tinutulungan ang mga kapatid na mangatuwiran sa ibinigay na mga halimbawa.
17 min: “Ang Salita ng Diyos . . . ay May Lakas.”b Ilakip ang dalawang mahusay ang pagkakahandang mga pagtatanghal, na nagpapakita kung paano maitutuon ng maiikling presentasyon ang pansin sa Salita ng Diyos.
Awit 79 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 4
12 min: Lokal na mga patalastas at mga karanasan sa paglilingkod sa larangan. Ilakip ang pagtalakay sa “Tanong.”
15 min: “Makibahagi Nang Lubusan sa Pag-aani.”c Kapag tinatalakay ang parapo 4, ilakip ang halimbawa mula sa Setyembre 15, 1996, na Bantayan, pahina 19, parapo 10, na nagpapakita kung ano ang ginagawa ng iba upang mapalawak ang kanilang ministeryo.
18 min: “Ingatan ang Iyong Pangalan.” Pahayag ng isang matanda salig sa Setyembre 15, 2000, na Bantayan, pahina 25-28.
Awit 142 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.