Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Pebrero 11
12 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na basahin o repasuhin ang Genesis 6:1 hanggang 9:19 at panoorin ang video na Noah—He Walked With God bilang paghahanda sa talakayan sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Marso 4.
20 min: “Lubusang Ipangaral ang Salita ng Diyos.”a (Parapo 1-13) Gagampanan ng punong tagapangasiwa. Isang masiglang talakayan hinggil sa gusto nating maisagawa sa Marso, Abril, at Mayo. Dapat gamitin ng lahat ang inilaang kalendaryo sa insert upang planuhin ang isang praktikal na iskedyul sa pakikibahagi nang lubusan hangga’t maaari sa ministeryo sa Marso. Pasiglahin ang lahat ng nasa kalagayan na mag-auxiliary pioneer sa buwang iyon. Kapag tinatalakay ang parapo 7-8, humiling ng mga komento hinggil sa mga pagpapalang tinamasa niyaong mga nagpayunir noong nakaraang panahon ng Memoryal. Ipatalastas na ang mga nagpaplanong magpayunir ay may makukuhang mga aplikasyon para sa auxiliary pioneer pagkatapos ng pulong na ito at ipabatid din ang pulong sa Linggo, Pebrero 17.
13 min: “Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin.” Tanungin ang mga mamamahayag kung paanong ang pitak na ito na nasa Ating Ministeryo sa Kaharian ay nakatulong sa kanila na lalong maging handa. Sa dalawang maikling pagtatanghal, ipakita kung paano ihaharap ang Pebrero 15 ng Bantayan at pagkatapos ay ang Pebrero 22 ng Gumising!
Awit 49 at pansarang panalangin.
Linggo ng Pebrero 18
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: “Bakit Patuloy Pang Mangangaral?”b Magtapos sa pamamagitan ng pakikipanayam sa isa o dalawang mamamahayag na patuloy pa ring nangangaral sa loob ng maraming taon. Hayaang ipahayag nila ang kanilang damdamin kung bakit sila’y matiyaga sa gawaing ito at kung paano sila nakinabang dito.
20 min: “Lubusang Ipangaral ang Salita ng Diyos.”c (Parapo 14-23) Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Balangkasin ang buong iskedyul ng mga pagtitipon bago maglingkod sa larangan na isinaplano para sa Marso. Magtuon ng pansin sa pagpapasigla sa mga naging di-aktibo at sa pagtulong sa mga anak at sa mga estudyante sa Bibliya na maging kuwalipikado bilang di-bautisadong mga mamamahayag. Ipatalastas ang pangalan ng mga nagpatala bilang auxiliary pioneer sa Marso, at pasiglahin ang mas marami pa na taimtim na pag-isipan ang pagsama sa kanila.
Awit 143 at pansarang panalangin.
Linggo ng Pebrero 25
10 min: Lokal na mga patalastas. Itanghal ang dalawang maikling presentasyon sa magasin—isa na ginagamit ang Marso 1 ng Bantayan at isa pa na ginagamit ang Marso 8 ng Gumising!
35 min: “Ikinakapit Mo ba ang Iyong Natutuhan sa ‘Mga Guro ng Salita ng Diyos’ na Pandistritong Kombensiyon?” Pakikipagtalakayan sa tagapakinig hinggil sa programa ng kombensiyon, na gagampanan ng konduktor ng Pag-aaral sa Bantayan. Pagkatapos ng isang minutong pambungad, ilaan ang 10-12 minuto para sa programa sa bawat araw. Iharap sa maikli ang mga pangunahing punto sa ilalim ng bawat subtitulo at pagkatapos ay mag-aanyaya ng mga komento mula sa tagapakinig hinggil sa (1) kung paano nila pinagsikapang ikapit ang tagubilin, (2) kung paano sila nakinabang sa paggawa ng gayon, at (3) kung ano sa palagay nila ang kailangan pa nilang gawin. Gumamit ng nakapupukaw-kaisipang mga tanong upang magkaroon ng isang masiglang talakayan.
Awit 151 at pansarang panalangin.
Linggo ng Marso 4
5 min: Lokal na mga patalastas.
10 min: Gamitin ang Aklat na Kaalaman Upang Magpasimula ng mga Pag-aaral. Sa Marso nanaisin nating gumawa ng pantanging pagsisikap upang magpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Ilahad sa maikli ang karanasan sa Agosto 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4, parapo 8. Kung ang sinuman ay nakapagpasimula na kamakailan ng isang pag-aaral sa aklat na Kaalaman kalakip ang bagong tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya?, isadula kung paano naisagawa ito.
15 min: “Epekto ng mga Video na Nagbibigay ng Patotoo.” Pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Hanggang sa ngayon, narepaso na natin ang walo sa ating mga video sa programa ng Pulong sa Paglilingkod. Hilingin sa mga mamamahayag na ilahad kung anong mga tagumpay ang kanilang natamo sa pagpapalabas ng mga video sa iba.
15 min: “Ang Lahat ay Maaaring Matuto Mula sa Noah—He Walked With God.” Talakayin kaagad sa tagapakinig ang video na Noah, na ginagamit lamang ang mga tanong na inilaan sa kahon sa pahinang ito. Ating rerepasuhin sa Abril ang video na Young People Ask—How Can I Make Real Friends?
Awit 215 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at saka sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at saka sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at saka sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.