Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Mayo 13
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo ng Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng magkahiwalay na mga pagtatanghal kung paano ihaharap ang Mayo 15 ng Bantayan at ang Mayo 22 ng Gumising!
20 min: “Mga Mungkahing Presentasyon sa Paglilingkod sa Larangan.” Pakikipagtalakayan sa tagapakinig sa pamamagitan ng insert na gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ang insert na ito ay naglalaman ng mga mungkahing presentasyon na lumabas sa nakalipas na mga isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian kalakip ang ilang bagong presentasyon. Ang mga patlang ay maaaring gamitin upang isulat ang iba pang mga mungkahi na lilitaw sa hinaharap at napatunayang mabisa sa lokal na teritoryo. Anyayahan ang mga tagapakinig na sabihin kung anong mga presentasyon ang lalo nang nagustuhan nila at bakit. Itanghal ang isa o dalawang presentasyon na maaaring gamitin sa dulo ng sanlinggong ito. Pasiglahin ang lahat ng mamamahayag at mga payunir na itago ang insert na ito at madalas na sumangguni rito kapag naghahanda para sa ministeryo.
15 min: “Maiiwasan Mo ang Espirituwal na Atake sa Puso.” Pahayag na salig sa artikulo ng Disyembre 1, 2001, Bantayan, pahina 9-13. Ipakita na mahalaga ang pag-iingat sa ating makasagisag na puso kung paanong mahalaga ang pag-iingat sa ating pisikal na puso. Pasiglahin ang lahat na huwag ipagwalang-bahala ang mga nagbababalang palatandaan ng panghihina sa espirituwal.
Awit 115 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 20
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Repasuhin ang Tanong.
15 min: “Malaki ba ang Teritoryo ng Inyong Kongregasyon?” Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig na gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. (Maaaring repasuhin ng mga kongregasyong may maliit na teritoryo ang artikulong “Gamiting Mabuti ang Iyong Panahon,” sa Hunyo 1999 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4.) Banggitin kung gaano kalawak ang teritoryo ng kongregasyon at kung gaano kalaking bahagi nito ang nakubrehan sa nakalipas na taon. Ipaliwanag kung paano maikakapit sa inyong lugar ang mga mungkahing ibinigay. Repasuhin ang mga planong isinasagawa upang makubrehan ang mga teritoryong madalang gawin sa malapit na hinaharap.
20 min: “Ginagamit Mo ba ang Brosyur na Hinihiling Upang Makapagpasimula ng mga Pag-aaral?” Magpasimula sa pamamagitan ng pagtatanghal ng isang mamamahayag na naghandang mabuti kung paano makapagpapasimula ng isang pag-aaral, na ginagamit ang halimbawa sa parapo 3. Pagkatapos, banggitin ang mga tampok na bahagi ng brosyur, at ipaliwanag kung paano ito dinisenyong mabuti para sa pagpapasimula ng mga pag-aaral. Ipakita ang kahalagahan ng regular na pagsangguni sa mga mungkahi kung paano makapagpapasimula ng mga pag-aaral sa brosyur na ito sa pahina 4 at 6 ng insert sa buwang ito. Tanungin ang mga tagapakinig kung alin sa mga mungkahi ang nasumpungan nilang pinakamatagumpay. Magtapos sa pamamagitan ng pag-ulit sa pagtatanghal sa parapo 3.
Awit 169 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 27
12 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Mayo. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, ipatanghal sa isang may-edad na mamamahayag kung paano ihaharap ang Hunyo 1 ng Bantayan at ipatanghal sa isang nakababatang mamamahayag kung paano ihaharap ang Hunyo 8 ng Gumising! Pagkatapos ng bawat pagtatanghal, komentuhan kung gaano kadaling mailakip ang isang kasulatan sa presentasyon.
20 min: “Ano ang May Tunay na Halaga?” Pahayag ng isang matanda salig sa artikulo ng Setyembre 15, 2001, Bantayan, pahina 21-3. Ipakita kung paanong ang pagtataglay ng pagsang-ayon ni Jehova ay may nakahihigit na halaga kaysa sa anumang katanyagan o materyal na mga ari-arian. Ikapit ang mga punto sa lokal na kongregasyon upang maging praktikal ito.
13 min: Paghaharap ng Aklat na Kaalaman sa Hunyo. Pagkatapos ng maikling pagtalakay sa pitong “Mga Mungkahi sa Paghaharap ng Aklat na Kaalaman” sa pahina 5 ng insert, ipatanghal ang dalawa sa mga presentasyong ito sa mga mamamahayag o mga payunir na naghandang mabuti. Pasiglahin ang lahat na repasuhin ang mga mungkahing ito bago makibahagi sa ministeryo sa Hunyo.
Awit 93 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 3
15 min: Lokal na mga patalastas. Isaayos na ilahad ng mga mamamahayag ang mga pagpapalang tinamasa nila bilang resulta ng pakikibahagi sa gawaing auxiliary o regular pioneer noong Marso, Abril, o Mayo.
15 min: Kung Paano Ginagamit ng Aklat na Nangangatuwiran ang Ibang mga Salin ng Bibliya. Maikling pahayag na susundan ng pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Basahin ang parapo 2 sa pahina 8 ng aklat na Nangangatuwiran, at ipaliwanag kung bakit at paano dapat itampok ang Bibliya sa ating ministeryo. Banggitin ang listahan ng mga daglat sa mga salin ng Bibliya sa pahina 6, at ipaliwanag kung bakit natin ginagamit ang ibang mga salin. Talakayin ang mga paalaala na binanggit sa Oktubre 1, 1997, Bantayan, pahina 16, parapo 2, at pahina 20, parapo 15. Ginagamit ang mga paksang “Apostolikong Paghahalili,” “Imahen,” at “Trinidad” sa aklat na Nangangatuwiran, anyayahan ang mga tagapakinig na ilarawan kung paanong ang paghahambing sa mga salin ay makatutulong sa pagtuturo ng katotohanan.
15 min: “Pinakikilos Tayo ng Ating Pananampalataya Ukol sa Mabubuting Gawa.”a Kapag tinatalakay ang parapo 2, kapanayamin sa maikli ang isang masigasig na Saksi. Hayaang ipahayag ng mamamahayag kung paanong ang pagpapatotoo sa iba ay kapuwa nagpapakita at nagpapalakas ng kaniyang pananampalataya.
Awit 56 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.